Gamitin ang Lookout para i-explore ang iyong kapaligiran

Para makakuha ng impormasyon tungkol sa iyong paligid, gamitin ang Lookout. Ginagamit nito ang camera at iba pang sensor sa iyong Android device para sabihin sa iyo ang tungkol sa mga bagay at text sa malapit.

Ang kailangan mo

Para i-download at gamitin ang Lookout, siguraduhing bersyon ng Android 6.0 o mas bago ang iyong device. Alamin kung paano suriin at i-update ang bersyon ng iyong Android.

  • Mga sinusuportahang wika: Bengali, Chinese (simplified), Czech, Danish, Dutch, English, Filipino, Finnish, French, German, Greek, Gujarati, Hindi, Hungarian, Indonesian, Italian, Japanese, Kannada, Korean, Marathi, Norwegian, Polish, Portuguese (Brazil), Romanian, Russian, Slovak, Spanish, Swedish, Tamil, Telugu, Thai, Turkish, Ukrainian, Vietnamese.

I-install at i-on ang Lookout

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Play app Play store.
  2. Hanapin ang Lookout – Assisted vision.
  3. I-tap ang I-install.
  4. Para simulan ang Lookout, puwede mong:
    • Sabihin ang "Ok Google, start Lookout (Ok Google, simulan ang Lookout)."
    • Sa iyong device, sa seksyong Mga App, i-tap ang Lookout Lookout.
  5. Sundin ang mga prompt sa screen para:
    1. Pumili ng account.
    2. Sa welcome screen, panoorin ang panimula sa tutorial ng Lookout.
  6. Para payagan ang Lookout na kumuha ng mga larawan at mag-record ng video, i-tap ang Habang ginagamit ang app o Ngayon lang.
  7. I-tap ang Payagan.

Tip: Kapag ginagamit mo ang Lookout, siguraduhing hahawakan mo ang iyong device nang nakaharap palabas ang camera.

Gamitin ang mga mode ng Lookout

Puwede mong gamitin ang 7 mode sa Lookout para sa iba't ibang aktibidad.

Magpalipat-lipat sa mga mode ng Lookout

  1. Para magpalit ng mode, sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang button na Pumili ng mode Menu.
  2. Para lumipat ng mode, i-tap ang mode na gusto mong gamitin.
    • Kung gumagamit ka ng TalkBack, mag-double tap sa iyong screen.
  3. Pumili ng mode:
    • Text: Itapat ang iyong camera sa anumang text para basahin ito. Kung hindi malinaw na mababasa ang text:
      • I-rotate ang iyong device sa pagitan ng landscape at portrait.
      • Ilapit o ilayo ang text.
      • Aalertuhan ka ng Lookout kapag walang na-detect na text.
    • Explore (beta): Itapat ang iyong camera sa mga bagay sa paligid mo para marinig kung ano ang mga ito, gaya ng mga object at text.
      • Nasa beta pa ang Explore mode at hindi ito kasintumpak ng iba pang mode.
    • Food labels: Para mag-scan ng mga barcode o makilala ang harap ng isang produktong pagkain, itapat ang label ng produkto sa harap ng iyong camera at dahan-dahan itong i-rotate.
      • Sa ilang bansa lang available ang Food labels mode. Sa unang beses na pipiliin mo ang Food labels mode, sundin ang prompt na mag-download ng karagdagang data. Sa download na ito, magagawa ng Food labels mode na kilalanin ang mga label ng pagkain, mas mabilis na makakuha ng mga resulta, at gumana offline.
    • Documents: Magbasa ng mga buong page ng text.
      • Hawakan ang iyong device sa portrait mode at dahan-dahang igalaw ang iyong device.
      • Para kunan ng larawan ang buong dokumento, makinig sa real-time na gabay ng Lookout.
      • Para basahin ang ipinapakitang text, puwede mong gamitin ang button na "Kunan ng snapshot." Kung minsan, mas mahusay magbasa ng snapshot ang Lookout kaysa sa live na camera view.
    • Currency: Para magbasa ng currency, paisa-isang magtapat ng banknote sa iyong camera.
      • Available lang ang mode na ito para sa US dollars, Euros, o Indian Rupees. Hindi nito nakikilala ang mga barya.
    • Mga Larawan: Mag-capture, mag-upload, o magbahagi ng larawan at makatanggap ng paglalarawan.
      • Nagde-detect ang Lookout ng text at mga bagay sa larawan.
      • Para matulungan ang Lookout na matukoy ang larawan, hawakan ang iyong device, igalaw ito nang dahan-dahan, at pakinggan ang real-time na pagtukoy ng bagay ng Lookout.
      • Para mag-capture ng larawan, i-tap ang Mag-capture o Selfie. Puwede ka ring mag-upload o magbahagi ng larawan sa Lookout.
      • Para mag-download ng na-capture na larawan, sa iyong screen, i-tap ang I-download.
      • Puwede kang makatanggap ng mga detalyadong paglalarawan ng iyong larawan sa English.
      • Kung gumagamit ka ng English sa US, UK, o Canada, para magtanong ng mga follow-up na tanong at makatanggap ng mga AI powered na sagot, puwede mong gamitin ang keyboard o ang iyong boses. Para ibahagi ang iyong kasiyahan sa mga resulta ng Q&A, i-tap ang Thumbs up Thumbs up o Thumbs down Thumbs down.
      • Puwedeng makaapekto sa mga resulta ng pag-capture at paglalarawan sa larawan ang pangit na ilaw, blur, mababang resolution, at occlusion. Posible ring makaapekto sa mga resulta ang mga content at composition ng larawan.
    • Maghanap: Pumili ng isang bagay na hahanapin sa isang na-prefill na listahan ng mga bagay.
      • Para pumili ng bagay, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Piliin ang item na gusto mong hanapin.
        • Ang default na setting ay “Mga Upuan at Mesa,” ang icon na silya.
      • Para matulungan ang Lookout na mahanap ang bagay, hawakan ang iyong device, igalaw ito nang dahan-dahan, at pakinggan ang real-time na pagtukoy ng bagay ng Lookout.

