Tungkol sa consent mode

Ang artikulong ito ay para sa mga user ng Google tag na nagpapadala ng data sa Google at gustong magpadala ng mga signal ng pahintulot.

Nagbibigay-daan sa iyo ang consent mode na i-communicate sa Google ang status ng pahintulot sa cookie o identifier ng app ng iyong mga user. Ina-adjust ng mga tag ang gawi ng mga ito at sinusunod ng mga ito ang mga pinili ng mga user.

Hindi nagbibigay ang consent mode ng banner o widget ng pahintulot. Sa halip, nakikipag-interact ang consent mode sa iyong banner para makuha ang pahintulot ng bisita. Matuto pa sa Pamahalaan ang pahintulot ng user.

Natatanggap ng consent mode ang mga opsyon sa pahintulot ng iyong mga user mula sa banner o widget ng cookie at dynamic nitong itinutugma ang gawi ng mga Analytics tag, Ads tag, at third-party na tag na gumagawa o nagbabasa ng cookies.

Paano gumagana ang consent mode

Tandaan: Nakatuon ang Google sa pagprotekta sa pagiging kumpidensyal at sa seguridad ng iyong data. Papanatilihin naming kumpidensyal at secure ang iyong data gamit ang mga parehong nangungunang pamantayan sa industriya na ginagamit namin para protektahan ang data ng sarili naming mga user. Mga pinagsama-samang conversion lang ang iniuulat namin. Puwede kang magbasa pa tungkol sa kung paano namin ginagamit ang iyong data sa consent mode.

Kapag na-enable mo ang consent mode, tinitiyak ng mga produkto para sa measurement ng Google na mapapanatili ang status ng consent mode ng isang bisita sa mga page na bibisitahin niya.

Puwede kang magpatupad ng consent mode sa iyong website o app sa alinman sa dalawang paraan: basic o advanced.

Basic na consent mode

Kapag nagpatupad ka ng consent mode sa basic na bersyon nito, pinipigilan mo ang mga Google tag sa pag-load hanggang sa makipag-interact ang isang user sa isang banner ng pahintulot. Walang itina-transmit na data ang setup na ito sa Google bago makipag-interact ang user sa banner ng pahintulot. Kapag nagbigay ng pahintulot ang user, maglo-load ang mga Google tag at ipapatupad nito ang mga API ng consent mode. Ipinapadala ng mga tag ang mga status ng pahintulot sa Google sa sumusunod na pagkakasunod-sunod:

  1. Ipinapadala ang mga default na status ng pahintulot.
  2. Ipinapadala ang mga na-update na status ng pahintulot.

Gayunpaman, kapag hindi nagbigay ng pahintulot ang user, wala talagang itina-transfer na data sa Google – kahit pa ang status ng pahintulot. Ganap na naka-block ang pagpapagana ng mga Google tag. Ibabatay ang pagmomodelo ng conversion ng consent mode sa Ads sa isang pangkalahatang modelo.

Advanced na consent mode

Kapag nagpatupad ka ng consent mode sa advanced na bersyon nito, maglo-load ang mga Google tag kapag may user na nagbukas ng website o app. Ilo-load ng mga tag ang consent mode API at gagawin nito ang sumusunod:

  1. Itatakda ang mga default na status ng pahintulot. Bilang default, tatanggihan ang pahintulot, maliban na lang kung magtatakda ka ng sarili mong mga default.
    Bagama't tinanggihan ang pahintulot, nagpapadala ang mga Google tag ng mga cookieless na ping.
  2. Hintaying makipag-interact ang user sa banner at i-update ang mga status ng pahintulot.
    Kapag nagbigay ng pahintulot sa pangongolekta ng data ang isang user, saka lang ipapadala ng mga Google tag ang buong data ng pagsukat. Matuto pa tungkol sa gawi ng tag.

Nagbibigay-daan ang pagpapatupad na ito sa pinahusay na pagmomodelo kumpara sa Basic na bersyon dahil nagbibigay ito ng modelong partikular sa advertiser sa halip na sa isang pangkalahatang modelo.

Pangkalahatang-ideya

Feature

Basic na consent mode

Advanced na consent mode

Pag-load ng tag

Naka-block hanggang sa makipag-interact ang user sa banner ng pahintulot.

Naglo-load nang nakatakda sa tinanggihan ang mga default, maliban na lang kung ma-configure ito.

Pag-transmit ng data

Walang ipinapadalang data bago magbigay ng pahintulot ang isang user - kahit pa ang default na status ng pahintulot.

Kapag tinanggihan ang pahintulot, ipapadala ang status ng pahintulot at mga cookieless na ping.
Kapag nagbigay ng pahintulot, magra-write ng cookies at ipapadala ang lahat ng data ng pagsukat.

Mga status ng pahintulot

Itinatakda pagkatapos makipag-interact ng user.

