Alamin ang tungkol sa conversational AI tool sa YouTube

Kasalukuyang available lang ang tool na ito sa English sa mga miyembro ng YouTube Premium sa United States na mahigit 18 taong gulang. Para magamit ang tool, gumagamit ka dapat ng Android device. Kung mayroon kang access sa eksperimento, lalabas ang tool sa mga piling English na video. Posibleng magbago ang availability sa hinaharap.

Habang nanonood ka ng video sa YouTube, nagbibigay-daan sa iyo ang conversational AI tool na makipag-interact sa AI para matuto pa tungkol sa content. Halimbawa, puwede kang magtanong tungkol sa video na pinapanood mo o pumili ng iminumungkahing prompt tulad ng “magrekomenda ng kaugnay na content.” 

Para magsimula: 

  1. I-tap ang Magtanong .
  2. Pumili ng isa sa mga iminumungkahing prompt, o mag-type ng sarili mong tanong.
Tandaan: Pang-eksperimento at posibleng hindi sumasalamin sa mga pananaw ng YouTube ang mga sagot na binuo ng AI. Puwedeng mag-iba-iba ang kalidad at katumpakan. Patuloy kami sa pag-aaral, at gusto naming mapahusay pa ang feature na ito, kaya magsumite ng feedback kung may makikita kang isyu.

 Mga FAQ

Sino ang puwedeng gumamit sa conversational AI tool sa YouTube?

Sa kasalukuyan, sa English lang available ang conversational AI tool sa mga miyembro ng YouTube Premium sa United States na mahigit 18 taong gulang. Para magamit ang tool, gumagamit ka dapat ng Android device. 

Kung mayroon kang access sa eksperimento, lalabas ang tool sa page sa panonood para sa mga piling English na video.

Paano gumagana ang conversational AI tool sa YouTube?

Idinisenyo ang tool na ito para magbigay ng mga sagot sa mga tanong tungkol sa mga video na pinapanood mo. Ang mga sagot ay binubuo ng mga large language model (LLM). Kumukuha ng impormasyon ang mga LLM mula sa YouTube at sa web. Matuto pa tungkol sa mga LLM at generative AI.

Ang generative AI ay pang-eksperimentong teknolohiya at para lang ito sa pagbibigay ng impormasyon. Huwag pagbatayan ang mga sagot na binuo ng AI bilang medikal, legal, pinansyal, o iba pang propesyonal na payo.

Anong data ang kinokolekta? Paano ito ginagamit?

Kapag nakipag-interact ka sa tool na ito, kokolektahin namin ang data tungkol sa paggamit mo sa tool, at ang mga query at feedback na isusumite mo. Tumutulong sa amin ang data na ito na magbigay, magpahusay, at mag-develop ng aming mga produkto at serbisyo. Ang mga pag-uusap na nakakonekta sa iyong Google Account ay awtomatikong ide-delete pagkalipas ng 30 araw. 

Para makatulong sa kalidad at mapahusay ang aming mga produkto, gaya ng mga modelo ng generative na machine-learning na nagpapagana sa tool na ito, binabasa, ginagawan ng mga tala, at pinoproseso ng mga taong tagasuri ang iyong mga pag-uusap sa tool na ito. Nagsasagawa kami ng mga hakbang para maprotektahan ang iyong privacy bilang bahagi ng prosesong ito. Kasama sa mga hakbang na ito ang pagdiskonekta ng iyong mga pag-uusap sa Google Account mo bago makita o gawan ng mga tala ng mga tagasuri ang mga ito. Gumagamit din kami ng mga naka-automate na tool para mag-alis ng personal na impormasyon, gaya ng mga email address at numero ng telepono. 

Ang mga pag-uusap na nasuri o na-annotate na ng mga taong tagasuri ay hindi awtomatikong ide-delete pagkalipas ng 30 araw. Hiwalay na papanatilihin at hindi ikokonekta sa iyong Google Account ang mga pag-uusap na ito. Sa halip, papanatilihin ang mga ito nang hanggang 3 taon.

Huwag magbigay ng kumpidensyal na impormasyon, o ng anumang ayaw mong makita ng isang tagasuri, sa iyong mga pag-uusap. Posibleng gamitin ang impormasyong ibibigay mo para mapahusay ang aming mga produkto, serbisyo, at teknolohiya sa machine-learning.
Tandaan: Magagawa ng mga miyembro ng Premium na nag-sign up para subukan ang tool na umalis sa eksperimento anumang oras.

 

Paano ako magsusumite ng feedback tungkol sa tool?
Kung makakakuha ka ng sagot na binuo ng AI na sa palagay mo ay hindi nakatulong, hindi ligtas, hindi tumpak, o hindi maganda para sa anumang dahilan, puwede mo itong ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pagsusumite ng feedback. Makakatulong ang iyong feedback para mapaganda ang experience na ito.

Magsumite ng feedback tungkol sa tool

Para magsumite ng feedback:

  1. Sa ilalim ng video, i-tap ang Magtanong
  2. Pumili ng isa sa mga iminumungkahing prompt, o mag-type ng sarili mong tanong para makakuha ng sagot.
  3. Sa isang sagot, piliin ang thumbs up o thumbs down.
Kung pipiliin mo ang thumbs down, may opsyon kang mag-share ng dahilan para sa iyong rating.

Mag-ulat ng legal na isyu

Para mag-ulat ng sagot para sa mga legal na dahilan:

  1. Sa isang sagot, piliin ang thumbs down.
  2. Piliin ang mag-ulat ng mga legal na isyu
  3. Sundin ang mga prompt para mag-ulat ng legal na isyu. 

Ang feedback ay:

  • Sinusuri ng mga team na may espesyal na pagsasanay. Kinakailangan ang pagsusuri ng tao para makatulong sa pagtukoy, paglutas, at pag-ulat ng mga potensyal na problemang binanggit sa feedback, kabilang ang nire-require sa ilalim ng mga naaangkop na batas.
  • Ginagamit nang naaayon sa aming Patakaran sa Privacy. Ginagamit ng YouTube ang data na ito para magbigay, magpahusay, at mag-develop ng mga produkto, serbisyo, at teknolohiya ng machine learning ng YouTube, gaya ng mas detalyadong ipinapaliwanag sa aming Patakaran sa Privacy.

Puwede ba akong makipag-chat sa suporta sa YouTube sa pamamagitan ng tool na ito?

Hindi. Hindi ka ikokonekta ng tool na ito sa suporta sa YouTube, at hindi ito naglalayong maging suporta para sa paggamit ng mga produkto ng YouTube.

Ginagamit ba ng YouTube ang mga pag-uusap ko para magpakita sa akin ng mga ad?

Hindi ginagamit ang mga pag-uusap mo para magpakita sa iyo ng mga ad. Kung magbabago ito, malinaw naming ipapaalam sa iyo ang pagbabago. 

Para malaman ang tungkol sa kung paano namin pinapanatiling pribado, ligtas, at secure ang data ng aming mga user, basahin ang aming Mga Prinsipyo sa Privacy at Seguridad.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15094515168223352573
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false