Paano gamitin ang Lookout

I-on at i-off ang camera

Para i-on o i-off ang camera, i-tap ang I-on o i-off ang camera .

  • Kung gumagamit ka ng TalkBack, mag-double tap sa iyong screen.

Tip: Magva-vibrate ang iyong telepono kapag ini-on mo ang iyong camera.

Magbasa ng text sa pamamagitan ng mga tool sa pagbabasa

Available ang mga tool sa pagbabasa sa:

  • Documents mode
  • Images mode
  • Mga Kamakailan

Gamit ang mga tool na ito, magagawa mong i-adjust ang bilis ng pagbabasa at ang mga opsyon sa display, gaya ng:

  • Gustong font
  • Laki at hitsura ng text
  • Background o contrast ng kulay ng text
  • Agwat ng titik
  • Line height

Para i-on ang mga tool sa pagbabasa sa Documents mode, sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga setting sa pagbabasa .

Alternatibong paraan ng pag-on sa mga tool sa pagbabasa sa Documents mode:

  1. Pumunta sa Mga Setting.
  2. Para gamitin ang mga feature na ito, i-tap ang Mga setting ng mga tool sa pagbabasa.

Baguhin ang wika, currency, at bansa

Bilang default, ginagamit ng Lookout ang mga setting na ginagamit sa iyong Android device. Puwede mong baguhin ang wika para sa Text, Document, at Explore mode, baguhin ang currency para sa Currency mode, at baguhin ang bansa para sa Food labels mode. Sa pamamagitan nito, magagamit mo ang Lookout sa mga lugar na gumagamit ng iba't ibang wika.

  1. Piliin ang mode na gusto mong gamitin.
  2. Sa itaas, i-tap ang button ng wika, currency, o bansa.
  3. Piliin ang wika, currency, o bansang gusto mong gamitin.
  4. Para bumalik sa active mode, i-tap ang Bumalik.

Tip: Kung babaguhin mo ang iyong bansa para sa Food labels mode o ang currency mo sa Currency mode, ipo-prompt kang mag-download ng bagong data para sa bansang iyon.

Magsuri o magbahagi ng mga kamakailang resulta

Sa iyong listahan ng Mga Kamakailan, magagawa mong suriin ang history ng mga item na na-detect ng Lookout at magbahagi ng resulta sa iba.

  1. I-tap ang Mga Kamakailan.
  2. Tingnan ang iyong mga resulta nang paisa-isa.
  3. Para makakuha ng mga detalye, pumili ng item.
  4. Para ibahagi ang isang item, i-tap ang Ibahagi Ibahagi.
  5. Piliin ang app kung saan mo gustong ibahagi o i-store ang resulta.

Tip: Kapag isinara mo ang Lookout, awtomatikong ide-delete ang mga kamakailang item.

Baguhin ang mga setting ng Lookout

  1. Sa iyong Android device, i-tap ang Lookout Lookout.
  2. I-tap ang menu ng account at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Suriin o baguhin ang mga sumusunod na setting:
    • Awtomatikong flashlight Awtomatikong gamitin ang iyong flashlight para mapahusay ang pagkilala sa larawan.
    • Mga hint sa pag-scan ng dokumento: Makatanggap ng gabay sa pag-scan ng dokumento.
    • Haptic na feedback: Gumamit ng mga pag-vibrate para magkumpirma ng mga pagkilos.
    • Mga setting ng output ng text-to-speech: Pumili ng mga setting ng text-to-speech na para lang sa Lookout. Iba ang mga setting na ito sa mga setting ng text-to-speech ng iyong system. I-adjust ang bilis at pitch ng pagsasalita, mag-play ng sample, o mag-reset sa mga default ng system.

Tulong at feedback

Para makatulong na mapahusay ang Lookout, paminsan-minsan kang makakatanggap ng mga kahilingang magbahagi ng feedback sa pamamagitan ng maiikling survey. Puwede ka ring magpadala ng feedback sa tuwing gusto mo:

  1. Sa iyong Android device, i-tap ang Lookout Lookout.
  2. I-tap ang menu ng account at pagkatapos ay Tulong at Feedback.

Para sa higit pang tulong sa paggamit ng Lookout, makipag-ugnayan sa Support team ng Google para sa May Kapansanan.

I-delete ang Iyong Data

  1. Sa iyong Android device, i-tap ang Lookout Lookout.
  2. I-tap ang menu ng account at pagkatapos ay Mga setting ng Lookout at pagkatapos ay Mga setting ng Images mode.
  3. I-off ang Pangongolekta ng data ng Images mode.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12886657906275496140
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
717068
false
false