Mga madalas itanong (FAQ)

Sa artikulong ito

Mga tanong tungkol sa iyong privacy at mga ad

Nakikinig ba ang Google sa aking mga tawag sa telepono o nababasa ba nito ang aking mga email?

Hindi. Iginagalang namin na personal at pribado ang iyong mga pag-uusap. Ang sinasabi mo sa telepono ay walang kinalaman sa mga ad na nakikita mo mula sa Google. Personal at pribado ang iyong email. Hindi ka nakakakita ng mga ad batay sa kung ano ang isinusulat mo sa iyong mga email o sino-store mo sa mga serbisyo tulad ng Google Drive.

Ibinebenta o ibinabahagi ba ng Google ang aking personal na impormasyon?

Hindi ibinebenta o ibinabahagi ang iyong personal na impormasyon sa mga advertiser, publisher (tulad ng mga website at app), o iba pang kumpanya. Ikaw palagi ang magpapasya kung magbabahagi ka ng impormasyon sa Google.

Pinagsama-samang data lang tungkol sa mga ad ang nakikita ng mga advertiser para malaman ang performance ng kanilang mga ad. Ang pinagsama-samang data na nakikita ng mga advertiser ay hindi nagpapakita ng anumang personal na impormasyon tungkol sa iyo.

Kung gayon, paano kumikita ang Google?

Pag-advertise ang pangunahing pinagmumulan ng kita ng Google - karamihan ay mula sa mga ad sa sarili naming mga site at app.

Masasabi ng mga advertiser sa Google ang mga uri ng mga audience na gusto nilang maabot, at pagkatapos ay susubukan ng Google na ipakita ang mga ad ng advertiser sa mga taong nasa grupong iyon. Ang bawat isa sa mga produkto at serbisyo ng Google ay nagpapakita ng mga ad sa iba't ibang paraan para matulungan ang mga advertiser na subukang maabot ang mga bago at dati nang customer.

Halimbawa:

Kung gusto ng isang advertiser na lumabas ang mga ad niya sa Google Search, masasabi niya sa Google na gusto niyang magpakita ng mga ad sa mga partikular na audience at batay sa mga partikular na keyword na nauugnay sa mga terminong ginagamit ng mga tao kapag naghahanap sila.

Sabihin nating naghahanap ka ng impormasyon tungkol sa mga pag-aaral ng gitara, at gumamit ka ng Google Search. Kung sinabi ng isang advertiser sa Google na gusto niyang magpakita ng mga ad batay sa keyword na “mga gitara,” puwede kang makakita ng ad mula sa advertiser na iyon. Kung magki-click ka ng isa sa mga ad na iyon, babayaran ng advertiser ang Google. Kung nakita mo ang ad at hindi mo ito na-click, hindi sisingilin ang advertiser at hindi kikita ng pera ang Google.

Kumikita rin ang Google sa pamamagitan ng pagtulong sa iba pang site na kumita ng pera sa pamamagitan ng pag-advertise. Ginagamit ng ibang mga site at app na ito ang aming teknolohiya ng ad para magpakita ng mga ad. Kapag nagpapakita ang Google ng mga ad sa site o app ng ibang tao, karamihan sa perang ibinabayad ng mga advertiser ay napupunta sa site ng partner at itinatabi namin ang isang bahagi nito.

Matuto pa tungkol sa kung paano kumikita ng pera ang Google

Paano gumagawa ng mga hula ang Google tungkol sa akin?

Makikita mo kung sa aling mga kategorya ka kasalukuyang nakakatanggap ng mga ad sa tab na PamahalaanPrivacy  ng Ang Aking Ad Center. Kapag naglagay ng ad ang isang negosyo, madalas nitong pinipili kung sa aling mga kategorya ng mga tao nito gustong ipakita ang mga ad nito. Halimbawa, posibleng piliin ng isang serbisyo sa bubong na ipakita ang mga ad nito sa mga may-ari ng bahay sa halip na sa mga nagrerenta.

Ginagamit ang iyong aktibidad sa mga site at app ng Google para tukuyin kung aling mga kategorya ang pinakanauugnay sa iyo — at pagkatapos ay magpakita sa iyo ng mga ad para sa mga tao sa kategoryang iyon. Kung minsan, mali ang aming mga pagtatantya, at puwede mong i-update o i-off ang anumang kategorya.

