Paano bumili ng mga pelikula at palabas sa TV sa computer o mobile device

Para makabili ng mga pelikula at palabas sa TV sa YouTube, dapat ay 18 taong gulang pataas ka na, nasa sinusuportahang bansa, at kailangan mo ng Google Account na may valid na paraan ng pagbabayad.

Tandaan: Hindi lalabas sa iyong Google Play Family Library ang mga pelikulang binili sa YouTube. Matuto pa.

Para bumii ng mga pelikula at palabas sa TV sa computer, mag-sign in sa iyong Google Account at sundin ang mga hakbang na ito sa pagbili:

  1. Bisitahin ang page na Mga Pelikula at Palabas o maghanap sa YouTube ng pelikula o palabas sa TV na gusto mong bilhin o rentahan.
  2. I-click ang button na nagpapakita sa presyo ng pagrenta o pagbili. Posible ring available ang iba't ibang presyo para sa magkakaibang resolution.
  3. Kung may ire-redeem kang kupon, i-click ang 'Ilagay ang pampromosyong code' para ipakita ang field ng pampromosyong code. Ilagay ang iyong code at i-click ang arrow, pagkatapos ay i-click ang naaangkop na button ng pagbili para magpatuloy.
  4. Piliin ang paraan ng pagbabayad na gusto mong gamitin o magdagdag ng bagong paraan ng pagbabayad, pagkatapos ay i-click ang Bilhin para tapusin ang transaksyon.
  5. Kapag pumasok na ang iyong bayad, makakatanggap ka ng kumpirmasyon ng pagbili.
  6. Makikita mo ang lahat ng video na iyong binili sa pamamagitan ng pagbisita sa https://www.youtube.com/purchases habang naka-sign in ka sa account mo.
Mga bagay na dapat tandaan:
  • Para sa mga nirentahang pelikula, available ang iyong pelikula sa tagal ng panahon ng pagrenta na magsisimula sa unang pagkakataong pinanood mo ito. Mapapanood mo ang mga binili nang kahit ilang beses na gusto mo. Tingnan ang aming Mga Panuntunan sa Paggamit para sa higit pang impomasyon.
  • Para sa ilang video, posible ring available ang iba't ibang presyo para sa magkakaibang resolution. Available lang ang pag-playback ng mga HD at UHD na pelikula at palabas sa TV sa ilang partikular na sinusuportahang device at bilis ng internet. Tingnan ang mga kinakailangan sa device ng HD/UHD para sa higit pang impormasyon.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5700615011670161055
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false