Ang patas na paggamit ay isang legal na doktrinang nagsasaad na puwede mong gamitin ulit ang materyal na pinoprotektahan ng copyright sa ilalim ng ilang partikular na sitwasyon nang hindi humihingi ng pahintulot mula sa may-ari ng copyright.
Mga alituntunin sa patas na paggamit
May magkakaibang panuntunan ang iba't ibang bansa tungkol sa kung kailan puwedeng gumamit ng materyal nang walang pahintulot mula sa may-ari ng copyright. Halimbawa, sa United States, ang mga gawang komentaryo, kritisismo, pananaliksik, pagtuturo o pagbabalita ay puwedeng ituring na patas na paggamit. May mga kaparehong konsepto ang ilang bansa na tinatawag na patas na transaksyon na posibleng iba ang proseso.
Tinitingnan ng mga hukuman ang mga potensyal na sitwasyon ng patas na paggamit ayon sa impormasyon ng bawat partikular na kaso. Puwede kang humingi ng legal na payo mula sa isang dalubhasa bago mag-upload ng mga video na naglalaman ng materyal na pinoprotektahan ng copyright.
Ang apat na salik ng patas na paggamit
Sa United States, ang mga hukom ang nagpapasya kung ano ang ituturing na patas na paggamit. Isasaalang-alang ng hukom kung paano nalalapat ang apat na salik sa patas na paggamit sa bawat partikular na kaso. Ang apat na salik ng patas na paggamit ay:
1. Ang layunin at katangian ng paggamit, kasama kung ang nasabing paggamit ay komersyal o para sa mga hindi pinagkakakitaang layunin sa pag-aaral
2. Ang katangian ng naka-copyright na gawa
3. Ang halaga at kahalagahan ng bahaging ginamit kaugnay sa naka-copyright na likha sa kabuuan
4. Ang epekto ng paggamit sa potensyal na market, o halaga, ng naka-copyright na gawa
Halimbawa ng patas na paggamit
Donald Duck Meets Glenn Beck in Right Wing Radio Duck |
"Donald Duck Meets Glenn Beck in Right Wing Radio Duck"ginawa ng rebelliouspixels Pinagsasama-sama ng remix na ito ang maiikling clip mula sa iba't ibang source na materyal. Gumagawa ang mga remix ng bagong mensahe tungkol sa epekto ng mga nakakagalit na pananalita sa mga panahong may krisis sa ekonomiya. Maituturing na patas na paggamit ang mga likhang gumagawa ng bagong kahulugan para sa source na materyal. |
Proteksyon para sa patas na paggamit ng YouTube
Nakakatanggap ang YouTube ng maraming kahilingan sa pagtanggal para alisin ang mga video na kine-claim ng mga may-ari ng copyright na lumalabag sa batas sa copyright. Kung minsan, tina-target ng mga kahilingang ito ang mga video na mukhang malilinaw na halimbawa ng patas na paggamit. Nakapagpasya ang mga hukuman na dapat isaalang-alang ng mga may-ari ng copyright ang patas na paggamit bago sila magpadala ng abiso sa pagtanggal dahil sa copyright. Dahil dito, madalas naming hinihiling sa mga may-ari ng copyright na kumpirmahin kung ginawa na nila ang pagsusuring ito.
Sa mga bihirang sitwasyon, hinihiling namin sa mga creator na sumali sa isang inisyatiba na pumoprotekta sa ilang halimbawa ng “patas na paggamit” sa YouTube mula sa mga kahilingan sa pagtanggal dahil sa copyright. Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, babayaran ng YouTube ang mga creator na may mga video na maituturing na patas na paggamit na napapailalim sa mga abiso sa pagtanggal, nang hanggang $1 milyon sa mga legal na gastusin kung sakaling magresulta ang kahilingan sa pagtanggal sa pagdedemanda dahil sa paglabag sa copyright. Layunin ng inisyatibang ito na tiyaking magkakaroon ng pagkakataon ang mga creator na ito na protektahan ang kanilang gawa. Nilalayon din nitong mapahusay ang larangan ng pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagtuturo ng kahalagahan at mga limitasyon ng patas na paggamit.
Mga halimbawa ng proteksyon para sa patas na paggamit ng YouTube
Kinakatawan ng mga halimbawang video na ito ang maliit na bahagi ng malaking bilang ng mga kahilingan sa pagtanggal dahil sa copyright na natatanggap namin. Kinakatawan lang din ng mga ito ang ilan sa malaking bilang ng mga video ng potensyal na patas na paggamit na napapailalim sa mga pagtanggal.
Bawat taon, makakapag-alok ang YouTube ng proteksyon para sa patas na paggamit sa ilang video lang, na pinipili batay sa maraming salik. Sa pangkalahatan, pinipili namin ang mga video na pinakanaglalarawan sa patas na paggamit batay sa apat na salik ng patas na paggamit na nakalista sa itaas.
Mga ibinalik na video
Bagama't hindi makakapag-alok ang YouTube ng legal na pagtatanggol para sa lahat, nananatili kaming maingat tungkol sa mga abiso sa pagtanggal na nakakaapekto sa lahat ng creator. Posibleng alam mo ang ilang natatanging kaso kung saan hiniling namin sa mga may-ari ng copyright na isaalang-alang ulit ang mga pagtanggal at ibalik ang mga video na may patas na paggamit. Halimbawa:
- Ang video na ito na ginawa ng Young Turks, na nagpapakita ng maiikling clip mula sa isang patalastas na pinupuna ng marami bilang bahagi ng pag-uusap tungkol sa kung bakit ito ikinagalit ng mga manonood.
- Ang videona ito ng Secular Talk, na pumupuna sa isang politiko dahil sa pag-eendorso ng hindi napatunayang paggamot sa diabetes.
- Buffy vs Edward: Twilight Remixed -- [orihinal na bersyon], isang remix na video na nagkukumpara sa mga paraan ng pagpapakita sa mga kababaihan sa dalawang gawang may kaugnayan sa bampira na naka-target sa mga teenager.
- Ang "No Offense", isang video na na-upload ng National Organization for Marriage, na gumagamit ng clip ng isang celebrity bilang halimbawa ng bastos na pag-uugali.
Higit pang impormasyon
Kung gusto mong matuto pa tungkol sa patas na paggamit, maraming available na resource online. Binanggit lang ang mga sumusunod na site para sa layuning makapagbigay ng kaalaman at hindi ineendorso ng YouTube ang mga ito:
- Ang “Code ng Pinakamahuhusay na Kagawian sa Patas na Paggamit para sa Online Video” ng Center for Media and Social Impact
- Ang detalyadong pagpapaliwanag tungkol sa Apat na Pamantayan ng Digital Media Law Project
- Ang index sa patas na paggamit ng US Copyright Office