Magtakda ng paalala sa oras ng pagtulog

Bibigyang-daan ka ng paalala sa oras ng pagtulog na magtakda ng mga partikular na oras kung kailan mo gustong makatanggap ng paalalang ihinto ang panonood ng mga video at matulog. Puwede mong itakda ang paalala na lumabas habang pinapanood mo ang video, o kapag natapos ito. 

Sa mga mobile device lang available ang feature na ito.

Tandaan: Para sa mga user na 13-17 taong gulang sa YouTube, nakatakda ang paalala sa oras ng pagtulog sa Naka-on bilang default. Para sa mga user na 18 taong gulang pataas, Naka-off ang default na setting. Puwedeng baguhin ng lahat ng user ang setting na ito anumang oras.

Magtakda ng paalala sa oras ng pagtulog:

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  2. I-tap ang Mga Setting.
  3. I-tap ang Pangkalahatan.
  4. Sa tabi ng Ipaalala sa akin kapag oras na ng pagtulog, i-tap ang switch para I-on  o I-off ito.
    • Kung ililipat mo ito sa Naka-on, pumili ng oras ng pagsisimula at pagtatapos para sa paalala at i-tap ang OK.
Tip: Puwede ka ring magtakda ng mga paalala sa oras ng pagtulog sa pamamagitan ng pag-tap sa iyong larawan sa profile at pagkatapos ay Tagal ng Panonood.

Kung gusto mong tapusin ang panonood mo sa video bago mo makita ang paalala sa oras ng pagtulog, piliin ang Maghintay hanggang sa matapos ko ang video bago ipakita ang paalala kapag nagse-set up.

Puwede mong i-snooze ang iyong paalala sa oras ng pagtulog, na pansamantalang mag-o-off sa paalala nang 10 minuto. Magsisimula ulit ang iyong video nang walang abala. Pagkatapos ng 10 minuto, lalabas ulit ang paalala.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1045976584768463672
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false