Mahalaga: Hindi mo na kailangan ng BrailleBack para kumonekta sa isang braille display.
Sa braille keyboard ng TalkBack, puwede kang gumamit ng 6 na daliri sa iyong screen para maglagay ng braille na may 6 na dot.
Available ang braille keyboard ng TalkBack sa Ancient Greek, Arabic, Bulgarian 8-dot computer braille, Cantonese, Catalan, Central Kurdish, Chinese (Taiwan), Chinese common (China), Chinese current with tones (China), Chinese current without tones (China), Croatian, Czech, Danish, Dutch, English, Estonian, Finnish, French, German, Greek, Gujarati, Hebrew, Hungarian, Icelandic, Italian, Kannada, Khmer, Latvian, Lithuanian, Malayalam, Marathi, Nepali, Northern Sami, Norwegian 8-dot computer braille, Polish, Portuguese, Romanian 8-dot computer braille, Russian, Serbian, Sinhala, Slovak, Spanish, Swedish, Tamil, Telugu, Turkish 8-dot computer braille, Ukrainian, Urdu, Vietnamese, at Welsh.
Mahalaga: Para magamit ang braille keyboard ng TalkBack, i-on ang TalkBack at i-off ang pag-magnify.
Mga Content
Hakbang 1: I-set up ang braille keyboard ng TalkBack
Hakbang 2: Pumili ng keyboard mode
Gumamit ng mga galaw sa braille keyboard ng TalkBack
Pamahalaan ang iyong braille keyboard ng TalkBack
Hakbang 1: I-set up ang braille keyboard ng TalkBack
- Buksan ang menu ng TalkBack.
- Sa mga device na may suporta sa multi-finger na galaw (Android 10 at mas bago): Mag-tap gamit ang tatlong daliri. O kaya, sa iisang paggalaw, mag-swipe pababa, pagkatapos ay pakanan.
- Sa mga device na walang suporta sa multi-finger: Sa iisang paggalaw, mag-swipe pababa, pagkatapos ay pakanan.
- Para i-enable ang braille keyboard:
- Piliin ang Mga setting ng TalkBack
Braille keyboard
I-set up ang braille keyboard.
- Sundin ang mga tagubilin doon.
- Piliin ang Mga setting ng TalkBack
- Magbukas ng app kung saan puwede kang mag-type, gaya ng Gmail o Google Keep.
- Para makita ang keyboard, ilipat ang focus sa text field at mag-double tap.
- Piliin ang Magpalit ng pamamaraan ng pag-input
o Susunod na wika
.
- Kung hindi ka gumagamit ng Gboard, posibleng iba ang iyong mga opsyon. Madalas ay makikita ang opsyong ito sa kanang bahagi sa ibaba.
- Piliin ang Braille keyboard ng TalkBack.
Tip: Kapag binuksan mo ang braille keyboard sa unang pagkakataon, puwede kang kumumpleto ng tutorial para sa higit pang impormasyon.
Hakbang 2: Pumili ng keyboard mode
Mahalaga: Bilang default, nagpapalipat-lipat ng mode ang braille keyboard ng TalkBack batay sa oryentasyon ng iyong device.
Para i-off ang default na setting:
- Sa iyong device, pumunta sa Accessibility.
- Piliin ang TalkBack
Mga Setting.
- Piliin ang Braille keyboard
Layout.
Screen-away mode
Nagbibigay-daan sa iyo ang screen-away mode na mag-type sa screen ng device mo nang hindi ito nakaharap sa iyo.
Para buksan ang tutorial sa screen-away:
- Hawakan ang telepono mo nang hindi nakaharap sa iyo ang screen.
- Mag-swipe pataas sa iyong screen gamit ang tatlong daliri.
- Sa listahan ng mga opsyon sa braille keyboard, piliin ang Buksan ang tutorial.
Para gamitin ang screen-away mode:
- I-flip ang telepono mo para hindi nakaharap sa iyo ang screen.
- I-rotate ang telepono nang pahalang papunta sa landscape na posisyon.
- Hawak ng iyong kaliwang kamay ang itaas ng telepono. Hawak ng iyong kanang kamay ang ibaba ng telepono, kung nasaan ang USB port.
- Gamitin ang iyong hinliliit at hinlalaki para hindi malaglag ang telepono. Sa screen, i-hover ang iyong 3 gitnang daliri.
- I-hover ang iyong kaliwang hintuturo sa posisyon ng dot 1.
- Subukan ang mga titik na ito:
- A: Gamit ang iyong kaliwang hintuturo, i-tap ang dot 1.
- B: Gamit ang iyong kaliwang hintuturo at gitnang daliri, i-tap ang dot 1 at 2.
- C: Gamit ang iyong kaliwang hintuturo at kanang hintuturo, i-tap ang dot 1 at 4.
