Magsimula sa live streaming

Nagbibigay-daan sa iyo ang live streaming na makipag-ugnayan sa audience mo nang real time sa pamamagitan ng feed ng video, chat, at higit pa.

Panimula Sa Live Streaming sa YouTube

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

1. I-enable ang live streaming

Para makapag-live stream, kailangang wala kang paghihigpit sa live streaming sa nakalipas na 90 araw at kailangan mong i-verify ang iyong channel.

  1. Pumunta sa YouTube.
  2. Mula sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Gumawa   at pagkatapos ay Mag-live.
  3. Kung hindi mo pa ito nagagawa, sundin ang mga prompt para i-verify ang iyong channel.
  4. Posibleng abutin nang hanggang 24 na oras ang pag-enable sa una mong live stream. Kapag na-enable na, puwede ka nang mag-live stream kaagad.

2. Pumili ng paraan para mag-stream

May tatlong uri ng mga stream: mobile, webcam, at encoder. Piliin ang uring pinakatugma sa kung ano ang sini-stream mo.

Mobile

Maganda para sa pag-vlog at mga mabilisang pag-update mula sa iyong telepono o tablet.

Para makagawa ng live stream sa mobile, kailangan mong matugunan ang mga kinakailangan.

Alamin kung paano mag-mobile stream.

Webcam

Mabilis na mag-live stream mula sa iyong computer gamit ang webcam.

Mangangailangan ka ng computer na may webcam.

Alamin kung paano mag-stream gamit ang webcam.

Encoder

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga encoder na mag-stream ng gameplay, mga overlay, at gumamit ng hardware tulad ng mga preamp, mikropono, at camera. Karaniwang ginagamit ang uri ng stream na ito para sa gaming, mga sporting event, mga konsyerto, at mga kumperensya.

Alamin kung paano mag-stream gamit ang encoder.

Mga vertical na live stream

Kapag vertical ang iyong live stream (mas lamang ang taas kaysa sa lapad), magkakaroon na ngayon ng full screen na experience sa panonood ang mga manonood sa mobile habang pinapanood ito. Kasama sa experience na ito ang isang naso-scroll na feed ng live stream kung saan may access ang mga manonood sa mga feature ng support fund mula sa fans tulad ng Super Chat, Super Stickers, at mga channel membership. Makikita rin ng mga manonood (hindi limitado sa mga kasalukuyang subscriber ng channel) ang mga live stream na ito kapag nagba-browse sa YouTube Shorts.

Feature Mga horizontal na live stream

Vertical na live feed

Nahahanap sa feed ng Shorts Hindi Oo
Maso-scroll para sa higit pang live stream Hindi Oo
Mga naki-click na link sa chat at paglalarawan sa channel Oo Hindi
Mga midroll at pre-roll ng live na ad Oo Hindi
4K bitrate na streaming (broadcast) Oo Hindi (sa YouTube app)
Mga Premiere Oo Hindi
Live redirect Oo Hindi
Mga membership Oo Oo
Mga iniregalong membership Oo Hindi

 

Ang puwede mong i-stream

Dapat ay sumunod ang lahat ng content sa mga live stream sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad at Mga Tuntunin ng Serbisyo. Kung ipapahiwatig mong magla-live stream ka ng content na lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, posible naming paghigpitan ayon sa edad o alisin ang iyong live stream. Nakalaan din sa YouTube ang karapatang paghigpitan ang kakayahan ng creator na mag-live stream sa sarili nitong paghuhusga.

Kung makakatanggap ka ng babala sa iyong live stream dahil sa paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, puwede kang sumailalim sa isang pagsasanay sa patakaran para hayaang mag-expire ang babala pagkalipas ng 90 araw. Gayunpaman, kung malalabag ang parehong patakaran sa loob ng 90 araw na palugit na iyon, hindi mag-e-expire ang babala at bibigyan ng strike ang iyong channel. Kung lalabag ka sa ibang patakaran pagkatapos mong makumpleto ang pagsasanay, makakatanggap ka ng isa pang babala. Puwede naming pigilang sumailalim sa mga pagsasanay sa patakaran sa hinaharap ang mga paulit-ulit na lumalabag.

Kung pinaghihigpitan ang iyong live stream, puwede kang makatanggap ng strike sa account mo. Pipigilan ka ng strike na mag-live stream sa loob ng 14 na araw. Kung pinaghigpitan ang iyong account sa pag-live stream, hindi ka puwedeng gumamit ng ibang channel para mag-live stream sa YouTube. Nalalapat ang patakarang ito hangga't nananatiling aktibo ang paghihigpit sa iyong account. Ang paglabag sa paghihigpit na ito ay ituturing na pagpapalusot sa ilalim ng aming Mga Tuntunin ng Serbisyo at posibleng magresulta sa pagwawakas ng iyong account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3732984319056455143
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false