Sa YouTube Analytics, puwede mong i-click ang ADVANCED MODE o TUMINGIN PA sa ibaba ng mga ulat para makakuha ng partikular na data, maghambing ng performance, at mag-export ng data.
Analytics "Advanced Mode" in YouTube Studio
Gamitin ang pinalawak na ulat
Itugma ang mga bilang ng sumusunod na feature sa larawan sa itaas para malaman kung paano gamitin ang naka-expand na ulat.
1. Lumipat para makita ang analytics para sa isang partikular na video, grupo, o playlist. 2. I-filter ang data ayon sa geography, status ng subscription, at higit pa. 3. Baguhin ang sukatan sa chart. 4. Pumili ng pangalawang sukatan. 5. Pumili ng dimensyon para hatiin ang iyong data sa ibang paraan. 6. I-export ang iyong ulat. 7. Paghambingin ang iba't ibang video, grupo, o yugto ng panahon. |
8. Baguhin ang hanay ng petsa. 9. Tumingin ng higit pang dimensyon. 10. Baguhin ang uri ng chart. 11. Magpalipat-lipat sa pang-araw-araw, lingguhan, buwanan, at taunang panonood. 12. Itapat ang cursor sa chart para sa higit pang detalye. 13. Magdagdag ng sukatan sa talahanayan. 14. Pumili ng partikular na video. |
I-filter ayon sa geography
Gamitin ang filter na Geography para makakuha ng data para sa isang partikular na geography.
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Analytics.
- Sa ilalim ng ulat, i-click ang ADVANCED MODE o TUMINGIN PA.
- Sa itaas ng page, i-click ang Geography at piliin ang lokasyon/mga rehiyon na gusto mong kunan ng data. Tandaan: Puwede mong i-click ang pumili ng lokasyon/mga rehiyon para tumingin ng breakdown ng partikular na data.
Tumingin ng data ayon sa edad o kasarian
Gamitin ang mga dimensyong Edad ng manonood at Kasarian ng manonood para makita kung gaano karami sa iyong trapiko ang nagmumula sa bawat demograpiko.
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Analytics.
- Sa ilalim ng ulat, i-click ang ADVANCED MODE o TUMINGIN PA.
-
Sa itaas ng page, piliin ang Edad ng manonood para makakita ng data tungkol sa mga edad na 13–65+ na taon o ang Kasarian ng manonood para makakita ng data tungkol sa kasariang Babae, Lalaki, at data na Tinukoy ng user.
Iba pang dimensyon ng data na available sa YouTube Analytics
|
|
|
Tandaan: Puwedeng naka-cross out ang pangalan ng filter kung hindi ito compatible sa kasalukuyang view, o kung hindi sapat ang trapiko ng iyong video. Matuto pa tungkol sa mga bago at bumalik na manonood.
Iba pang opsyon sa pinalawak na ulat
I-edit ang chart
Baguhin ang sukatan sa chart
Gumawa ng multi-line na chart
I-edit ang talahanayan
Kumuha ng higit pang detalye para sa isang indibidwal na row
Magdagdag o mag-alis ng mga sukatan sa talahanayan
Iba pang opsyon
Magpalipat-lipat ng mga video
Maghambing ng performance
Mag-export ng data
Mag-export ng data para sa channel o video
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Analytics.
- Hanapin ang ulat na gusto mong i-download at i-click ang ADVANCED MODE o TUMINGIN PA.
- Isagawa ang anumang pagsasaayos na gusto mo sa ulat.
- Sa itaas, piliin ang I-export ang kasalukuyang view at piliin ang gusto mong format ng file.
Para makasunod sa GDPR, mayroon kaming bagong patakaran sa pagpapanatili ng data. Made-delete ang mga ulat mula sa CMS at sa Reporting API 60 araw matapos i-publish ang mga ito sa UI. Magiging available ang mga ulat sa dating data sa Reporting API sa loob ng 30 araw mula sa panahon ng pagbuo sa mga ito.
Na-delete na content sa YouTube Analytics
Aalisin ng YouTube ang mga na-delete na video, playlist, at channel sa YouTube Analytics, at ang YouTube Analytics API kapag hiniling mo ito. Mabibilang pa rin sa mga pinagsama-samang istatistika at kabuuan ang data mula sa mga na-delete na item. Para makakuha ng tumpak na bilang, gamitin ang mga kabuuan sa YouTube Analytics.
Mga Grupo
Gumawa at mamahala ng mga grupo
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Analytics.
- I-click ang ADVANCED MODE o TUMINGIN PA para tingnan ang pinalawak na ulat sa analytics.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang pangalan ng iyong channel sa search bar.
- Gumawa ng grupo:
- Piliin ang tab na Mga Grupo, at pagkatapos, piliin ang GUMAWA NG BAGONG GRUPO.
- Maglagay ng pangalan para sa iyong grupo, pumili ng mga video, at I-save.
- Pamahalaan ang mga grupo:
- Piliin ang tab na Mga Grupo, pagkatapos ay pumili ng grupo.
- Puwede kang mag-edit, mag-delete, at mag-download ng data para sa iyong mga grupo.