- D: Gamit ang iyong kaliwang hintuturo, kanang hintuturo, at kanang gitnang daliri, i-tap ang dot 1, 4, at 5.
Tip: Kung hindi sakto ang mga posisyon ng dot, puwede mong isaayos ang mga ito. I-hold ang 6 na daliri sa screen nang 3 segundo hanggang sa marinig mo ang “Na-update ang posisyon ng dot.” Naaalala ng braille keyboard ang mga posisyon para sa screen-away mode at tabletop mode nang hiwalay.
Tabletop mode
Sa tabletop mode, puwede kang mag-type sa mga flat na surface. Kapag may na-detect na flat na surface ang iyong device, aalis ito sa screen-away mode at lilipat ito sa tabletop mode. Posibleng maging kapaki-pakinabang ang mode na ito kung pamilyar ka sa Perkins Braillewriter o kung mas gusto mong mag-type gamit ito.
- Ilagay ang iyong device sa isang flat na surface hanggang sa sabihin nito ang, “Tabletop mode.”
- Ipuwesto ang iyong device sa paraang nasa kaliwa ang charging port.
- Mula kaliwa pakanan, nakapuwesto ang mga dot bilang 3, 2, 1, 4, 5, 6. Ilagay ang iyong mga kamay malapit sa device para mag-hover ang iyong 3 gitnang daliri sa screen.
- I-hover ang iyong kaliwang hintuturo sa ibabaw ng dot 1.
- Subukan ang mga titik na ito:
- A: Gamit ang iyong kaliwang hintuturo, i-tap ang dot 1.
- B: Gamit ang iyong kaliwang hintuturo at gitnang daliri, i-tap ang dot 1 at 2.
- C: Gamit ang iyong kaliwang hintuturo at kanang hintuturo, i-tap ang dot 1 at 4.
- D: Gamit ang iyong kaliwang hintuturo, kanang hintuturo, at kanang gitnang daliri, i-tap ang dot 1, 4, at 5.
Tip: Kung hindi sakto ang mga posisyon ng dot, puwede mong isaayos ang mga ito. I-hold ang 6 na daliri sa screen nang 3 segundo hanggang sa marinig mo ang “Na-update ang posisyon ng dot.” Naaalala ng braille keyboard ang mga posisyon para sa screen-away mode at tabletop mode nang hiwalay.
Gumamit ng mga galaw sa braille keyboard ng TalkBack
Mahalaga: Kapag ginagamit mo ang braille keyboard, hindi nagiging available ang iba pang galaw sa TalkBack. Para isara ang braille keyboard at gamitin ang iba pang galaw sa TalkBack, mag-swipe pababa gamit ang dalawang daliri.
Subukan ang mga galaw na ito
- Mag-delete ng titik: Mag-swipe pakaliwa
- Mag-delete ng salita: Mag-swipe pakaliwa gamit ang dalawang daliri
- Magdagdag ng space: Mag-swipe pakanan
- Magsimula ng bagong linya: Mag-swipe pakanan gamit ang dalawang daliri
- Isumite ang text: Mag-swipe pataas gamit ang dalawang daliri
Para makakuha ng listahan ng mga available na galaw:
- Sa iyong screen, mag-swipe pataas gamit ang tatlong daliri.
- Buksan ang listahan ng mga opsyon sa braille keyboard.
- Piliin ang Tingnan ang lahat ng galaw.
Tip: Sa ilang device, kung nasa Messages app ka at isasara mo ang braille keyboard ng TalkBack, hindi gagana ang button na Bumalik. Para magpatuloy, bumalik sa Home screen.
I-customize ang mga galaw sa braille keyboard
Mahalaga: Hindi nako-customize ang ilang aksyon at galaw.
- Itago ang keyboard: Mag-swipe pababa gamit ang dalawang daliri
- Susunod na paraan ng pag-input: Mag-swipe pababa gamit ang tatlong daliri
- Menu ng konteksto: Mag-swipe pataas gamit ang tatlong daliri
Para i-personalize ang iyong mga pangangailangan sa keyboard, puwede mong i-customize ang iyong mga galaw para sa virtual na braille keyboard sa screen.
- Para buksan ang menu ng TalkBack, i-tap ang screen gamit ang tatlong daliri.
- I-double tap ang Mga setting ng TalkBack.
- I-tap ang Braille keyboard
Mga Galaw.
- Pumili ng available na galaw.
- Mag-double tap sa aksyong gusto mong i-customize.
- May lalabas na dialog. Puwede mong piliin ang:
- Baguhin ang galaw: Kung sinusuportahan ng iyong device ang maraming pagpindot, makikita mo ang mga tagubilin kung paano magbago ng galaw. Mapo-prompt ka na gawin nang dalawang beses ang galaw para kumpirmahin.
