Mag-sign in gamit ang mga prompt ng Google

Kapag nag-sign in ka sa iyong Google Account, makakapag-tap ka ng notification sa telepono mo para kumpirmahing ikaw ito.

Magagamit mo ang mga prompt ng Google para mag-sign in:

Kahit na hindi mo na-on ang alinman sa mga setting na ito, posibleng hilingin sa iyo ng Google na mag-tap ng notification para makatulong sa pagkumpirmang ikaw ang nagsa-sign in.

Alamin kung aling mga device ang nakakatanggap ng mga prompt ng Google

Matatanggap mo ang mga prompt ng Google sa anumang Android phone na naka-sign in sa iyong Google Account.

Kung kwalipikado ang iyong telepono, awtomatikong susubukan ng Google na gamitin ang Bluetooth para sa karagdagang proteksyon kapag nag-sign in ka sa mga bagong device. Ginagamit namin ang Bluetooth para makatulong sa pag-block ng mga kahina-hinalang pagsubok na mag-sign in mula sa mga device na pisikal na malayo sa iyong telepono.

Paano nakakatulong ang mga prompt ng Google na protektahan ang iyong account

Inirerekomenda naming gumamit na lang ng mga prompt ng Google sa halip na mga code sa pag-verify sa text message (SMS) para tulungan kang:

  • Maiwasan ang pag-hack ng account batay sa numero ng telepono. Posibleng subukang nakawin ng mga hacker ang mga code sa pag-verify para makatulong sa kanilang pasukin ang iyong account. Nakakatulong ang mga prompt ng Google na magprotekta laban sa paraang ito ng pag-hack ng account sa pamamagitan ng mas secure na pagpapadala sa mga ito sa mga device mo lang na naka-sign in.
  • Kumuha ng higit pang impormasyon tungkol sa mga pagtatangka sa pag-sign in. Para matulungan kang makakita ng kahina-hinalang aktibidad, nagbibigay sa iyo ang mga prompt ng Google ng impormasyon tungkol sa device, lokasyon, at oras ng pagtatangka sa pag-sign in.
  • Mag-block ng kahina-hinalang aktibidad. Kung hindi mo sinubukang mag-sign in sa iyong account, i-tap ang Hindi sa notification para i-secure ang account mo.

Matuto pa tungkol sa pag-atake ng phishing.

Gumamit ng mga inirerekomendang device at feature ng seguridad

Kung kailangan mong mag-sign in sa teleponong hindi sa iyo, mag-sign in sa isang window ng pribadong browser. Para mag-sign out, isara ang lahat ng window ng pribadong browser pagkatapos mong gamitin ang telepono.

Para makatulong na pigilan ang iba pang taong magamit ang iyong device, i-on ang lock ng screen ng telepono mo.

Ayusin ang mga problema

Hindi ka nakakatanggap ng prompt ng Google

Kung sinubukan mong mag-sign in at wala kang natanggap na prompt sa iyong telepono:

  1. Subukan ulit. Sa screen ng pag-sign in, piliin ang Ipadala Ulit.
  2. Kung hindi iyon gagana, tiyaking:
    • Nakakonekta sa internet ang iyong telepono. Kailangang naka-on ang iyong Wi-Fi o cellular data para makatanggap ng mga prompt.
    • Io-off mo ang Huwag Istorbohin, kung naka-on ang setting.
    • May pinakabagong bersyon ng Mga Serbisyo ng Google Play ang iyong telepono.
  3. Tingnan kung naka-sign in ka sa iyong Google Account:
    • Sa iyong Android device,  buksan ang Mga Setting Mga Setting.
    • I-tap ang Mga password at account at pagkatapos ay Google.
    • Kung hindi ka naka-sign in, sundin ang mga hakbang sa screen.
  4. Subukang mag-sign in ulit.

Nakatanggap ka ng prompt pero hindi ka na-sign in

Kung hindi mo sinubukang mag-sign in pero nakatanggap ka ng prompt, posibleng may sumubok na mag-sign nang walang pahintulot mo.

Sa prompt na "Sinusubukang mag-sign in?," i-tap ang Hindi.

Kung may mapapansin kaming kakaiba sa kung paano ka mag-sign in, tulad ng iyong lokasyon, posibleng hilingin namin sa iyong magsagawa ng mga karagdagang hakbang para kumpirmahing ikaw ito. Halimbawa, posibleng kailanganin mong itugma ang numerong nasa screen ng iyong computer sa numerong nasa screen ng telepono mo.

Nakatanggap ka ng mensaheng "Nag-expire na ang Kahilingan"

Kung magpapakita ang iyong telepono ng nag-expire na o nag-time out na prompt, nagkaroon ng hindi matagumpay na pagtatangkang mag-sign in sa Google Account mo.

Kung sinubukan mong mag-sign in sa iyong account:

  1. Sa screen ng pag-sign in, i-tap ang Ipadala Ulit.
  2. Sundin ang mga tagubilin sa screen para makapag-sign in sa iyong Google Account.

Kung hindi mo sinubukang mag-sign in sa iyong Google Account:

Nasa malayo ang iyong telepono o hindi mo ito magamit

Kung minsan, posibleng kailanganin mong mag-sign in sa ibang paraan, tulad na lang kapag:

  • Wala sa iyo ang telepono mo.
  • Hindi na-charge ang iyong telepono.
  • Offline ang iyong telepono.

Kung nagsa-sign in ka gamit ang mga prompt ng Google sa halip na password, kakailanganin mong gamitin na lang ang iyong password. 

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. I-tap ang Gumamit ng password o iba pang opsyon.
  3. Pumili ng isa sa mga opsyon at sundin ang mga hakbang sa screen.

Kung gumagamit ka ng mga prompt ng Google para sa 2-Step na Pag-verify, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. I-tap ang Sumubok ng ibang paraan o ibang mensahe tulad ng, Hindi ko ito magagawa.
  3. Pumili ng isa sa mga opsyon at sundin ang mga hakbang sa screen.

Nawala o nanakaw ang iyong telepono

Mag-sign out sa device na hindi mo na ginagamit.

Para ma-recover ang iyong account:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. I-tap ang Wala sa akin ang telepono ko.
  3. Pumili ng isa sa mga opsyon at sundin ang mga hakbang sa screen.
Tip: Kung walang available na opsyon, subukang mag-sign in sa computer na madalas mong ginagamit.

Ihinto ang pagtanggap ng mga prompt

Tip: Kung gumagamit ka ng 2-Step na Pag-verify, mag-set up ng mga backup na paraan para makatulong na maiwasan ang pagkaka-lock out sa iyong account.
Para hindi makatanggap ng mga prompt ng Google sa isang device, mag-sign out sa iyong Google Account sa device na iyon.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18243910184800324439
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false