Pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman sa privacy sa mga YouTube app

Mahalaga sa lahat ng ginagawa namin ang pagpapanatili sa iyong kaligtasan — pangako naming maging transparent tungkol sa data na ginagamit namin habang binibigyan ka ng opsyon at kontrol dito.

Nakakatulong ang data na ibinibigay mo sa Google at YouTube para mapaganda namin ang iyong karanasan kapag ginagamit mo ang aming mga serbisyo. Makokontrol mo ang iyong mga setting ng privacy sa YouTube sa pamamagitan ng pagbisita sa Iyong Data sa YouTube o sa Google Account mo.

Paano puwedeng gamitin ng YouTube ang data na naka-link sa iyong account

Ginagamit ng YouTube ang iyong data para pagandahin ang karanasan mo, gaya ng pagpapaalala sa iyo ng mga napanood mo na, at pagbibigay sa iyo ng mga mas may kaugnayang rekomendasyon at resulta ng paghahanap. Puwede ring gamitin ang iyong aktibidad at impormasyon para i-personalize ang mga ad sa YouTube at iba pang Serbisyo ng Google. Puwede mong pamahalaan o i-off ang data ng aktibidad sa Iyong Data sa YouTube.

Paano puwedeng gamitin ng YouTube ang pinagsama-samang data

Para patuloy na mapahusay ang aming mga serbisyo, gumagamit kami ng naka-anonymize at pinagsama-samang data sa YouTube para mapaganda ang karanasan para sa lahat ng user. Halimbawa, gumagamit kami ng mga diagnostic para maunawaan ang kaayusan ng YouTube app, makapag-ayos ng mga bug, at mapabuti ang bilis at performance.

Paano tumutulong ang YouTube na kontrolin ang iyong privacy at seguridad

Patuloy kaming nagsisikap para mapanatili ang iyong kontrol sa sarili mong privacy at seguridad sa YouTube — sa pamamagitan man ng pagtulong sa iyong pamahalaan ang mga setting mo gamit ang mga proactive na tool, o pagpapadali sa paggamit ng mga setting na iyon sa aming mga produkto. Halimbawa, nagbibigay kami ng mga tool sa pag-minimize ng data tulad ng awtomatikong i-delete, kung saan mapipili mo kung gusto mong awtomatikong i-delete ng YouTube ang iyong data pagkalipas ng partikular na haba ng panahon. Puwede mong pamahalaan ang data ng iyong aktibidad sa Iyong Data sa YouTube.

Paano puwedeng gamitin ng YouTube ang iyong history ng paghahanap at panonood, at paano mo ito makokontrol

Ginagamit ng YouTube ang history ng paghahanap at panonood para mapaganda ang iyong karanasan, halimbawa, para mapadali para sa iyo na mahanap ang mga video na pinanood mo kamakailan o pagandahin ang mga inirerekomenda sa iyo. Puwede ring gamitin ang history ng panonood at paghahanap para makapagpakita ng mga ad na may kaugnayan at kapaki-pakinabang sa iyo. Puwede mong tingnan o i-delete ang data mula sa iyong history ng paghahanap at panonood sa Iyong Data sa YouTube para gawing mas nauugnay sa iyo ang mga rekomendasyon at ad. Kung kaunti lang ang laman ng iyong history ng panonood, aalisin ang mga feature ng YouTube na nakadepende sa history ng panonood mo para magbigay ng mga rekomendasyon sa video, gaya ng mga rekomendasyon sa homepage ng YouTube.
Bisitahin ang Iyong Data sa YouTube para pamahalaan kung anong data ng aktibidad ang mase-save sa Google Account mo. Puwede mo ring i-browse o i-delete ang iyong aktibidad sa YouTube.

Paano puwedeng gamitin ng YouTube ang iyong data ng lokasyon

Puwedeng gamitin ng YouTube ang impormasyon sa lokasyon gaya ng iyong kasalukuyang general area, na tinatantya mula sa iyong IP address, para magpakita sa iyo ng mga lokal na nauugnay na rekomendasyon sa content at mga resulta ng paghahanap. Halimbawa, kung naghahanap ka ng balita o lagay ng panahon sa YouTube, puwedeng kasama sa mga resulta ng iyong paghahanap ang mga nangungunang balita at lokal na lagay ng panahon sa general area mo. Dagdag pa rito, kung pipiliin mong mag-upload ng mga video, ang iyong impormasyon sa lokasyon, gaya ng general area mo kapag nag-upload ka ng video, o ang lokasyon kung saan mo na-tag ang video ay posible ring gamitin para irekomenda ang iyong content sa mga lokal na nauugnay na audience.

Ang isang general area ay mas malaki sa 3 sq km at mayroon itong hindi bababa sa 1,000 user. Hindi ka matutukoy sa general area ng iyong paghahanap. Sa halip, nakakatulong ang general area na maprotektahan ang iyong privacy at karaniwang mas malawak pa ito sa 3 sq km sa labas ng mga lungsod.

