Magsalin ng speech to text gamit ang Instant Caption

Sa isang pag-tap, awtomatikong nilalagyan ng caption ng Instant Caption ang pagsasalita sa iyong device. Magagamit mo ito sa media tulad ng mga video, podcast, tawag sa telepono, video call, at audio message.

Mahalaga:

  • Gumagana lang ang pag-caption sa tawag sa mga Pixel phone.

Mga Content

I-on ang Instant Caption

Ilipat ang kahon ng caption

Baguhin ang mga setting ng Instant Caption

I-type ang mga sagot sa isang tawag sa telepono

Paggamit ng baterya at iba pang paalala

Humingi ng tulong

I-on ang Instant Caption

Gumagana ang Instant Caption sa:

  • Mga Pixel 2 phone at mas bago sa English
  • Mga Pixel 6 at Pixel 6 Pro phone sa English, French, German, Italian, Japanese, at Spanish
    • Sa mga Pixel 6 at Pixel 6 Pro phone, matutukoy mo rin ang mga wikang ito at awtomatiko kang makakapagsalin ng mga caption ng media sa pamamagitan ng awtomatikong pag-detect.
  • Iba pang piling Android phone

Para i-on o i-off ang Instant Caption:

  1. Pindutin ang button ng volume.
  2. Sa ilalim ng mga kontrol ng volume, i-tap ang Instant Caption Mga Subtitle ng Instant Caption.

Tip: Kung hindi gumagana ang mga hakbang na ito, posibleng kailangan mo munang i-on ang Instant Caption sa mga setting ng Accessibility ng iyong device.

Kapag naka-on ang Instant Caption, lalabas ang mga caption para sa pagsasalita sa nagpe-play na media sa iyong device.

Sa mga Pixel phone, lalabas din ang mga caption sa mga tawag. Aabisuhan ang taong nasa kabilang linya sa pamamagitan ng voice announcement na naka-on ang mga caption.

Lokal na pinoproseso, hindi sino-store, at hindi mailalabas sa device mo ang lahat ng caption

Tip: Kung hindi mo nakikita ang “Instant Caption,” posibleng kailanganin mong i-update ang iyong Android System Intelligence. Dating tinatawag na “Mga Serbisyo sa Pag-personalize ng Device” ang Android System Intelligence. Kung nakikita mo ang dating pangalan sa Play Store, puwede mo pa ring i-update ang app.

Ilipat ang kahon ng caption

  • Para ilipat ang kahon ng caption: Pindutin nang matagal, pagkatapos ay i-drag pataas o pababa.
  • Para itago ang mga caption at i-off ang Instant Caption: I-drag ang kahon ng caption palabas sa ibaba ng iyong screen.
  • Para palakihin o paliitin ang kahon ng caption: I-double tap. Hindi available ang paggalaw na ito habang nasa tawag ka.

Baguhin ang mga setting ng Instant Caption

  1. Sa iyong device, buksan ang Mga Setting App na Mga Setting.
  2. I-tap ang Tunog at pagkatapos ay Instant Caption.
  3. Sa Mga Setting, makikita o mababago mo ang mga setting na ito:
    • I-on o i-off ang Instant Caption.
    • Itago o ipakita ang pagmumura.
    • Itago o ipakita ang mga label ng tunog, tulad ng pagtawa at palakpakan.
    • Itago o ipakita ang icon ng Instant Caption sa kontrol ng volume.
    • I-on o i-off ang pag-caption sa tawag. Para sa mga Pixel phone lang ang setting na ito.

Tip: Para baguhin ang laki, istilo, at kulay ng caption, pumunta sa mga kagustuhan sa caption.

Mag-type ng mga tugon habang nasa tawag sa telepono

Mahalaga: Available lang sa Pixel 6, Pixel 6 Pro, Pixel 6a, at Pixel Fold.

Gamitin ang feature na ito para tumawag nang walang pagsasalita. Makakakuha ka ng mga caption ng sinasabi ng taong kausap mo at puwede kay mag-type ng mga tugon nang real time. Binabasa nang malakas ng system ang iyong mga mensahe. Hindi nagsasalin ang feature na ito at pinapayagan ka lang nitong makipag-usap sa iyong kasalukuyang wika.

Para i-on ang mga tugon:
  1. Sa iyong telepono, buksan ang Mga Setting App na Mga Setting.
  2. I-tap ang Accessibility at pagkatapos ay Instant Caption.
  3. I-on ang Mag-type ng mga tugon habang nasa tawag.

Habang nasa tawag, ipapaalam sa iyo ng isang notification na naka-on ang mga caption ng tawag. Para magsimulang mag-type, i-tap ang Keyboard Keyboard.

Paggamit ng baterya at iba pang paalala

Kapag nasa mga tawag ka o kapag nagpe-play ka ng media, mas malakas gumamit ng baterya ang Instant Caption. Awtomatikong nag-o-off ang Instant Caption sa battery saver mode.

Iba pang paalala tungkol sa Instant Caption:

  • Hindi para sa mga tawag sa mahigit isa pang tao ang Instant Caption.
  • Sa mga tawag, kung imu-mute mo ang iyong linya habang inaanunsyo ang paghahayag tungkol sa mga caption, mamu-mute ang anunsyo. Tiyaking alam ng tao sa kabilang linya na naka-on ang mga caption.
  • Posibleng hindi available ang mga caption para sa ilang media at app sa pagtawag.
  • Pinakamahusay na gumagana ang Instant Caption sa audio na may malinaw na pagsasalita at kaunting ingay sa background.
  • Hindi gumagana ang Instant Caption sa musika.
  • Hindi gumagamit ng mobile data o koneksyon sa internet ang Instant Caption. Ang lahat ng audio at caption ay ipinoproseso sa device at hinding-hindi sino-store o ipinapadala sa Google.

Humingi pa ng tulong

Para sa higit pang tulong sa Instant Caption, makipag-ugnayan sa Support team ng Google para sa May Kapansanan.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10182373137656624082
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
717068
false
false