Binibigyan ka ng Google Account ng access sa buong Google sa karamihan ng mga produkto ng Google, gaya ng Google Ads, Gmail, at YouTube, gamit ang iisang username at password.
Ang hindi aktibong Google Account ay account na hindi nagamit sa loob ng 2 taon. Nakalaan sa Google ang karapatang mag-delete ng hindi aktibong Google Account at ng aktibidad at data nito kung hindi ka aktibo sa Google sa loob ng hindi bababa sa dalawang taon.
Nalalapat ang patakarang ito sa iyong personal na Google Account. Hindi nalalapat ang patakarang ito sa anumang Google Account na na-set up para sa iyo sa pamamagitan ng trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon mo
May karapatan din ang Google na mag-delete ng data sa isang produkto kung hindi ka naging aktibo sa produktong iyon nang dalawang taon o higit pa. Tinutukoy ito batay sa mga patakaran sa kawalan ng aktibidad ng bawat produkto.
Ang pagpapakahulugan ng Google sa aktibidad
Itinuturing na aktibo ang Google Account na kasalukuyang ginagamit. Posibleng kabilang sa aktibidad ang mga pagkilos na itong ginagawa mo kapag nag-sign in ka o habang naka-sign in ka sa iyong Google Account:
- Pagbabasa o pagpapadala ng email
- Paggamit ng Google Drive
- Panonood ng video sa YouTube
- Pagbabahagi ng larawan
- Pag-download ng app
- Paggamit ng Google Search
- Paggamit ng Mag-sign in gamit ang Google para mag-sign in sa third-party na app o serbisyo
Ipinapakita ang aktibidad ng Google Account ayon sa account at hindi ayon sa device. Puwede kang gumawa ng mga pagkilos sa anumang surface kung saan naka-sign in ka sa iyong Google Account, halimbawa, sa telepono mo.
Kung may naka-set up kang mahigit isang Google Account sa iyong device, mainam na tiyaking nagagamit ang bawat account sa loob ng 2 taon.
Ano ang mangyayari kapag hindi aktibo ang iyong Google Account
Kapag hindi nagamit ang iyong Google Account sa loob ng 2 taon, ituturing na hindi aktibo ang Google Account mo, at puwedeng i-delete ito at ang lahat ng content at data nito. Bago ito mangyari, bibigyan ka ng pagkakataon ng Google na gumawa ng pagkilos sa iyong account sa pamamagitan ng:
- Pagpapadala ng mga notification sa email sa iyong Google Account
- Pagpapadala ng mga notification sa iyong email sa pag-recover, kung mayroon ito
May karapatan ang mga produkto ng Google na i-delete ang iyong data kapag hindi nagamit ang account mo sa produktong iyon sa loob ng 2 taon.
Sa Disyembre 1, 2023 ang pinakamaagang petsa kung kailan magde-delete ng Google Account dahil sa patakarang ito.
Mga pagbubukod sa patakarang ito
Itinuturing na aktibo ang isang Google Account kahit na hindi ito nagamit sa loob ng 2 taon kung nalalapat ang isa o higit pa sa mga ito:
- Ginamit ang iyong Google Account para bumili ng produkto, app, serbisyo, o subscription sa Google na ginagamit pa sa kasalukuyan.
- Naglalaman ang iyong Google Account ng gift card na may balanseng halaga.
- Nagmamay-ari ang iyong Google Account ng naka-publish na application o larong may mga kasalukuyang aktibong subscription o aktibong pinansyal na transaksyong nauugnay sa mga ito. Posibleng isa itong Google Account na nagmamay-ari ng App na nasa Google Play store.
- Namamahala ang iyong Google Account ng aktibong account ng menor de edad gamit ang Family Link.
- Ginamit ang iyong Google Account para bumili ng digital na item, halimbawa, isang aklat o pelikula.
Kung gusto mong i-delete ang iyong account
Kailangan pa rin ng tulong?
Kung may mga isyu o tanong ka pa rin, puwede kang magtanong sa komunidad.