Maunawaan ang data ng mga natatanging manonood mo

Puwede mong gamitin ang data ng natatanging manonood para makakuha ng mas malinaw na ideya sa laki ng iyong audience, o sa tinatantyang bilang ng mga manonood na pumunta para panoorin ang mga video mo sa isang partikular na yugto ng panahon. Nanonood man sila sa computer o mobile, o nanood sila nang mahigit isang beses, binibilang na isang natatanging manonood iyon.

Tandaang ginawa ang mga sukatang ito para makapagbigay ng pangkalahatang ideya tungkol sa iyong audience at naaabot. Puwede mong suriin ang iba mo pang sukatan ng channel at video para makakuha ng pangkalahatang-ideya ng iyong performance.

Sinusukat ng data ang kabuuang naaabot ng isang video sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng mga pagkakataon kung saan posibleng manood ang manonood ng content sa magkakaibang device o kung saan maraming manonood ang gumagamit ng iisang device. Isinasama ng system ang data mula sa mga device at ang naka-sign in at naka-sign out na trapiko para tantyahin ang bilang ng mga manonood.

Para sa kalidad ng data, available ang kabuuang bilang ng mga natatanging manonood sa mga yugto ng panahon na hanggang 90 araw. Puwede kang maghambing ng iba't ibang 90 araw na timeframe para makita ang mga pagbabago sa paglipas ng panahon. Available ang data para sa mga natatanging manonood mula Agosto 1, 2017.

Hanapin ang data ng mga natatanging manonood mo

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang Menu, piliin ang Analytics.
  3. I-click ang tab na Audience para tingnan ang iyong Mga natatanging manonood.

FAQ tungkol sa mga natatanging manonood

Paano ko magagamit ang data na ito?
Ilang paraan kung paano mo magagamit ang data tungkol sa "Mga natatanging manonood:"
  • Puwede mong tingnan ang iyong average na bilang ng mga natatanging manonood na nanood sa iyong channel sa pamamagitan ng pagtingin sa sukatang “Mga average na panonood bawat manonood” sa tab na TUMINGIN PA.
  • Ihambing ang laki ng iyong audience sa subscriber base mo at tukuyin ang mga video na nakatulong sa iyong magkaroon ng mas malawak na audience bukod pa sa mga subscriber mo.
  • Tukuyin ang mga sitwasyon kung saan nakahimok ang iyong video ng bagong audience base sa pamamagitan ng paghahambing ng mga natatanging manonood ng channel mo bago at pagkatapos i-publish ang video.
  • Puwede mong gamitin ang impormasyong ito para maging gabay sa iyong diskarte sa content.
Bakit ako nakakakita ng mas kaunting natatanging manonood kaysa kapag pinagsama-sama ko ang mga manonood para sa aking mga video?
Kung manonood ng mahigit isang video ang isang manonood sa iyong channel, lalabas ito bilang isang natatanging manonood para sa bawat isa sa mga video. Pero pagsasama-samahin ang mga panonood na iyon sa isang natatanging manonood para sa iyong channel.
Bakit mas kaunti ang mga natatanging manonood ko kaysa sa bilang ng aking mga subscriber?
Ang bilang ng mga subscriber ay hindi ang pinakatumpak na paraan para tantyahin ang laki ng iyong audience. Ang mga manonood, sa karaniwan, ay naka-subscribe sa dose-dosenang channel at posibleng hindi bumalik para sa bawat bagong ina-upload para sa bawat channel kung saan sila naka-subscribe.
Kung mas kaunti ang iyong mga natatanging manonood kaysa mga subscriber, posibleng ito ay dahil hindi na-on ng mga subscriber ang mga notification sa channel, o hindi nila kaagad pinapanood ang mga pinakabago mong upload.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12690014442870311769
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
102809
false
false