Sound Amplifier: Palakasin ang salita sa paligid at on-device na audio

Puwede mong gamitin ang Sound Amplifier sa wired o Bluetooth na headphones para i-filter, i-augment, at i-amplify ang mga tunog sa paligid mo o sa iyong Android device.

I-download at i-on ang Sound Amplifier

  1. Sa iyong Android device, i-download ang Sound Amplifier mula sa Google Play.
  2. Ikonekta ang headphones sa iyong Android device.
  3. Pumunta sa seksyong Mga App.
  4. I-tap ang Sound Amplifier app Sound Amplifier.

I-on ang Sound Amplifier sa iyong Android device

Naka-install na ang Sound Amplifier sa Pixel 3 at mas bago at sa mga piling Android device.

  1. Buksan ang app na Mga Setting App na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Accessibility at pagkatapos ay Sound Amplifier at pagkatapos ay Buksan ang Sound Amplifier.
  3. Ikonekta ang wired o wireless na headphones sa iyong device.

Mga Tip:

  • Para idagdag ang Sound Amplifier sa listahan ng iyong app:
    1. Pumunta sa Sound Amplifier at pagkatapos ay Mga Setting.
    2. Sa ilalim ng "Pangkalahatan," i-on ang Ipakita ang icon sa listahan ng app.
  • Para gumawa ng shortcut sa Sound Amplifier:
    1. I-tap ang Accessibility at pagkatapos ay Sound Amplifier.
    2. I-on ang shortcut ng Sound Amplifier.

Baguhin ang mga setting ng Sound Amplifier

Puwede mong baguhin ang antas ng pagpapalakas at pagbabawas ng ingay para umakma sa iyong kasalukuyang kapaligiran.

  1. Sa iyong device, buksan ang Sound Amplifier.
  2. I-tap ang Mikropono ng telepono.
  3. I-adjust ang mga setting:
    • Bawasan ang mga hindi gustong tunog: Para magbawas ng ingay sa background, mag-drag sa slider ng “Pagbabawas ng ingay.” Nalalapat lang ang setting na ito sa mikropono ng telepono, hindi sa media ng telepono.
    • Palakasin ang mahihinang tunog: Para palakasin ang mahihinang tunog tulad ng mahihinang tunog sa pagsasalita, i-drag ang slider ng “Palakasin ang mahihinang tunog” pakanan.
    • Palakasin ang mababang frequency, mataas na frequency: Para palakasin ang mga tunog na may mataas na frequency tulad ng mga huni ng ibon, i-drag ang slider pakanan. Para palakasin ang mga tunog na may mababang frequency tulad ng malalalim na boses, i-drag ang slider pakaliwa.
    • I-adjust ang mga tainga nang magkahiwalay: Para mailapat ang mga setting ng tunog at frequency sa kaliwa at kanang tainga nang hiwalay, i-tap ang I-adjust ang mga tainga nang magkahiwalay. Para sa Bluetooth na headphones, nalalapat lang ang setting na ito sa media ng telepono, hindi sa mikropono ng telepono.

Mahalaga: Sa ilang Bluetooth na headphones, posibleng maantala o may mas mababang kalidad ang tunog. Para sa mas magandang kalidad ng tunog, sumubok ng ibang set o lumipat sa wired na headphones.

Gamitin ang Conversation mode sa iyong Pixel phone

Sa Pixel 3 at mas bago, puwede mong gamitin ang Conversation mode para palakasin ang boses ng iyong partner sa pag-uusap at i-block out ang iba pang ingay. Pinakakapaki-pakinabang ang mode na ito kapag may pag-uusap ka sa maingay na kapaligiran at gusto mo lang mag-focus sa boses ng speaker. 

  1. Buksan ang app na Mga Setting App na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Accessibility at pagkatapos ay Sound Amplifier.
  3. I-tap ang Buksan ang Sound Amplifier at pagkatapos ay Mikropono ng telepono at pagkatapos ay Conversation mode.
  4. Itutok ang camera ng iyong telepono sa kausap mo. 
  5. I-tap ang I-adjust ang mga tunog.
    • Para baguhin kung gaano karaming ingay ang bina-block mo, i-on ang Pagbabawas ng ingay at gamitin ang slider.
    • Para i-boost ang mga tahimik na tunog, i-on ang Pag-boost at gamitin ang slider ng "I-boost ang mga tahimik na tunog."
    • Para baguhin ang frequency, i-on ang Pag-boost at gamitin ang mga slider ng “I-boost ang mga mataas at mababang frequency.”

Mga Tip:

  • Para sa pinakamahusay na mga resulta ng audio, gumamit ng wired na headphones na nagkakansela ng ingay.
  • Para sa mas malinaw na pagsasalita, ilipat ang slider ng “Pagbabawas ng ingay” papunta sa mahigit 90%.
  • I-tap ang I-flip ang camera at ipahawak sa iyong kausap ang telepono.
  • Para i-pause ang pag-amplify, i-swipe ang notification shade at i-tap ang I-pause Pause.

Matuto pa tungkol sa kung paano gamitin ang Conversation mode.

I-amplify ang media sa iyong device

Puwede kang gumamit ng Sound Amplifier para mag-play ng video at audio sa iyong device. Puwede mo ring i-adjust ang tunog mula sa musika o mga video na pine-play mo sa iyong device. Available ang opsyong ito para sa mga Pixel phone na may Android 10. Alamin kung paano suriin at i-update ang bersyon ng iyong Android.

Tip: Puwede mo ring gamitin ang Sound Amplifier bilang remote na mikropono. Ilagay ang iyong telepono malapit sa TV o speaker, pagkatapos ay gamitin ang Bluetooth headphones mo. Makakarinig ka ng audio sa iyong headphones habang mananatili sa kumportableng volume ang tunog para sa iba.

Humingi ng tulong

Para sa higit pang tulong sa Accessibility ng Android, makipag-ugnayan sa Support team ng Google para sa May Kapansanan.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
405217252086150023
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
717068
false
false