Halimbawa:
Sabihin nating ginamit mo ang Google Search para maghanap ng mga diaper para sa maliit na bata. Batay rito, puwedeng tantyahin ng Google na interesado ka sa iba pang produktong para sa mga taong nasa kategoryang “Mga magulang ng maliliit na bata.”
Paano kung iba ang status ko sa mga opsyon sa isang kategorya?
Nagpapakita lang kami ng mga kategoryang ginagamit para sa mga naka-personalize na ad, kaya baka kaunti lang ang opsyong makita mo para sa ilang partikular na kategorya. Kung minsan, baka gustuhin mong kumuha ng mga ad para sa kategoryang iba sa tinantya namin. 

Mag-on o mag-off ng kategorya para sa mga ad

Kapag na-off mo ang isang kategorya, made-delete ang iyong impormasyon para sa kategoryang iyon at hindi gagamitin ang kategoryang iyon para magpakita sa iyo ng mga ad.

Para mag-on o mag-off ng kategorya para sa mga ad:

  1. Pumunta sa Ang Aking Ad Center.
  2. Piliin ang Pamahalaan ang Privacy .
  3. Sa ilalim ng “Mga kategoryang ginagamit para magpakita sa iyo ng mga ad,” piliin ang kategoryang gusto mong i-on o i-off.
  4. I-on o i-off ang kategoryang iyon.

Kung io-off mo ang mga naka-personalize na ad, made-delete ang lahat ng impormasyon ng iyong kategorya at hindi na gagamitin para mag-personalize ng mga ad.

Pumunta sa Ang Aking Ad Center

Mag-update ng kategorya

Kapag nag-update ka ng kategorya, ise-save ang iyong mga pagbabago sa Aking Mga Ad, at posibleng magsimula kang makakita ng mga ad na para sa mga tao sa kategoryang iyon sa loob ng ilang araw.

Para mag-update ng kategorya:

  1. Pumunta sa Ang Aking Ad Center.
  2. Piliin ang Pamahalaan ang Privacy .
  3. Sa ilalim ng Mga kategoryang ginamit para magpakita sa iyo ng mga ad, piliin ang kategoryang gusto mong kontrolin o i-update.
  4. Piliin ang opsyong akma sa iyong mga interes

Kung io-off mo ang mga naka-personalize na ad, made-delete ang lahat ng impormasyon ng iyong kategorya at hindi na gagamitin para mag-personalize ng mga ad.

Pumunta sa Ang Aking Ad Center

Mga tanong tungkol sa iyong aktibidad sa Google at mga ad

Paano ginagamit ng Google ang naka-save kong aktibidad?

Ginagamit ang iyong na-save na aktibidad sa Google para sa dalawang uri ng mga bagay: mga naka-personalize na karanasan sa produkto at naka-personalize na ad. Puwede kang magpasya kung gagamitin ang iyong aktibidad para sa alinman sa mga iyon at kung ise-save ito sa Google Account mo.

Ginagamit ng mga naka-personalize na karanasan ng produkto ang iyong aktibidad para bigyan ka ng mas mahuhusay na rekomendasyon sa Maps, Search, at iba pang serbisyo ng Google.

Halimbawa:
Kung naghahanap ka ng chocolate cake, at pagkatapos ay naghanap ka ulit ng “paano gumawa,” mas malamang na hulaan ng Google na naghahanap ka ng “paano gumawa ng chocolate cake.”

Matuto pa tungkol sa iyong Aktibidad sa Web at App.

Ginagamit ng mga naka-personalize na ad ang iyong aktibidad para makatulong na magpakita sa iyo ng mga mas nauugnay at nakakainteres na ad sa mga serbisyo ng Google tulad ng Search at YouTube.

Halimbawa:
Kung naghanap ka kamakailan ng impormasyon tungkol sa kung paano gumawa ng chocolate cake, puwede kang makakita ng ad sa YouTube tungkol sa mga supply sa pag-bake ng cake.

Matuto pa tungkol sa kung paano kontrolin ang impormasyong ginagamit ng Google para magpakita sa iyo ng mga naka-personalize na ad.

Ano ang pagkakaiba ng pag-save sa aking aktibidad at paggamit nito para sa mga ad?

