Profile sa YouTube Kids vs. Google Account para sa mga bata

Profile sa YouTube Kids

Ano ang profile sa YouTube Kids?

Ang profile sa YouTube Kids ay isang profile sa Google Account ng magulang. Available lang ang mga profile kapag naka-sign in ang magulang sa YouTube Kids gamit ang kanyang Google Account. Gamit ang profile, hindi maaapektuhan ng history ng paghahanap at panonood ng bata ang history ng paghahanap, history ng panonood, o mga rekomendasyon ng magulang sa iba pang serbisyo ng Google.

Kailan ko ito gagamitin?

Gumagana lang ang mga profile sa YouTube Kids, kaya inirerekomenda naming gumawa ng profile kung YouTube Kids lang ang ginagamit ng iyong anak. Kung gumagamit ang iyong anak ng maraming serbisyo ng Google, inirerekomenda naming gumawa ka ng Google Account para sa mga batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa bansa mo) na pinapamahalaan sa pamamagitan ng Family Link.
Tandaan na ang mga profile at Google Account para sa mga bata ay available lang sa ilang partikular na bansa.

Google Account para sa mga batang wala pang 13 taong gulang

Ano ang Google Account para sa mga bata?

Ang Google Account para sa mga bata ay isang Google Account na gagawin o pamamahalaan mo (ang magulang) para sa iyong anak na wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa bansa mo) gamit ang Family Link.

Kailan ko ito gagamitin?

Kung gusto mong magkaroon ng access ang iyong anak sa maraming produkto ng Google sa labas ng YouTube Kids gaya ng Search, Chrome, at Gmail, puwede kang gumawa ng Google Account para sa kanya.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5422826459894105251
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false