Mga sinusuportahang format ng file sa YouTube
Tandaan: Hindi puwedeng i-upload ang mga audio file, tulad ng mga MP3, WAV, o PCM file, para gumawa ng video sa YouTube. Puwede kang gumamit ng software sa pag-edit ng video para i-convert ang iyong audio file sa video. Puwede lang i-upload ang mga audio file bilang mga karagdagang wika para sa iyong video.
Posibleng hindi ka sigurado kung sa aling format ise-save ang iyong video o posibleng makatanggap ka ng mensahe ng error na "invalid ang format ng file" kapag nag-a-upload ka. Kung gayon, tiyaking ginagamit mo ang isa sa mga sumusunod na format:
- .MOV
- .MPEG-1
- .MPEG-2
- .MPEG4
- .MP4
- .MPG
- .AVI
- .WMV
- .MPEGPS
- .FLV
- 3GPP
- WebM
- DNxHR
- ProRes
- CineForm
- HEVC (h265)
Kung gumagamit ka ng format ng file na hindi nakalista sa itaas, gamitin ang troubleshooter na ito para malaman kung paano i-convert ang iyong file.
Para sa higit pang advanced na impormasyon tungkol sa mga format ng file, puwede mong basahin ang artikulong ito tungkol sa mga setting ng pag-encode.
Piliin ang format ng file na gusto mong i-convert.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?