Ang pag-save ng iyong aktibidad sa Google sa Google Account mo ay nangangahulugang puwede itong magamit para makatulong na gumawa ng mas mahuhusay na naka-personalize na rekomendasyon para sa iyo, tulad ng mas mahuhusay na rekomendasyon sa video sa YouTube. Puwede mong kontrolin kung mase-save ang iyong aktibidad sa Google Account mo sa Aking Aktibidad.

Magagamit din ang aktibidad na iyon para makatulong na magpakita sa iyo ng mga mas nauugnay at nakakainteres na ad sa mga serbisyo ng Google. Puwede mong kontrolin kung gagamitin ang iyong aktibidad para sa mga ad sa Ang Aking Ad Center.

Matuto pa tungkol sa kung paano hanapin at kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App.

Matuto pa tungkol sa kung paano kontrolin ang impormasyong ginagamit ng Google para magpakita sa iyo ng mga naka-personalize na ad.

Paano ko hahanapin at kokontrolin ang aking Aktibidad sa Web at App?

Mahahanap at makokontrol mo ang iyong Aktibidad sa Web at App sa pamamagitan ng pagbisita sa Aking Aktibidad.

Matuto pa tungkol sa kung paano hanapin at kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App.

Paano ko mahahanap at makokontrol ang aking History sa YouTube?

Mahahanap at makokontrol mo ang iyong history ng paghahanap sa YouTube sa pamamagitan ng pagbisita sa Aking Aktibidad.

Matuto pa tungkol sa iyong history sa YouTube.

Paano ko mahahanap at makokontrol ang aking History ng Lokasyon?

Mahahanap at makokontrol mo ang iyong History ng Lokasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa Aking Aktibidad.

Matuto pa tungkol sa kung paano pamahalaan ang iyong history ng lokasyon.

Paano ginagamit ng Google ang impormasyon tungkol sa kung saan ako galing para mag-personalize ng mga ad?

Kapag gumamit ka ng serbisyo ng Google, tatantyahin ng Google ang general area kung saan ka naghahanap at ise-save ang impormasyong iyon sa iyong aktibidad sa Web at App. Makakatulong ang mga area na ito kung saan mo ginamit ang Google na magpakita sa iyo ng mga mas nauugnay na ad. Puwede mong i-on o i-off ang paggamit sa mga area na ito para sa mga naka-personalize na ad anumang oras.

Halimbawa:

  • Kung naka-on ang “Mga area kung saan mo ginamit ang Google” at naghanap ka ng kape, puwede kang makakita ng ad para sa isang lokal na coffee shop.
  • Kung naka-off ang “Mga area kung saan mo ginamit ang Google” at naghanap ka ng kape, puwede kang makakita ng ad para sa isang coffee shop na sa ibang bayan.

Para kontrolin kung puwedeng gamitin para sa mga ad ang mga area kung saan mo ginamit ang Google:

  1. Pumunta sa Ang Aking Ad Center.
  2. Piliin ang Pamahalaan ang Privacy 
  3. Sa ilalim ng “Aktibidad na ginamit para mag-personalize ng mga ad," piliin ang Mga area kung saan mo ginamit ang Google.
  4. I-on o i-off ang Gamitin ang mga area para mag-personalize ng mga ad.
  5. Kumpirmahin ang iyong napili.

Pumunta sa Ang Aking Ad Center

Nakakaapekto ang setting na ito sa mga ad na nakikita mo sa lahat ng site at app ng Google.

Kapag na-off mo ang Mga Area kung saan mo ginamit ang Google para sa mga ad, hindi ito gagamitin para tumulong na i-personalize ang mga ad na nakikita mo. Puwede pa ring i-save sa iyong Google Account ang mga area kung saan mo ginamit ang Google, at puwede ka pa ring makakuha ng mga naka-personalize na rekomendasyon sa mga serbisyo ng Google.

Mga tanong tungkol sa pag-customize sa mga ad na nakikita mo

Bakit nakakakita pa rin ako ng ad, kahit na-block o iniulat ko na ito?

