Tungkol sa pag-verify ng advertiser

Sa artikulong ito

Tungkol sa advertiser na ito

Inaatasan ng Google ang mga advertiser na kumumpleto ng proseso ng pag-verify sa pagkakakilanlan. Sa proseso na ito, kinakailangang magbigay ang mga advertiser ng legal na dokumentasyong may pangalan at lokasyon nila. Makikita mo ang mga paghahayag ng ad na ito sa mga serbisyo ng Google, tulad ng Search at YouTube, at sa iba pang site na nakikipag-partner sa Google.

Matuto pa tungkol sa proseso ng pag-verify ng pagkakakilanlan ng advertiser

Sa Google

Para matuto pa tungkol sa isang advertiser sa mga serbisyo ng Google, tulad ng Search at YouTube:

  1. Sa ad,   piliin ang  Higit Pa Impormasyon .
  2. Piliin ang Tungkol sa advertiser na ito.

Sa mga site at app na nakikipag-partner sa Google

Para matuto pa tungkol sa isang advertiser sa mga site at app na nakikipag-partner sa Google:

  1. Sa ad,  piliin ang Isara o Adchoices .
  2. Piliin ang Bakit ipinapakita ang ad na ito?

Paano ka pinoprotektahan ng Google mula sa mga mapanlinlang na ad

Dapat kang maging kampanteng hindi mapanloko o mapanlinlang ang mga ad. Nagbibigay-daan sa amin ang mga patakaran at teknolohiya ng Google na mapigilan at maalis ang bilyon-bilyong nakakasamang ad sa internet bawat taon.

Para makatulong na mapigilan ang panloloko at pang-aabuso, may mga patakaran at programa kami para sa ilang partikular na uri ng mga produkto o serbisyo. Para makapagpakita ng mga ad para sa mga produkto o serbisyong ito, kailangang patunayan ng mga advertiser na may lisensya sila o nakarehistro sila sa naaangkop na organisasyon.

Halimbawa, mayroon kaming mga programa ng certification para sa mga advertiser na gustong magpakita ng mga ad para sa pangangalangang pangkalusugan at gamot, pagsusugal, mga pampinansyal na serbisyo, at iba pang paksa. Batay sa paksa, puwede kaming makipagtulungan sa mga eksperto para kumpirmahing natutugunan ng advertiser ang mga kasalukuyang pamantayan para sa kanyang industriya at kung may naaangkop siyang lisensya. Nakadepende rin ang maipapakita ng mga advertiser sa mga batas o patakaran sa bansa kung nasaan ang advertiser o kung saan siya magpapakita ng mga ad.

Mga patakaran sa pag-advertise ng Google

Mga patakaran sa pag-personalize ng ad

Nagpapakita ang mga advertiser ng mga ad sa Google sa buong mundo. Ang ilan sa aming mga patakaran ng advertiser ay batay sa kung nasaan advertiser o kung saan lalabas ang kanyang mga ad.

Kapag hindi sinusunod ng isang advertiser ang mga kinakailangang patakaran, puwedeng ihinto ng Google ang pagpapakita ng kanyang mga ad o suspindihin ang account niya.

Matuto pa tungkol sa mga patakaran sa pag-personalize ng ad na dapat sundin ng mga advertiser.

Mga pamantayan sa pag-advertise

Mga patakaran sa pampolitikang ad

Sinusuportahan ng Google ang responsableng pampolitikang pag-advertise at mayroon itong iba't ibang kinakailangan para sa ganoong mga uri ng mga ad batay sa mga panrehiyon o lokal na legal na kinakailangan.

Matuto pa tungkol sa aming patakaran sa pampolitikang content.

Matuto pa tungkol sa mga advertiser na ito sa Transparency Report sa Pampolitikang Pag-advertise.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
309551603040025677
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false