Para makapag-unlock ng ilang partikular na feature, puwede kang magbigay sa mga third-party na app at serbisyo ng access sa data sa iyong Google Account. Halimbawa, posibleng humingi ang photo editor app ng access sa iyong Google Photos para makapaglapat ng mga filter.
Kasama sa ilang produkto ng Google kung saan posibleng humingi ng access ang mga third-party na app at serbisyo ang Gmail, Drive, Calendar, Photos, at Contacts.
Para magbigay ng access sa third-party na app o serbisyo, dapat kang mag-sign in sa iyong Google Account. Kung ide-delete mo ang iyong Google Account, made-delete mo rin ang lahat ng nauugnay na third-party na koneksyon. Hindi makakaapekto sa Google Account mo kapag na-delete mo ang iyong third-party account.
Kung naniniwala kang ginagamit ng isang third-party na app o serbisyo ang iyong data sa maling paraan, puwede mo itong iulat. Alamin kung paano mag-ulat ng third-party na app o serbisyo.
Puwede mong suriin o alisin ang mga third-party na app at serbisyo na may access sa data sa iyong Google Account anumang oras. Alamin kung paano pamahalaan ang mga koneksyon sa pagitan ng iyong Google Account at mga third party.
Tingnan ang iyong mga app at serbisyo
Tip: Kung may mahigit isang uri ng koneksyon ka, lalabas ang iyong koneksyon sa access sa third party sa ilalim ng "May kaunting access sa Google Account mo ang {pangalan ng app o serbisyo}."
Magbigay sa third-party app ng access sa iyong Google Account
Mahalaga:
- Ang mga third-party na app at serbisyo ay mga kumpanya o developer na hindi Google. Magbigay lang ng access sa iyong Google Account kung nagtitiwala ka sa third-party na app o serbisyo.
- Huwag mong ibahagi sa third-party na app o serbisyo ang password ng iyong Google Account.
- Kung ibabahagi mo ang password ng iyong Google Account sa third-party na app o serbisyo, magkakaroon sila ng ganap na access sa account mo at makokompromiso nito ang seguridad ng iyong account. Sa halip, puwede kang magbahagi sa mga pinagkakatiwalaang third-party na app at serbisyo ng access sa data sa iyong Google Account, at mas secure ang ganitong paraan.
Para magbahagi ng access sa data sa Google Account mo:
- Kapag na-prompt ka ng third-party na app o serbisyo na magbahagi ng access sa iyong Google Account, suriin nang mabuti ang kahilingan para malaman kung anong impormasyon at mga pahintulot ang hinihingi.
- Kung magdesisyon kang magbahagi ng access, dapat kang mag-sign in sa iyong Google Account.
- Pahintulutan ang third-party na app o serbisyo na magkaroon ng access sa data sa Google Account mo.
Share your Google data with third party apps:
Tip: Kung may mahigit isang Google Account ka, mapo-prompt kang piliin ang account na gusto mong gamitin o mag-sign in sa iba pang Google Account para magpatuloy.
Kung papayagan mong magkaroon ng access ang isang third-party app, may opsyon kang limitahan kung gaano katagal maa-access nito ang iyong data. Bibigyan ka ng abiso bago magtapos ang access ng isang third party. Para pahabain ang access nito, pumunta sa iyong page ng Mga Koneksyon.
Anong data at mga serbisyo ang puwedeng i-access ng mga third-party na app at serbisyo
Maa-access lang ng mga third-party na app at serbisyo ang data at mga serbisyong papahintulutan mong i-access nila. Bago magbahagi ang Google sa third-party na app o serbisyo ng anumang data mo, may makikita kang listahan ng data at mga serbisyong gustong i-access ng third party.
Halimbawa, kung papahintulutan mo ang third-party app na i-access lang ang data mo sa Google Calendar, ang data lang na iyon ang maa-access nila. Hindi nila maa-access ang anuman sa iba mo pang data sa Google, gaya ng iyong Google Photos o Contacts.
Puwede mong alisin ang access sa iyong Google Account anumang oras.
Puwede mong bigyan ang mga third-party na app at serbisyo ng iba't ibang antas ng access sa iyong Google Account, gaya ng pangunahing impormasyon ng account at para tingnan o baguhin ang data ng account mo. Kung bibigyan mo ang third-party na app o serbisyo ng access para pamahalaan ang data ng iyong Google Account, puwede silang mag-edit, gumawa, at mag-delete ng data sa Google Account mo.
Alamin ang iba't ibang uri ng access sa Google AccountPuwedeng humingi ang mga third-party app ng iba't ibang uri ng access sa iyong Google Account. Puwede silang humingi ng access para:
- Makuha ang pangunahing profile mo: Kasama sa pangunahing impormasyon sa profile mo ang iyong pangalan, email address, at larawan sa profile.
- Para gumawa ng bagong account sa third party na app o serbisyo, posible nilang hingin ang impormasyong ito.
- Kapag ginamit mo ang Mag-sign in gamit ang Google sa mga third-party na app at serbisyo na may ganitong feature, nagbibigay ka ng access sa pangunahing profile mo. Alamin kung paano Mag-sign in gamit ang Google.
- Tingnan at kopyahin ang data mula sa iyong Google Account: Puwedeng humingi ang mga third-party na app at serbisyo ng pahintulot na kumopya ng data gaya ng iyong mga contact, larawan, playlist sa YouTube, at higit pa.
- Kung babawiin mo ang access ng third-party na app o serbisyo sa iyong Google Account, hindi na nila maa-access ang data mo. Posibleng kailanganin mong makipag-ugnayan sa third party para i-request na i-delete nila ang data na mayroon na sila.
- Sa ilang sitwasyon, puwede kang magpasyang magbahagi ng static na kopya ng iyong data nang isang beses lang o magbahagi ng access sa data mo nang 30 o 180 araw. Alamin kung paano magbahagi ng kopya ng data mo sa third party.
- Pamahalaan ang data sa iyong Google Account: Posibleng humingi ang mga third-party na app o serbisyo ng pahintulot na mag-edit, mag-upload, gumawa, o mag-delete ng data sa iyong Google Account.
- Halimbawa:
- Puwedeng mag-edit ng video mo ang isang film editor app saka i-upload iyon sa iyong channel sa YouTube.
- Puwedeng gumawa o mag-delete ng mga event sa Google Calendar mo ang isang event planner app.
- Halimbawa: