Mga Kabanata ng Video

Hinahati-hati ng Mga Kabanata ng Video sa mga seksyon ang isang video, kung saan ang bawat isa ay may indibidwal na preview. Ang mga kabanata ng video ay nagdaragdag ng impormasyon at konteksto sa bawat bahagi ng video at nagbibigay-daan sa iyong madaling mapanood ulit ang iba't ibang bahagi ng video. Puwedeng magdagdag ang mga creator ng sarili nilang mga kabanata ng video para sa bawat na-upload na video o puwede silang umasa sa mga awtomatikong kabanata ng video. Posibleng lumabas ang mga kabanata sa mga transcript. Puwedeng mag-opt out anumang oras ang mga creator sa mga awtomatikong kabanata ng video sa YouTube Studio.

Tandaan: Hindi lahat ng video ay kwalipikado para sa mga awtomatikong kabanata, at hindi lahat ng kwalipikadong video ay magkakaroon ng mga awtomatikong kabanata. Kung may anumang aktibong strike ang channel, o kung posibleng hindi naaangkop sa ilang manonood ang content, hindi magiging available ang feature na mga kabanata ng video.

How to Add Chapters to Your Videos Using Timestamps

Para magdagdag ng sarili mong mga kabanata ng video:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. I-click ang video na gusto mong i-edit.
  4. Sa Paglalarawan, magdagdag ng listahan ng mga timestamp at pamagat.
    • Tiyaking nagsisimula sa 00:00 ang unang timestamp na ililista mo. 
    • Dapat ay may kahit tatlong timestamp na nakalista sa pataas na pagkakasunod-sunod ang iyong video.
    • 10 segundo ang minimum na haba ng mga kabanata ng video.

 5. I-click ang I-SAVE.

Tandaan: Io-override ng opsyong ito ang mga awtomatikong kabanata ng video.

Para gumamit ng mga awtomatikong kabanata ng video:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. I-click ang video na gusto mong i-edit.
  4. I-click ang MAGPAKITA PA at sa ilalim ng Mga Awtomatikong Kabanata, piliin ang “Payagan ang mga awtomatikong kabanata at mahahalagang sandali (kapag available at kwalipikado)”. Bilang default, malalagyan ng check ang box na ito para sa lahat ng bagong pag-upload.Puwede mo ring payagan ang mga awtomatikong kabanata ng video nang maramihan.
  5. I-click ang I-SAVE.
Tandaan: Hindi lahat ng video ay kwalipikado para sa mga awtomatikong kabanata, at hindi lahat ng kwalipikadong video ay magkakaroon ng mga awtomatikong kabanata. Kung may anumang aktibong strike ang channel, o kung posibleng hindi naaangkop sa ilang manonood ang content, hindi magiging available ang feature na mga kabanata ng video.

Para mag-opt out sa paggamit ng mga awtomatikong kabanata ng video:

Para mag-opt out sa mga awtomatikong kabanata ng video para sa isang partikular na video:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. I-click ang video na gusto mong i-edit.
  4. I-click ang MAGPAKITA PA at sa ilalim ng Mga Awtomatikong Kabanata i-unselect ang “Payagan ang mga awtomatikong kabanata (kapag available at kwalipikado)".
  5. I-click ang I-SAVE.
Tandaan: Puwede ka ring mag-opt out sa mga awtomatikong kabanata ng video nang maramihan.

Para mag-opt out sa mga awtomatikong kabanata ng video para sa isang partikular na video:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. I-click ang Mga Setting .
  3. I-click ang Mga default sa pag-upload.
  4. I-click ang Mga advanced na setting, i-uncheck ang  "Payagan ang mga awtomatikong kabanata (kapag available at kwalipikado)".
  5. I-click ang I-SAVE.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9109154169607527570
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false