Puwede kang tumingin ng buod ng mga serbisyo ng Google na ginagamit mo at ng data na naka-save sa iyong Google Account.
Hakbang 1: Tumingin ng pangkalahatang-ideya ng iyong data
Tingnan ang mga serbisyo ng Google na ginamit mo habang naka-sign in sa iyong account. Hindi lumalabas dito ang lahat ng serbisyo ng Google.
Tip: Puwede kang direktang pumunta sa iyong Google Dashboard.
- Pumunta sa iyong Google Account.
- Sa panel ng navigation, i-click ang Data at privacy.
- Sa "Ang iyong mga opsyon sa data at privacy," piliin ang Data mula sa mga ginagamit mong app at serbisyo Content na na-save mula sa mga serbisyo ng Google.
Hakbang 2: Alamin ang higit pa
- Para tumingin ng data para sa isang partikular na serbisyo ng Google, hanapin ang pangalan ng serbisyo sa iyong dashboard.
- Mula roon, may ilang bagay kang puwedeng gawin. Hindi sa bawat serbisyo available ang mga opsyong ito. Posibleng may iba pang opsyon ang ilang produkto.
- Para mag-save ng kopya ng iyong data: Sa ilalim ng pangalan ng serbisyo, piliin ang I-download .
- Para pumunta sa mga setting: Sa ibaba ng pangalan ng serbisyo, piliin ang Mga Setting . Kung hindi available ang opsyong ito, pumunta sa serbisyong iyon at baguhin ang mga setting.
- Para sa higit pang impormasyon: Piliin ang Help Center.
Matuto pa tungkol sa:
- Paano kokontrolin kung anong aktibidad ang mase-save sa iyong account
- Ang impormasyong kinokolekta namin at kung bakit namin ito kinokolekta