Tingnan, i-share, o i-hide ang iyong mga nangungunang track, artist, playlist, at music video

Puwede mong tingnan ang iyong mga nangungunang track, artist, playlist, at music video sa page ng channel mo sa YouTube Music. Bilang default, pribado ang mga istatistikang ito. Puwede mong isapubliko ang mga ito mula sa page ng mga setting ng channel sa YouTube Music.

Nakabatay ang iyong nangungunang musika sa history ng panonood mo sa lahat ng serbisyo ng YouTube. Halimbawa, naaapektuhan ng madalas na panonood ng paborito mong music video sa YouTube ang nakikita mo para sa iyong mga nangungunang track, artist, at music video sa page ng channel mo sa YouTube Music. Araw-araw na nire-refresh ang iyong mga istatistika.

Puwede mong tingnan at i-edit ang iyong history ng panonood anumang oras.

Tingnan ang iyong mga istatistika

Puwede mong makita ang iyong mga nangungunang artist, kanta, playlist, at music video sa pamamagitan ng pagpunta sa iyong page ng channel sa YouTube Music:

  • Pumunta sa YouTube Music.
  • Piliin ang icon ng profile mo  > Iyong Channel

I-share ang iyong mga istatistika

Para i-share ang iyong mga istatistika, pumunta sa page ng mga setting ng channel mo at gawing pampubliko ang isang istatistika mula sa pagiging pribado:

  • Pumunta sa YouTube Music.
  • Piliin ang icon ng iyong profile  > Mga Setting.
  • Piliin ang Privacy at lokasyon > Mga setting ng channel.
  • Sa tabi ngI-enable ang mga pampublikong istatistika,” piliin ang toggle para i-on ito.
  • Piliin ang I-enable para kumpirmahin.

Puwede mong tingnan kung aling istatistika ang nakatakda sa pampubliko at alin ang pribado sa pamamagitan ng pagpunta sa page ng mga setting ng channel anumang oras.

I-hide ang iyong mga istatistika

Kapag na-share mo ang iyong mga istatistika, lalabas ang iyong mga nangungunang artist, track, playlist, at video sa page ng iyong channel sa YouTube Music. Para i-hide ang mga ito, gawing pribado ang mga ito:

  • Pumunta sa YouTube Music.
  • Piliin ang icon ng iyong profile  > Mga Setting.
  • Piliin ang Privacy at lokasyon > Mga setting ng channel.
  • Sa tabi ngI-enable ang mga pampublikong istatistika,” pindutin ang toggle para i-off ito.

Puwede ka ring mag-hide ng mga indibidwal na istatistika. Para gawin ito, tiyakin munang pampubliko ang iyong mga istatistika, at pagkatapos ay pumunta sa iyong mga advanced na setting: 

  • Pumunta sa YouTube Music.
  • Piliin ang icon ng iyong profile  > Mga Setting.
  • Piliin ang Privacy at lokasyon > Mga setting ng channel.
  • Sa tabi ngI-enable ang mga pampublikong istatistika,” piliin ang toggle para i-on ito.
  • Piliin ang I-enable para kumpirmahin. Ididirekta ka pabalik sa page ng mga setting ng channel.
  • Sa mga setting ng channel, piliin ang Mga Advanced na Setting ng Privacy para makita ang iyong mga advanced na setting.
  • Piliin ang toggle sa tabi ng isang uri ng content para ma-hide ang istatistika sa page ng iyong channel.

Tandaan: 

  • Kapag ginawa mong pampubliko ang iyong mga istatistika, makikita ng kahit na sino ang iyong mga pampublikong istatistika. Lalabas sa channel mo ang iyong mga pampublikong istatistika nang hanggang 2 taon, maliban na lang kung iha-hide mo ang mga ito.
  • Kung gusto mong gawing pribado ang iyong mga istatistika, puwede mo itong gawin anumang oras sa pamamagitan ng pagpunta sa page ng mga setting ng iyong channel.
  • Hindi ipapakita ang iyong mga hindi nakalista at pribadong playlist sa publiko sa mga pampublikong istatistika sa page ng channel mo kahit kailan, bagaman puwede mong tingnan ang iyong mga pribadong playlist sa pribadong view mo ng page ng iyong channel.
  • Puwede mong tingnan at i-edit ang iyong history ng panonood anumang oras. Matuto pa tungkol sa kung paano mo matitingnan, made-delete, o mapo-pause ang iyong history ng panonood sa YouTube Music.
  • Makikita sa iyong mga istatistika ang anumang pagbabago sa history ng panonood. Araw-araw na nire-refresh ang mga istatistika.
  • Para matuto pa tungkol sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube, at sa content na pinapayagan namin sa aming platform, bisitahin ang page na ito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
122647901168755137
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5030828
false
false