- Kung conflict ang piniling galaw sa isang kasalukuyang galaw, kumpirmahin ang pagbabago sa dialog box.
- Kung na-prompt na gumamit ng naka-mirror na galaw, piliin kung gusto mong i-mirror ang galaw para sa dalawang kamay.
- I-reset sa default: Itatakda ang galaw sa default na setting nito. Kung may iba pang aksyong gagamit sa galaw, papalitan ito.
- Alisin ang galaw: Aalisin ang galaw.
- Baguhin ang galaw: Kung sinusuportahan ng iyong device ang maraming pagpindot, makikita mo ang mga tagubilin kung paano magbago ng galaw. Mapo-prompt ka na gawin nang dalawang beses ang galaw para kumpirmahin.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
- May lalabas na dialog. Puwede mong piliin ang:
Tip: Para kanselahin ang pagtatalaga ng galaw at mag-escape sa braille keyboard, gamitin ang dalawang daliri para mag-swipe pababa.
Pamahalaan ang iyong braille keyboard ng TalkBack
Itago ang keyboard
- Para itago ang braille keyboard ng TalkBack: Mag-swipe pababa gamit ang dalawang daliri.
- Para lumipat sa iyong orihinal na keyboard: Mag-swipe pababa gamit ang tatlong daliri.
Magdagdag o mag-alis ng mga wika
Puwede kang pumili ng mga wikang gagamitin sa braille keyboard.
- Buksan ang menu ng TalkBack.
- Sa mga device na may suporta sa mga multi-finger na galaw: Mag-tap gamit ang tatlong daliri. O kaya, sa iisang paggalaw, mag-swipe pababa, pagkatapos ay pakanan.
- Sa mga device na walang suporta sa multi-finger (bago ang updated na Android R na may TalkBack 9.1): Sa iisang paggalaw, mag-swipe pababa, pagkatapos ay pakanan.
- Piliin ang Mga setting ng TalkBack
Braille keyboard
Mga wika sa pag-type.
- Lagyan ng check ang mga wikang gusto mo.
Magpalit ng wika
Kung pipili ka ng mahigit sa isang wika, puwede kang magpalipat-lipat sa menu ng braille keyboard.
- Habang naka-on ang braille keyboard ng TalkBack, mag-swipe pataas gamit ang tatlong daliri.
- Piliin ang Baguhin ang wika sa pag-type.
- Makukuha mo lang ang opsyong ito kung marami kang wikang lalagyan ng check.
- Pumili ng wika.
Magpalipat-lipat sa grade 1 at grade 2 braille
Puwedeng maging kapaki-pakinabang ang grade 1 braille kung ngayon ka pa lang gagamit ng braille. Puwedeng maging kapaki-pakinabang ang grade 2 para sa mas advanced na pag-type ng contracted Braille.
- Habang naka-on ang braille keyboard ng TalkBack, mag-swipe pataas gamit ang tatlong daliri.
- Pumili ng grade:
- Para sa grade 1: Piliin ang Lumipat sa uncontracted braille.
- Para sa grade 2: Piliin ang Lumipat sa contracted braille.
I-update ang mga posisyon ng dot
Kung wala sa posisyong gusto mo ang mga posisyon ng dot, puwede mong i-update ang mga ito sa 2 paraan:
Mag-update ng posisyon ng kamay nang paisa-isa:
- Habang naka-on ang braille keyboard ng TalkBack, mag-swipe pataas gamit ang 3 daliri.
- Piliin ang I-update ang mga posisyon ng dot.
- Sundin ang mga tagubilin para i-update ang mga posisyon para sa kaliwang kamay, at kanang kamay pagkatapos noon.
I-update ang mga posisyon ng dot sa parehong kamay:
- Habang naka-on ang Braille keyboard ng TalkBack, pindutin ang mga dot na 1, 2, 3, 4, 5, at 6 nang mga 3 segundo.
- Tutunog ang iyong telepono habang ina-update ang mga dot.
- Patuloy na pindutin nang matagal ang lahat ng 6 na dot hanggang sa makatanggap ka ng kumpirmasyong na-update na ang mga posisyon ng dot.