Hindi perpekto ang pag-block ng ad at kung minsan, hindi namin naba-block ang isang ad para sa iyo. Posibleng nakakakita ka ng ad kahit na na-block o naiulat mo na ito dahil:

  • Hindi Google ang nagpapakita sa bawat ad nasa web. Kung ikaw ay nasa isang site o app na hindi Google, posibleng may ibang kumpanya ng teknolohiya ng ad na nagpapakita sa iyo sa ad na iyon.
  • Gumagamit ang mga advertiser ng maraming iba't ibang format at istilo ng mga ad para sa parehong mga produkto, at posibleng nakakakita ka pa rin ng ad na katulad ng ad na na-block mo.
Kapag iniulat ang isang ad, hindi ito naba-block. Matuto pa tungkol sa kung paano mag-block ng ad.

Matuto pa tungkol sa kung paano mag-ulad ng ad

Bakit nakakakita pa rin ako ng mga ad na nauugnay sa isang kategorya na na-off ko na?

Kapag na-off mo ang isang kategorya, made-delete ang iyong impormasyon para sa kategoryang iyon at hindi gagamitin ang kategoryang iyon para magpakita sa iyo ng mga naka-personalize na ad sa mga serbisyo ng Google, tulad ng Search at YouTube.

Kung ikaw ay nasa isang site o app na hindi Google, posibleng may ibang kumpanya ng teknolohiya ng ad na nagpapakita sa iyo sa ad na iyon.

Kung ikaw ay nasa isang site o app ng Google, puwede kang makakita ng ad na mukhang nauugnay sa isang kategoryang na-off mo dahil sa iba pang kagustuhan na itinakda mo sa Ang Aking Ad Center o dahil naaayon sa konteksto ang ad. Ang mga contextual ad ay batay sa mga salik na tulad ng oras ng araw, ang paksa ng website na binibisita mo, ang iyong tinatayang kasalukuyang lokasyon, o ang kasalukuyan mong paghahanap.

Bakit hindi ko lubusang ma-block ang mga sensitibong paksa?

Gagawin namin ang aming buong makakaya para hindi magpakita sa iyo ng mga ad tungkol sa mga paksang nilimitahan mo. Sa ilang sitwasyon, puwede ka pa ring makakita ng ad na naglalaman ng mga larawang nauugnay sa paksang nilimitahan mo. Halimbawa: puwede kang makakita ng ad ng airline na nagtatampok ng isang taong may hawak na baso ng champagne. Hindi ito isang ad para sa alak, kahit na nagpapakita ng alak ang ad.

Sa ilang sitwasyon, puwede ka pa ring makakita ng ad tungkol sa isang paksang nilimitahan mo kung naghanap ka ng impormasyon tungkol sa isa sa mga paksang iyon o kung nanonood ka ng video na nauugnay sa mga paksang iyon.

Bakit hindi ako makapaglimita ng mas maraming sensitibong paksa?
Sa ngayon, puwede mong limitahan ang mga ad tungkol sa: alak, pakikipag-date, pagsusugal, pagiging magulang at pagbubuntis, pati na rin ang pagbabawas ng timbang. Napili ang mga ito batay sa mabusising pananaliksik tungkol sa user tungkol sa kung anong mga paksa ang pinakasensitibo para sa mga tao. Habang patuloy kaming nagsasagawa ng pananaliksik, puwede kaming magsama ng mga karagdagang paksa sa hinaharap.
Ang mga pinili ko ba sa Ang Aking Ad Center ay makakaapekto sa mga ad na nakikita ko sa ibang mga site?

Ang mga pinili mo sa Ang Aking Ad Center – tulad ng mga paksa ng mga ad na pinili mo para makakita nang mas marami o mas kaunti ng mga ad, at kung anong impormasyon ang ginagamit mo para magpakita sa iyo ng mga ad – ay makakaapekto sa mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google, tulad ng Search at YouTube. Kapag na-on o na-off mo ang mga naka-personalize na ad sa Ang Aking Ad Center, maaapektuhan ng pagpiling iyon kung ipe-personalize o hindi ang mga ad sa mga serbisyo ng Google pati na sa mga site na nakikipag-partner sa Google para magpakita ng mga ad.

Hindi lahat ng website ay nakikipag-partner sa Google para magpakita ng mga ad. Kapag na-on o na-off ang mga naka-personalize na ad sa Ang Aking Ad Center, hindi nito maaapektuhan ang mga uri ng mga ad mula sa iba pang kumpanya ng teknolohiya ng ad o ang mga ad nakikita mo sa mga site na may kani-kanyang platform ng mga ad.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9296361538093819375
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false