Kailan ka puwedeng padalhan ng text ng Google

Nasa ibaba ang ilang dahilan kung bakit ka posibleng makatanggap ng text (SMS) mula sa Google.

Kung hindi ka makapasok sa iyong account, at gusto mong i-reset ang password mo

Kung nagdagdag ka ng numero ng telepono sa pag-recover sa iyong account, puwede kang padalhan ng Google ng text na naglalaman ng code. Matutulungan ka ng code na ito na i-reset ang iyong password at muling makapasok sa account mo. Matuto pa tungkol sa paggamit sa iyong telepono bilang opsyon sa pag-recover.

Nag-sign up ka para sa 2-Step na Pag-verify

Kung ginagamit mo ang 2-Step na Pag-verify, pinili mong makatanggap ng code sa pag-verify sa pamamagitan ng text kapag nag-sign in ka. Ang code na ito ay nagbibigay ng karagdagang layer ng seguridad sa iyong account. Matuto pa tungkol sa 2-Step na Pag-verify.

Gumagawa ka ng account, at gusto naming matiyak na hindi ka robot

Kung gumagawa ka ng Google Account, puwede kaming magpalagay sa iyo ng code sa pag-verify na ipapadala namin sa telepono mo. Matuto pa tungkol sa pag-verify sa iyong account sa pamamagitan ng text message.

Nagsa-sign in ka, at gusto naming matiyak na ikaw talaga ito

Magpapagawa kami sa iyo kung minsan ng karagdagang hakbang ng pag-sign in, tulad kung:

  • Magsa-sign in ka mula sa isang lugar kung saan hindi ka karaniwang nagsa-sign in.
  • Gagamit ka ng device na hindi mo pa nagamit dati.

Puwedeng kasama sa karagdagang hakbang ang paglalagay ng code sa pag-verify na ipapadala namin sa iyong telepono sa pamamagitan ng text. Matuto pa tungkol sa mga karaniwang sign-in.

Gumawa ka ng mga pagbabago sa iyong account

Makakatanggap ka ng email kapag may ginawang pagkilos na nauugnay sa seguridad sa iyong account (halimbawa, pagpapalit ng password). Gayunpaman, maaari mo ring matanggap ang mga notification na ito sa pamamagitan ng text. Matuto pa tungkol sa mga notification para sa seguridad.

Nakatanggap ka ng code sa pamamagitan ng text (SMS) na hindi mo hiniling

Puwede mong balewalain at i-delete ang text code na natanggap mo. Huwag ibahagi sa kahit sino ang anumang code na natanggap. Para sa mga naka-personalize na rekomendasyon at gabay para mapanatiling ligtas ang iyong Google Account, regular na magsagawa ng Security Checkup.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14198753305643601429
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false