Listahan ng mga galaw sa Braille keyboard
Mga pangunahing kontrol
| Aksyon | Galaw |
| Magdagdag ng space | Mag-swipe pakanan gamit ang isang daliri |
| Backspace | Mag-swipe pakaliwa gamit ang isang daliri |
| I-delete ang salita | Mag-swipe pakaliwa gamit ang dalawang daliri |
| Bagong linya | Mag-swipe pakanan gamit ang dalawang daliri |
| Gumalaw pabalik ayon sa napiling granularity | Mag-swipe pataas gamit ang isang daliri |
| Gumalaw paabante ayon sa napiling granularity | Mag-swipe pababa gamit ang isang daliri |
| Itago ang keyboard | Mag-swipe pababa gamit ang dalawang daliri |
| Lumipat sa susunod na keyboard | Mag-swipe pababa gamit ang tatlong daliri |
| Isumite ang text | Mag-swipe pataas gamit ang dalawang daliri. |
| Tulong at iba pang opsyon | Mag-swipe pataas gamit ang tatlong daliri |
Paggalaw ng cursor
| Aksyon | Unang galaw | Ikalawang galaw |
| Nakaraang character | I-hold ang dot 3, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang ibang daliri | I-hold ang dot 6, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang ibang daliri |
| Susunod na character | I-hold ang dot 3, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang ibang daliri | I-hold ang dot 6, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang ibang daliri |
| Nakaraang salita | I-hold ang dot 2, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang ibang daliri | I-hold ang dot 5, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang ibang daliri |
| Susunod na salita | I-hold ang dot 2, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang ibang daliri | I-hold ang dot 5, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang ibang daliri |
| Nakaraang linya | I-hold ang dot 1, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang ibang daliri | I-hold ang dot 4, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang ibang daliri |
| Susunod na linya | I-hold ang dot 1, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang ibang daliri | I-hold ang dot 4, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang ibang daliri |
| Lumipat sa simula ng text | I-hold ang dot 1 at 2, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang ibang daliri | I-hold ang dot 4 at 5, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang ibang daliri |
| Lumipat sa dulo ng text | I-hold ang dot 1 at 2, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang ibang daliri | I-hold ang dot 4 at 5, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang ibang daliri |
| Nakaraang granularity | Mag-swipe pakaliwa gamit ang tatlong daliri | |
| Susunod na granularity | Mag-swipe pakanan gamit ang tatlong daliri |
Pagpili ng text
| Aksyon | Unang galaw | Ikalawang galaw |
| Piliin ang nakaraang character | I-hold ang dot 3, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang dalawang daliri | I-hold ang dot 6, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang dalawang daliri |
| Piliin ang susunod na character | I-hold ang dot 3, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang dalawang daliri | I-hold ang dot 6, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang dalawang daliri |
| Piliin ang nakaraang salita | I-hold ang dot 2, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang dalawang daliri | I-hold ang dot 5, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang dalawang daliri |
| Piliin ang susunod na salita | I-hold ang dot 2, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang dalawang daliri | I-hold ang dot 5, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang dalawang daliri |
|
Piliin lahat |
I-hold ang dot 1, pagkatapos, mag-swipe pakaliwa gamit ang tatlong daliri | I-hold ang dot 4, pagkatapos, mag-swipe pakaliwa gamit ang tatlong daliri |
|
Pumili mula sa kasalukuyang cursor hanggang sa simula |
I-hold ang dot 1 at 2, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang 2 daliri | I-hold ang dot 4 at 5, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang 2 daliri |
|
Pumili mula sa kasalukuyang cursor hanggang sa dulo |
I-hold ang dot 1 at 2, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang 2 daliri | I-hold ang dot 4 at 5, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang 2 daliri |
| Kopyahin | I-hold ang dot 1, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang tatlong daliri | I-hold ang dot 4, pagkatapos, mag-swipe pababa gamit ang tatlong daliri |
| I-cut | I-hold ang dot 1, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang tatlong daliri | I-hold ang dot 4, pagkatapos, mag-swipe pataas gamit ang tatlong daliri |
| I-paste | I-hold ang dot 1, pagkatapos, mag-swipe pakanan gamit ang tatlong daliri | Pindutin nang matagal ang dot 4, pagkatapos, mag-swipe pakanan gamit ang tatlong daliri |
I-proofread ang text
| Aksyon | Galaw |
| Lumipat sa susunod na suhestyon sa pag-proofread | Mag-swipe pababa gamit ang isang daliri |
| Lumipat sa nakaraang suhestyon sa pag-proofread | Mag-swipe pataas gamit ang isang daliri |
| Lumipat sa susunod na iminungkahing pagwawasto | Mag-swipe pakanan gamit ang isang daliri |
| Lumipat sa nakaraang iminungkahing pagwawasto | Mag-swipe pakaliwa gamit ang isang daliri |
| Ilagay ang suhestyon | Mag-swipe pakanan gamit ang dalawang daliri |
| I-undo ang suhestyon | Mag-swipe pakaliwa gamit ang dalawang daliri |
Tip: Para pumasok o lumabas sa proofread mode, gumamit ng tatlong daliri at mag-swipe pakaliwa o pakanan para lumipat sa opsyon na pang-proofread.