Mag-sign in gamit ang passkey sa halip na password

Simple at secure na alternatibo sa mga password ang mga passkey. Gamit ang passkey, puwede kang mag-sign in sa Google Account mo gamit ang iyong fingerprint, scan ng mukha, o lock ng screen ng telepono, gaya ng PIN.

Mahalaga:

  • Kung magdaragdag ka ng passkey sa iyong Google Account, hindi nito babaguhin o aalisin ang anumang salik ng pag-authenticate o pag-recover na kasalukuyang mayroon ka sa account mo.
  • Kung may 2-Step na Pag-verify o naka-enroll sa Programang Advanced na Proteksyon ang iyong account, iba-bypass ng passkey ang pangalawa mong hakbang sa pag-authenticate dahil vine-verify nito na ikaw ang may hawak ng iyong device.
  • Nananatili sa device mo lang at hindi ibinabahagi sa Google ang iyong biometric data na ginagamit para sa pag-unlock gamit ang fingerprint o mukha.

Bakit magandang gumamit ng passkey?

Nagbibigay ang mga passkey ng pinakamalakas na proteksyon laban sa mga panganib na gaya ng phishing. Kapag nakagawa ka na ng passkey, magagamit mo iyon para madaling mag-sign in sa iyong Google Account, pati sa ilang third-party na app o serbisyo, at i-verify na ikaw iyan kapag gumawa ka ng mga sensitibong pagbabago.

Bakit mas ligtas ang mga passkey kaysa sa mga password?

Di gaya ng mga password, sa mga device mo lang mananatili ang mga passkey. Hindi maisusulat o maibibigay sa bad actor nang hindi sinasadya ang mga ito. Kapag gumamit ka ng passkey para mag-sign in sa iyong Google Account, pinapatunayan nito sa Google na may access ka sa device mo at maa-unlock mo ito.

Ano'ng kailangan ko para makagawa ng passkey?

Para makagawa ng passkey, kailangan mo ang isa sa mga ito:

  • Laptop o desktop na gumagamit ng Windows 10, macOS Ventura, o ChromeOS 109 o mas bago pa.
  • Teleponong gumagamit ng iOS 16 o Android 9 o mas bago pa.
  • Hardware na security key na may suporta sa FIDO2 protocol.

Tip: Para gumawa ng passkey sa FIDO2 na hardware na security key na idinagdag sa iyong Google Account bago ang Mayo 2023, posibleng kailangan mo munang alisin ang security key na ito sa account mo. Kapag naalis ito, makakagawa ka na ng passkey sa security key na ito.

Sa iyong computer o mobile device, kailangan din ng sinusuportahang browser na gaya ng:

  • Chrome 109 o mas bago
  • Safari 16 o mas bago
  • Edge 109 o mas bago
  • Firefox 122 o mas bago

Para makagawa at makagamit ng passkey, dapat mong i-enable ang mga sumusunod:

  • Lock ng screen
  • Bluetooth
    • Nalalapat ito kung gusto mong gumamit ng passkey sa telepono para mag-sign in sa ibang computer.
  • Para sa iOS o macOS: Kailangan mong i-on ang iCloud Keychain.
    • Kapag nag-set up ka ng passkey sa Apple device mo, mapo-prompt kang i-on ang iyong iCloud Keychain kung hindi pa iyon naka-set up. Para sa higit pang impormasyon kung paano i-set up ang iCloud Keychain, pumunta rito.

Tip: Para matiyak ang pinakamagandang karanasan sa paggamit ng mga passkey, siguraduhing updated ang iyong operating system at browser.

Batay sa iyong operating system at browser, posibleng hindi ka makagawa o makagamit ng mga passkey habang nasa Incognito mode.

Paano ako magse-set up ng mga passkey?

Mahalaga: Kapag gumawa ka ng passkey, mag-o-opt in ka sa experience sa pag-sign in na passkey muna at walang password. Gumawa lang ng mga passkey sa mga personal na device na kinokontrol mo. Kahit na mag-sign out ka sa iyong Google Account, kapag nakagawa ka na ng passkey sa isang device, sinumang makakapag-unlock sa device ay makakapag-sign in ulit sa Google Account mo gamit ang passkey.

Para mag-set up ng passkey, posibleng kailanganin mong mag-sign in sa iyong Google Account o i-verify na ikaw iyan.

Paano gamitin ang passkey ko para mag-sign in?

