Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Hinaan ang volume ng mga video at musika kapag ginagamit ang Google Assistant

Para gawing mas madaling magsalita at makinig sa Google Assistant habang nagka-cast ka ng content, puwedeng awtomatikong hinaan ng Assistant ang volume ng mga video at musikang kina-cast mo sa mga TV o speaker. Naka-on ang feature na ito bilang default.

Paano ito gumagana

Hihina ang volume ng iyong TV o speaker kapag sinabi mo ang "Hey Google" at mananatili sa antas na iyon habang nakikipag-usap ka sa Assistant. Kapag tapos ka na, lalakas ang volume ng TV at speaker sa orihinal na setting ng volume.

Pigilan ang Assistant na hinaan ang volume

Para i-off ang feature na ito, sundin ang mga hakbang na ito:

  1.  Tiyaking ang iyong mobile device o tablet ay naka-link sa account kung saan naka-link ang speaker o display mo.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Audio at pagkatapos ay i-off ang Hinaan ang volume kapag nakikinig Off.

Hindi sinusuportahang functionality

Sa kasalukuyan, hindi gagana ang feature na ito kapag nag-cast ka ng content sa mga sumusunod na paraan:
  • Kung nagka-cast ka ng musika sa isang pangkat ng mga Cast device.
  • Kung nagsimula kang mag-cast ng content sa TV o speaker gamit ang mobile phone at hindi ang iyong boses.
  • Kapag nag-cast ka ng content sa Android TV device na may nakatakdang volume (Halimbawa: Nexus Player).
  • Kapag nag-cast ka ng content sa Chromecast built-in speaker o TV, o Android TV na gumagamit ng bersyon ng firmware ng Chromecast na mas luma sa 1.25. Matuto kung paano alamin ang bersyon ng iyong firmware.
  • Para sa mga palabas sa TV at pelikula kapag nagpe-playback sa 5.1 surround sound.

Tandaan: Para sa mga Android TV na gumagamit ng bersyon ng firmware na mas luma sa 1.27, kapag naka-on ang feature na ito, hindi mo mababago ang volume ng TV gamit ang iyong speaker o display ("Hey Google, set volume to 50% on <device name> (Hey Google, gawing 50% ang volume sa <pangalan ng device>)"). Para gamitin ang mga command gamit ang boses, i-off ang feature sa pamamagitan ng mga hakbang sa itaas. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5959357895071307633
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false