Paano gumagana ang mga ad sa YouTube para sa mga sinusubaybayang account at content na itinakda bilang "para sa bata"

Posibleng magbago sa paglipas ng panahon ang mga patakaran sa pag-advertise na para sa bata. Hinihikayat ka naming bumalik paminsan-minsan para mabasa ang mga pinakabagong update.

Para makasunod sa Children’s Online Privacy Protection Act at sa iba pang batas, ipinagbabawal ang mga naka-personalize na ad, remarketing, at iba pang naka-personalize na feature sa pag-target sa YouTube para sa:

Puwedeng maghatid ng mga ad na batay sa konteksto sa YouTube para sa mga sinusubaybayang account at sa content na itinakda bilang para sa bata. Nakabatay ang mga ad na ito sa mga salik na tulad ng mga sumusunod:

  • Content na pinapanood
  • Kasalukuyang paghahanap ng manonood
  • Pangkalahatang lokasyon ng manonood (gaya ng lungsod o estado)

Dapat sumunod ang mga ad sa patakaran sa ad na para sa bata para maging kwalipikadong lumabas sa YouTube para sa mga sinusubaybayang account at sa content na itinakda bilang para sa bata.

Panonood ng mga ad sa content na “para sa bata”

Posible pa ring lumabas ang mga ad na nasa ilang partikular na kategorya sa content na minarkahan bilang “para sa bata.” Posibleng makakita ng ad bumper ang mga manonood ng content na "para sa bata" bago at pagkatapos ipalabas ang isang video ad. Makakatulong itong maalertuhan sila kung kailan magsisimula at matatapos ang isang advertisement. 

Para maunawaan ang mga patakaran ng advertiser tungkol sa mga ad sa content na “para sa bata,” tingnan ang aming patakaran sa ad na “para sa bata”.

Mga patakaran para sa mga advertiser

Hindi puwedeng magpagana ng mga naka-personalize na ad ang mga advertiser sa YouTube para sa mga sinusubaybayang account o kahit sa content na itinakda bilang para sa bata.

Dapat sumunod sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon ang pag-advertise na para sa mga bata o sa content na itinakda bilang para sa bata. Hindi ito puwedeng:

  • Maging mapanlinlang, hindi patas, o hindi naaangkop para sa nilalayong audience nito
  • Gumamit ng anumang third party na tracker o sumubok na mangolekta ng personal na impormasyon

Makikita sa ibaba ang ilang produktong posibleng hindi i-advertise ng mga advertiser sa YouTube para sa mga sinusubaybayang account o content na itinakda bilang para sa bata:

  • Media na hindi naaangkop para sa mga bata: Media (Mga pelikula, palabas sa TV, atbp.) na sensitibong ipakita sa mga user na wala pang 13 taong gulang.
  • Mga video game na hindi naaangkop para sa mga bata: Ipinagbabawal ang mga electronic na video game (at mga may kaugnayang accessory) na puwedeng laruin sa video game console, computer, o ibang electronic device gaya ng cell phone o tablet kung ang rating ng laro sa industriya ay hindi naaangkop para sa mga audience na wala pang 13 taong gulang.
  • Pakikipag-date at mga relasyon: Mga ad para sa mga site ng pakikipag-date, pagpapayo sa pamilya, at mga serbisyo sa pag-aasawa o diborsyo.
  • Pagpapaganda at pagbabawas ng timbang: Mga produktong may kaugnayan sa external na personal na pangangalaga, mga produkto para sa fitness na may kaugnayan sa pagbabawas ng timbang, pagdidiyeta, at nutrisyon.
  • Pagkain at Inumin: Ipinagbabawal ang mga produktong may kaugnayan sa mga nakokonsumong pagkain at inumin, anuman ang naibibigay na nutrisyon ng mga ito.
  • Mga Ilegal o Kontroladong Produkto: Ipinagbabawal ang mga produktong kontrolado o ilegal na i-advertise sa mga bata, kasama na ang Ipinagbabawal na Content at Pinaghihigpitang Content. Kasama rin dito ang mga produktong posibleng magdulot ng panganib sa mga bata.
  • Mga pampulitikang ad: Anumang uri ng mga pampulitikang ad na may bayad, kabilang ang impormasyon tungkol sa mga kandidato sa pulitika o kanilang mga pananaw sa patakaran, mga pulitikal na partido, mga komite sa pangangalap ng pondo o pulitikal na pagkilos o kanilang mga layunin.
  • Mga panrelihiyong ad: Ipinagbabawal ang anumang uri ng mga panrelihiyong ad, hal., mga alok na may kaugnayan sa relihiyon, panrelihiyong paniniwala, kasama na ang mga panrelihiyong paaralan, panrelihiyong aklat, atbp.
  • Mga ad na may kaugnayan sa pang-adult na content: Mga sekswal at pang-mature na content na para sa mga audience na nasa hustong gulang at hindi naaangkop para sa mga user na wala pang 13 taong gulang.
  • Mapanganib na Content: Content na mapanganib at hindi naaangkop para sa mga user na wala pang 13 taong gulang o karaniwang nangangailangan ng patnubay ng nasa hustong gulang.
  • Marahas na Content: Marahas at graphic na content na para sa mga audience na nasa hustong gulang at hindi naaangkop para sa mga user na wala pang 13 taong gulang.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13775047009726513119
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false