  1. Sa iyong device, buksan ang page sa pag-sign in sa Google.
  2. Ilagay ang iyong username.
    • Tandaan: Kapag nag-tap ka sa field ng username, posible kang makakita ng listahan ng mga passkey. Kung gayon, i-tap ang passkey na gusto mong gamitin.
  3. Kung nakagawa ka na dati ng passkey para sa account mo sa device na iyon, ipo-prompt ka ng Google na i-verify ang iyong pagkakakilanlan gamit ang passkey ng device na iyon.
    • Para i-unlock ang device at i-verify ang iyong pagkakakilanlan, sundin ang mga tagubilin sa passkey sa screen na ibinigay ng iyong operating system at browser.

Mga Tip:

  • Kapag nag-sign out ka sa isang Android device:
    • Magagamit mo ang iyong passkey para mag-sign in ulit sa Android device na ito nang hanggang 6 na oras pagkatapos mag-sign out. Pagkatapos ng 6 na oras, kailangan mong gumamit ng alternatibong paraan para mag-sign in ulit. Kapag nag-sign in ka ulit, awtomatikong bubuo ng bagong passkey ang Android at mag-e-expire ang lumang passkey.
  • Kapag nag-sign out ka sa hindi Android na device:
    • Puwede kang mag-sign in ulit gamit ang iyong passkey anumang oras pagkatapos mag-sign out.

Paano ako magsa-sign in gamit ang password at passkey?

Bilang default, kapag gumawa ka ng passkey, mag-o-opt in ka sa experience ng pag-sign in na passkey muna at walang password. Gayunpaman, magkakaroon ka pa rin ng opsyong gamitin ang password mo para mag-sign in sa iyong account. Kung gusto mong palaging gamitin muna ang iyong password, puwede mong baguhin ang default na preference na ito sa mga setting ng iyong account.

  1. Pumunta sa iyong Google Account.
    • Posibleng kailanganin mong mag-sign in.
  2. Piliin ang Seguridad.
  3. Sa "Paano ka nagsa-sign in sa Google," i-off ang Laktawan ang password kapag posible.

Kapag naka-off ang opsyong ito at nag-sign in ka, ipo-prompt kang ilagay ang iyong password. Kung naka-enroll ka sa 2-Step na Pag-verify, may opsyon kang gamitin ang alinman sa iyong mga passkey bilang ikalawang hakbang.

Paano tingnan ang mga passkey ko?

  1. Pumunta sa https://myaccount.google.com/signinoptions/passkeys.
  2. Posibleng ipa-verify sa iyo ang pagkakakilanlan mo.
    • Tip: Kung naka-sign in ka sa maraming account, tiyaking vine-verify mo ang iyong pagkakakilanlan para sa gusto mong account.

Kung may mga passkey na ang iyong account, nakalista ang mga iyon dito.

  • Tip: Kung may Android phone ka na naka-sign in sa account na ito, posibleng may mga passkey ka na awtomatikong nairehistro para sa iyo.

Paano mag-alis o mag-delete ng mga passkey?

Kung may naiwala kang device kung saan gumawa ka ng passkey, o hindi mo sinasadyang gumawa ng passkey sa nakabahaging device, dapat mong i-invalidate ang passkey para hindi ito magamit sa iyong Google Account.

Mag-alis ng passkey na ginawa mo

  1. Pumunta sa iyong Google Account.
    • Posibleng kailanganin mong mag-sign in.
  2. Piliin ang Seguridad.
  3. Sa ilalim ng "Paano ka nagsa-sign in sa Google," i-tap ang Mga passkey at security key.
  4. Piliin ang passkey na gusto mong alisin.
  5. I-tap ang icon na .

Mag-alis ng passkey na awtomatikong ginawa ng Android

Para mag-alis ng passkey na awtomatikong ginawa sa iyong Android phone, kailangan mong alisin ang device sa Google Account mo.

  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwang panel ng navigation, piliin ang Seguridad.
  3. Sa panel na Iyong mga device, piliin ang Pamahalaan ang lahat ng device.
  4. Piliin ang device at pagkatapos Mag-sign out.
  5. Kung may lalabas na maraming session na may parehong pangalan ng device, posibleng galing sa iisang device o maraming device ang lahat ng ito. Kung gusto mong tiyaking walang access sa account mula sa isang device, mag-sign out sa lahat ng session na may pangalan ng device na ito.

Mga Tip:

  • Puwede kang tumingin sa google.com/devices para suriin ang lahat ng device na may access sa iyong account.
  • Kung nag-alis ka ng passkey sa iyong Google Account, pero na-prompt ka pa ring gamitin ito sa pag-sign in, tingnan ang alinmang third-party na credential manager na ginagamit mo para makita kung naroon ang passkey. Kung naroon nga, alisin ang passkey sa credential manager.
    • Para sa mga tagubilin kung paano alisin ang passkey, pumunta sa dokumentasyon ng suporta ng iyong credential manager.

Paano kung mawala o hindi mahanap ang passkey ko?

Mga kaugnay na resource

17532987631119458988
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
false
false
false