Pagprotekta sa iyong personal na impormasyon gamit ang 2-Step na Pag-verify

Malapit nang i-on ng Google ang 2-Step na Pag-verify para sa maraming account. Mabilis at madali ang paggamit ng ikalawang hakbang para mag-sign in, at ginagawa nitong mas secure ang iyong Google Account.

Paano gumagana ang 2-Step na Pag-verify kapag naka-on na ito

Panatilihing nasa malapit ang iyong telepono kapag nag-sign in ka. 

Pagkalagay mo ng iyong password, may gagawin kang pangalawang hakbang, na karaniwan ay sa telepono mo. Posibleng magta-tap ka sa prompt sa pag-sign in na ipapadala ng Google sa iyong telepono, o maglalagay ka ng code na ite-text sa iyo. (Posibleng may malapat na mga singil mula sa iyong carrier.) Nakakatulong ito sa Google na tiyaking ikaw talaga ang nagsa-sign in. 

Hindi mo na kailangang mag-sign in nang mas madalas kaysa sa ginagawa mo ngayon. Magsa-sign in ka lang kapag gumagamit ng bagong device, o kapag kailangang tiyakin ng Google na ikaw talaga ang nagsa-sign in.

Paano nakakatulong ang 2-Step na Pag-verify na protektahan ang iyong personal na impormasyon

Mahalaga sa mga hacker ang personal na impormasyong ito sa mga online account. Ang pagnanakaw ng password ang pinakakaraniwang paraan kung paano nakokompromiso ang mga account. 

Halimbawa, karaniwang nililinlang ng mga mapanlinlang na mensahe o kamukhang site ang mga tao para ibahagi ang kanilang mga password. Karaniwan ang mga scam na ito sa pagnanakaw ng password at maging ang mga eksperto ay naloloko paminsan-minsan.

Sa pamamagitan ng pag-sign in gamit ang password at ikalawang hakbang sa iyong telepono, napoprotektahan ka laban sa mga scam sa pagnanakaw ng password. Kahit na may makakuha ng iyong password online, wala silang access sa telepono mo.

Mga sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa 2-Step na Pag-verify

Kailan io-on ang 2-Step na Pag-verify?

Makakatanggap ka ng email o notification humigit-kumulang 7 araw bago mangyari ang pagbabagong ito.

Gaano katagal ang aabutin para mag-sign in gamit ang 2-Step na Pag-verify?

Nagdadagdag ang 2-Step na Pag-verify ng isa pang hakbang, pero karaniwang mabilis at madali ito. 

Baka ginagamit mo na ang 2-Step na Pag-verify para sa ilan sa iyong iba pang online na account.

Puwede ba akong magdagdag ng iba pang backup para sa pag-sign in?

Available lang ang mga ganitong uri ng mga backup pagkatapos i-on ang 2-Step na Pag-verify.

I-store o i-print ang mga backup code

Kung hindi mo magamit ang iyong telepono, makakatulong ang mga backup code na makabalik ka sa account mo. Puwede kang mag-download ng mga backup code sa isang device o mag-print at mag-store ng mga iyon sa isang ligtas na lugar.

Makakuha ng mga code sa isang app

Puwede kang makakuha ng mga code para mag-sign in sa iyong account, kahit na hindi ka makatanggap ng mga text message. Alamin kung paano i-install ang Google Authenticator app para makakuha ng mga code sa iyong telepono.

Mag-set up ng security key

Ang mga security key ay isa sa mga pinaka-secure na ikawalang hakbang na magagamit mo sa iyong Google Account. Alamin kung paano gumamit ng security key.

Paano gumagana ang 2-Step na Pag-verify kung wala sa akin ang telepono ko?

Kung nawala mo ang iyong telepono o hindi mo ito hawak, puwedeng gamitin ng Google ang email mo sa pag-recover para tulungan kang mag-sign in.

Tiyaking kumpleto ang iyong impormasyon sa pag-recover at up to date ito.

Puwede ko bang i-off ang 2-Step na Pag-verify?

Sa kasalukuyan, puwede mong i-off ang 2-Step na Pag-verify pagkatapos itong awtomatikong ma-on, pero mas hindi secure ang iyong account kapag nag-sign ka gamit ang password lang. 

Ang 2-Step na Pag-verify ay kakailanganin na para sa karamihan ng mga Google Account sa lalong madaling panahon.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9169732923026289443
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false