Puwede mong tingnan, i-clear, i-off, o piliing awtomatikong i-delete ang iyong History ng Lokasyon sa Iyong data sa YouTube.

Puwede mong malaman pa kung paano ginagamit ang lokasyon sa buong Google, kasama ang para makapagpakita sa iyo ng mga mas kapaki-pakinabang na ad sa YouTube.

Maghanap ng lokal na content sa pamamagitan ng pagdaragdag ng lokasyon sa iyong paghahanap

Kung may hinahanap kang isang partikular na bagay at wala kang nakikitang nauugnay na resulta, subukang magdagdag ng lokasyon sa iyong paghahanap, gaya ng Lagay ng panahon sa Chelsea.

Kontrolin kung anong data at aktibidad ang ginagamit para mag-personalize ng mga ad

Kapag gumamit ka ng mga Google app, makokontrol mo kung anong data at aktibidad ang puwedeng gamitin para mag-personalize ng mga ad o puwede mong i-off nang tuluyan ang pag-personalize ng mga ad. Pinapadali namin ang pagkontrol sa data na ginagamit para mag-personalize sa iyo ng mga ad sa Mga Setting ng Ad. Kabilang sa data na ito ang tinatantya namin tungkol sa iyong mga interes batay sa aktibidad at pakikipag-ugnayan mo sa iba pang advertiser na nakikipag-partner sa amin para magpakita ng ad, at sa impormasyong idinaragdag mo sa iyong Google Account.

Kapag nag-sign in ka sa iyong Google Account, pamahalaan kung paano pine-personalize ang mga ad mo o i-off nang tuluyan ang mga naka-personalize na ad sa iyong Mga Setting ng Ad.

Para matuto pa tungkol sa Google Ads at data, pumunta sa aming Safety Center.

Paano puwedeng gamitin ng YouTube ang iyong personal na impormasyon

Kabilang sa iyong personal na impormasyon ang impormasyon tulad ng pangalan at larawan mo. Puwede mong piliin kung anong personal na impormasyon ang puwedeng makita ng ibang tao sa lahat ng serbisyo ng Google sa pamamagitan ng pamamahala sa personal na impormasyon sa iyong Google Account. Puwedeng magkaroon ng mga form ang ilang ad para makapagbigay ka ng karagdagang impormasyon, tulad ng email address at numero ng telepono, pero opsyonal ang mga ito at hindi kinakailangan para magpatuloy ka sa paggamit ng YouTube.

Hindi ibinebenta ng YouTube ang iyong personal na impormasyon

Hindi kami nagbebenta ng personal na impormasyon kahit kanino. Ginagamit namin ang kinokolekta naming impormasyon para i-customize ang aming mga serbisyo para sa iyo, kabilang ang pagbibigay ng mga rekomendasyon, pag-personalize ng mga resulta ng paghahanap, at paghahatid ng mga nauugnay na ad. Bagama't nakakatulong ang mga ad na itong pondohan ang aming mga serbisyo at magawang libre ang mga ito para sa lahat, hindi namin ibinebenta ang iyong personal na impormasyon.

Paano puwedeng gumamit ng content ang YouTube, tulad ng mga video at larawan, na pipiliin mong i-upload

Ang content lang na pipiliin mong i-upload ang iso-store ng YouTube at ili-link sa iyong channel sa YouTube. Nakabatay sa mga setting ng privacy ng video na pipiliin mo kung sino ang makakakita sa content na ito. Batay sa iyong mga setting ng privacy ng video, puwedeng makita ng o irekomenda sa iba pang manonood ang content na na-upload mo. Matuto pa tungkol sa kung paano baguhin ang iyong mga setting ng privacy ng video dito. Matuto pa tungkol sa kung paano mamahala at mag-edit ng content gamit ang YouTube Studio sa computer o sa mobile device dito.

Ano ang mangyayari sa iyong content at nauugnay na data pagkatapos mong mag-delete ng video

Kung pipiliin mong mag-delete ng video mula sa YouTube, permanenteng made-delete ang video na iyon. Hindi na ito puwedeng i-recover ulit at hindi na mahahanap ang video na iyon sa YouTube. Magiging bahagi pa rin ng mga pinagsama-samang ulat ang data na nauugnay sa video, tulad ng haba ng panonood. Matuto pa tungkol sa kung paano mamahala at mag-edit ng content gamit ang YouTube Studio sa computer o sa mobile device dito. Matuto pa tungkol sa kung paano mag-delete at magpalit ng mga video dito.

Ano ang mangyayari kapag na-delete mo ang iyong channel sa YouTube

Puwede mong piliing isara o i-delete ang iyong channel sa YouTube anumang oras. Permanenteng made-delete ang iyong content, kasama ang lahat ng video, komento, mensahe, at playlist, kapag isinara o na-delete mo ang iyong channel. Hindi ka na  puwedeng magkomento o mag-publish ng content.

Tingnan ang aming Patakaran sa Privacy para sa higit pang detalye sa kung paano kami gumagamit ng data sa YouTube at sa buong Google.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1702580485579585830
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
102809
false
false