Tingnan kung nakatakda ang audience ng iyong video bilang para sa bata

Saan man ang lokasyon mo, legal na kinakailangang sumunod ng mga creator sa Children’s Online Privacy Protection Act at/o iba pang batas. Kinakailangan mong sabihin sa amin kung para sa bata ang iyong mga video. 

Para matulungan kang makasunod, noong Nobyembre 2019, nagdagdag kami ng bagong setting ng audience sa YouTube Studio. Sa setting na ito, puwede mong isaad kung para sa bata ang iyong content o hindi. Puwede mong itakda ang iyong audience:

  • Sa antas ng channel, na magtatakda sa lahat ng iyong content sa hinaharap at sa kasalukuyan bilang para sa bata o hindi. 
  • O kaya, sa antas ng video. Kung pipiliin mo ang opsyong ito, kakailanganin mong itakda ang audience ng bawat kasalukuyan at bagong video bilang para sa bata o hindi. 

Tingnan kung nakatakda ang audience ng iyong video bilang para sa bata

Puwede mong tingnan kung ikaw o ang YouTube ang nagtakda sa iyong video bilang para sa bata. Alamin kung ano ang mangyayari kapag itinakda ang iyong content bilang para sa bata.

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. I-click ang Filter  at piliin ang iyong (mga) filter:
    • Para sa bata (itinakda mo): Ang lahat ng video na itinakda mo bilang para sa bata. 
    • Itinakda bilang para sa bata (ng YouTube): Ang lahat ng video na itinakda ng YouTube bilang para sa bata.
    • Hindi para sa bata: Ang lahat ng video na itinakda mo bilang hindi para sa bata. 
    • Hindi nakatakda: Ang lahat ng video na walng setting na "para sa bata."  

Puwede mo ring tingnan ang mga paghihigpit sa YouTube Studio app sa iyong mobile device.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7346968031333742560
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false