Mag-block o mag-unblock ng mga account ng mga tao

Para maiwasan ang mga hindi gustong pakikipag-ugnayan, puwede kang mag-block ng ibang user sa mga partikular na produkto ng Google, tulad ng Google Chat at Photos. Kapag nag-block ka, nagba-block ka ng isang partikular na Google Account.

Para mag-block ng account ng ibang tao, gamitin ang pagkilos na "I-block" sa isa sa mga produktong ito.

Gamitin ang Google Chat para mag-block ng account

Kapag nag-block ka ng tao sa Google Chat (chat.google.com), maba-block ang account ng taong iyon sa lahat ng produktong nakalista sa page na ito.

Alamin kung paano mag-block ng mga user sa Google Chat.

Gamitin ang Google Photos para mag-block ng account

Kapag nag-block ka ng tao sa Google Photos, maba-block din ang account ng taong iyon sa lahat ng produktong nakalista sa page na ito.

Alamin kung paano mag-block ng mga user sa Google Photos.

Gamitin ang Google Maps para mag-block ng account

Mag-block ng profile ng user

Puwede kang gumamit ng mobile device para mag-block ng tao para hindi niya makita ang iyong profile sa Maps. Hindi ipapaalam sa kanya ng Google Maps na na-block mo siya. Kapag nag-block ka ng profile ng user sa Google Maps, maba-block din ang account ng taong iyon sa lahat ng produktong nakalista sa page na ito.

Mahalaga: Posible pa ring makita ng mga taong iba-block mo ang iyong mga kontribusyon sa Google Maps, pero hindi nila makikita ang mga ito sa profile mo. Gayundin, kung hindi naka-sign in ang naka-block na user sa account na na-block mo, makikita niya ang iyong mga kontribusyon.

  1. Buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Mag-navigate papunta sa profile ng user na gusto mong i-block. Makakakita ka ng mga profile ng user:
    • Sa itaas ng isang post o review ng user na iyon.
    • Sa iyong tab na "Sinusubaybayan," kung sinusubaybayan mo sila.
    • Sa iyong tab na "Mga Tagasubaybay," kung sinusubaybayan ka nila.
    • Sa seksyong "Para sa iyo." I-tap ang kanyang larawan sa profile.
  3. Sa tabi ng pangalan niya, i-tap ang Higit pa Higit paat pagkatapos ay I-block ang user.

Tip: Kung may sinusubaybayan kang tao at ayaw mo nang makita ang kanyang content, puwede mo siyang huwag nang subaybayan sa halip na i-block siya.

Mag-block ng kahilingan sa lokasyon

Kapag nag-block ka ng kahilingan sa lokasyon sa Google Maps, maba-block din ang account ng taong iyon sa lahat ng produktong nakalista sa page na ito.

Alamin kung paano magbahagi ng data ng lokasyon at mag-block ng mga kahilingan sa lokasyon sa Google Maps.

Gamitin ang YouTube para mag-block ng account

Kapag nag-block ka ng tao sa YouTube, maba-block din ang account ng taong iyon sa lahat ng produktong nakalista sa page na ito.

Makakapag-block ka ng tao sa YouTube sa pamamagitan ng live chat o sa pamamagitan ng iyong inbox ng mga notification, kung may nagbanggit ng channel mo, o kung may nagbahagi ng iyong content sa pamamagitan ng isang post.

Gamitin ang Google Pay India para mag-block ng account

Kapag nag-block ka ng tao sa Google Pay India, maba-block din ang account ng taong iyon sa lahat ng produktong nakalista sa page na ito.

Alamin kung paano mag-block ng tao sa Google Pay India.

Gamitin ang Drive para mag-block ng account

Kapag nag-block ka ng tao sa Google Drive sa computer, maba-block ang account na iyon sa lahat ng produktong nakalista sa page na ito.

Alamin kung paano mag-block ng mga user sa Drive.

Gamitin ang Recorder para mag-block ng account

Kapag nag-block ka ng tao sa Recorder, maba-block din ang account ng taong iyon sa lahat ng produktong nakalista sa page na ito.

Alamin kung paano mag-block ng mga user sa Recorder.

Gamitin ang Meet para mag-block ng account

Kapag nag-block ka ng isang tao sa Meet, maba-block din ang kanyang account sa lahat ng produktong nakalista sa page na ito.

Alamin kung paano mag-block ng mga user sa Meet.

Maghanap ng mga naka-block na account o mag-unblock ng isang tao

  1. Sa iyong computer, sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang iyong Larawan sa profile o inisyal at pagkatapos ay Pamahalaan ang iyong Google Account.
  2. I-click ang Mga tao at pagbabahagi.
  3. Sa seksyong "Mga Contact," i-click ang Naka-block.
  4. Makakahanap ka ng isang listahan ng mga account na na-block mo mula sa lahat ng produkto ng Google. Para i-unblock ang isang tao, sa tabi ng pangalan ng taong iyon, piliin ang Alisin Alisin

Tip: Hindi kasama sa listahan ng "Mga naka-block na user" ang:

  • Mga account na na-block sa pamamagitan ng mga channel sa YouTube o live chat.
  • Mga naka-block na email address.
  • Mga numero ng teleponong na-block mo gamit ang phone app ng iyong Android phone o iPhone.

Mag-block ng email address o numero ng telepono

Bukod pa sa pag-block sa Google Account ng isang user, posibleng may opsyon ka ring i-block ang numero ng telepono o email ng isang tao. Ang mga pag-block na ito ay hindi nagba-block sa mga user sa lahat ng produkto ng Google na nakalista sa page na ito. Halimbawa, puwede mong gawin ang mga sumusunod:

Hindi ipinapakita sa seksyong "Mga naka-block na user" ng iyong account ang mga naka-block na email address sa Gmail at mga numero ng telepono na naka-block sa phone app mo. Hindi rin magkakaroon ng bisa ang mga ito sa lahat ng produkto ng Google.

Ipinapakita sa seksyong “Mga naka-block na user” ng iyong account ang mga numero ng telepono na naka-block sa Google Fi, Google Voice, o Google Meet. Nagkakabisa ang mga ito sa Google Fi, Google Voice, at Google Meet, pero hindi sa iba pang produkto ng Google.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18424811167934802408
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false