Itinatakda ang mga default sa tinanggihan, maliban na lang kung ma-configure;  nag-a-update batay sa pinili ng user.

Gawi ng tag pagkatapos makipag-interact ang user

Naglo-load at nagpapatupad ng mga consent mode API pagkatapos magbigay ng pahintulot ang isang user.

Ina-adjust ang gawi ng tag batay sa opsyon sa pahintulot ng user.

Pagmomodelo ng conversion

Pangkalahatang modelo (hindi gaanong detalyadong pagmomodelo).

Modelong partikular sa advertiser (mas detalyadong pagmomodelo).

Mga ping ng consent mode

Kapag nagbigay ng pahintulot ang mga bisita, gagana nang normal ang mga nauugnay na tag. 

Kapag tumangging magbigay ng pahintulot ang mga bisita, hindi magso-store ng cookies ang mga tag na nakakaalam ng pahintulot. Sa halip, ipapaalam ng mga tag ang status ng pahintulot at aktibidad ng user sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga sumusunod na uri ng mga ping na walang cookie, o signal, sa server ng Google:

  • Mga ping ng status ng pahintulot para sa mga Google Ads at Floodlight tag: Nagpapaalam ang default na status ng pahintulot na na-configure mo at ng na-update na status kapag nagbigay o tumangging magbigay ng pahintulot ang bisita para sa bawat uri ng pahintulot gaya ng ad_storage at analytics_storage. Nagpapadala ng mga ping ng status ng pahintulot mula sa bawat page na binibisita ng user kung saan naka-enable ang consent mode, at nati-trigger din ang mga ito para sa ilang tag kung magbabago ang status ng pahintulot mula tinanggihan at ito ay magiging ibinigay. Halimbawa, kung may user na mag-o-opt in mula sa isang dialog tungkol sa pahintulot.
  • Mga ping ng conversion: Nagsasaad na may nangyaring conversion.
  • Mga ping ng Google Analytics: Ipinapadala mula sa bawat page ng isang website kung saan ipinapatupad ang Google Analytics kapag nag-load at kapag may mga nala-log na event.

Sa lahat ng sitwasyon, posibleng kasama sa mga ping ang:

  • Impormasyon ng function (gaya ng mga header na passive na idinagdag ng browser):
    • Timestamp
    • User agent (web lang)
    • Referrer
  • Impormasyong pinagsama-sama / hindi nagbibigay ng pagkakakilanlan:
    • Pahiwatig kung may kasamang impormasyon sa pag-click sa ad sa URL sa kasalukuyang page o nakaraang page sa pag-navigate ng user sa site (hal., GCLID / DCLID).
    • Impormasyong boolean tungkol sa status ng pahintulot
    • Random number na binuo sa bawat pag-load ng page
    • Impormasyon tungkol sa platform ng pahintulot na ginagamit ng may-ari ng site (hal., Developer ID)

Pagmomodelo ng consent mode

Para mabawasan ang mga pagkukulang sa pangongolekta ng data, ginagamit ng mga produkto ng Google ang mga ping na ito para imodelo ang mga sukatan mo para sa iyong mga solusyon sa pagsukat. Para maprotektahan ang privacy ng user, kailangang maabot ng iyong mga tag ang isang partikular na threshold ng pangongolekta ng data. Makakakita ka ng higit pang impormasyon tungkol sa kung ano ang iminomodelo at sa aling mga sitwasyon sa mga artikulong naka-link sa ibaba:

Mga tag na may naka-built in na suporta para sa consent mode

Ang mga Google tag para sa mga sumusunod na produkto ay may mga naka-built in na pagsusuri ng pahintulot at nag-a-adjust ng gawi batay sa status ng pahintulot:

  • Google tag
  • Google Analytics
  • Google Ads*
  • Floodlight
  • Linker ng Conversion

* sumusuporta sa pagsubaybay sa conversion at iyong mga segment ng data; nakabinbin ang suporta para sa mga conversion ng Tawag sa Telepono.

Kung gagawa ka ng mga tag na walang naka-built in na pagsusuri ng pahintulot, puwede kang magdagdag ng mga pagsusuri sa Tag Manager. Gamitin ang configuration ng tag na Advanced > Mga Setting ng Pahintulot. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng pahintulot sa Tag Manager

Para sa mga detalye kung ano ang gawi ng mga partikular na tag sa consent mode, sumangguni sa Reference sa consent mode.

Magsimula sa consent mode

Mga resulta ng epekto ng consent mode

Pagkatapos mong ipatupad ang consent mode para sa kahit man lang 7 buong araw, posibleng may sapat na data ang Google Ads at Google Analytics para iulat ang pagtaas. Ipapakita lang ang mga numero ng pagtaas kapag natutugunan ng pagtaas ng isang slice ang minimum na threshold ng data. Matuto pa Tungkol sa mga resulta ng epekto ng consent mode

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6066892827213924690
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false