Pag-upload ng video bilang para sa bata gamit ang mga CSV template

Saan man ang lokasyon mo, legal na kinakailangan mong sumunod sa Children’s Online Privacy Protection Act at/o iba pang batas. Kinakailangan mong sabihin sa amin na ang iyong mga video ay para sa bata kung gumagawa ka ng pambatang content. 
 
Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube para pamahalaan ang kanilang naka-copyright na content.

Bilang isang YouTube creator, kinakailangan mong itakda ang mga video sa hinaharap at sa kasalukuyan bilang para sa bata o hindi. Kailangan ng mga creator na itakda ang kanilang audience, kahit na hindi sila gumagawa ng content para sa mga bata. Makakatulong itong matiyak na naiaalok namin ang mga naaangkop na feature sa iyong content. 

Para makatulong sa iyong makasunod, ipinapakilala namin ang isang bagong setting ng audience sa YouTube Studio. Puwede mong itakda ang iyong audience:

  • Sa antas ng channel, na magtatakda sa lahat ng iyong content sa hinaharap at sa kasalukuyan bilang para sa bata o hindi. 
  • O kaya, sa antas ng video. Kung pipiliin mo ang opsyong ito, kakailanganin mong itakda ang bawat kasalukuyang video o video sa hinaharap bilang para sa bata o hindi. 

Mahalaga: Bakit dapat itakda ng bawat creator ang kanilang audience

Kinakailangan ang mga pagbabagong ito bilang bahagi ng pakikipagkasundo sa US Federal Trade Commission (FTC) at NY Attorney General, at makakatulong ang mga ito sa iyong sumunod sa Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at/o iba pang naaangkop na batas. Saanman ang iyong lokasyon, kinakailangan mong sabihin sa amin kung para sa bata o hindi ang iyong mga video. Kung hindi mo maitatakda nang tumpak ang iyong audience, posible kang maharap sa mga isyu sa pagsunod sa FTC o iba pang awtoridad, at posible kaming magsagawa ng pagkilos sa YouTube account mo. Matuto pa tungkol sa pagpapatupad ng FTC sa COPPA.

Tandaan: Gagamit din kami ng machine learning para makatulong sa aming matukoy ang mga video na malinaw na nakadirekta sa mga batang audience. Naniniwala kaming itatakda ng mga creator ang kanilang content nang tumpak, pero puwede naming i-override ang iyong piniling setting ng audience kung sakaling may error o pang-aabuso. Gayunpaman, huwag umasa sa aming mga system na magtakda ng content para sa iyo. Puwedeng hindi matukoy ng aming mga system ang content na itinuturing na para sa bata ng FTC o ng iba pang awtoridad. Kung kailangan mo ng tulong sa pagtukoy kung para sa bata ang iyong content o hindi, tingnan ang artikulong ito sa Help Center o kumonsulta sa legal na tagapayo.

Pag-upload ng video bilang para sa bata gamit ang mga CSV template

Ang mga template na nag-a-update at nag-a-upload ng mga video ay may bagong field na nagbibigay-daan sa mga user na markahan ang isang video bilang para sa bata o hindi para sa bata. Opsyonal o nire-require ang field, depende sa default ng channel na pinili mo para sa channel kung saan ia-upload ang video.

Opsyonal na flag na para sa bata 

Opsyonal ang flag na para sa bata kung ang channel default para sa channel kung saan ka mag-a-upload ng video ay nakatakda sa:
  • “Oo, itakda ang channel na ito bilang para sa bata. Palagi akong nag-a-upload ng content na para sa bata.” 
  • “Hindi, itakda ang channel na ito bilang hindi para sa bata. Hindi ako nag-a-upload ng content na para sa bata.”
Tandaan: Gagamit din kami ng machine learning para makatulong sa aming matukoy ang mga video na malinaw na nakadiretka sa mga batang audience. Naniniwala kaming itatakda ng Mga Creator ang kanilang content nang tumpak, pero puwede naming i-override ang iyong piniling setting ng audience kung sakaling may error o pang-aabuso. Gayunpaman, huwag umasa sa aming mga system na magtakda ng content para sa iyo. Puwedeng hindi matukoy ng aming mga system ang content na itinuturing na para sa bata ng FTC o ng iba pang awtoridad. Kung hindi mo itatakda nang tumpak ang iyong content bilang para sa bata, posibleng may kaharapin kang legal na kahihinatnan o mga kahihinatnan sa YouTube. Kung kailangan mo ng tulong sa pagtukoy kung para sa bata ang iyong content o hindi, tingnan ang artikulong ito sa Help Center o kumonsulta sa legal na tagapayo.

Kung naitakda mo na ang audience mo para sa iyong video at may na-detect ang YouTube na error o pang-aabuso, pero hindi ka sang-ayon dito, puwede mong gamitin ang button na “Magpadala ng Feedback.”

Kinakailangan ng flag na para sa bata 

Kailangan ang flag na para sa bata kung ang channel default para sa channel kung saan ka nag-a-upload ng iyong video ay nakatakda sa:
  • “Gusto kong suriin ang setting na ito para sa bawat video.”
Tandaan: Gagamit din kami ng machine learning para makatulong sa aming matukoy ang mga video na malinaw na nakadiretka sa mga batang audience. Naniniwala kaming itatakda ng Mga Creator ang kanilang content nang tumpak, pero puwede naming i-override ang iyong piniling setting ng audience kung sakaling may error o pang-aabuso. Gayunpaman, huwag umasa sa aming mga system na magtakda ng content para sa iyo. Puwedeng hindi matukoy ng aming mga system ang content na itinuturing na para sa bata ng FTC o ng iba pang awtoridad. Kung hindi mo itatakda nang tumpak ang iyong content bilang para sa bata, posibleng may kaharapin kang legal na kahihinatnan o mga kahihinatnan sa YouTube. Kung kailangan mo ng tulong sa pagtukoy kung para sa bata ang iyong content o hindi, tingnan ang artikulong ito sa Help Center o kumonsulta sa legal na tagapayo.

Kung naitakda mo na ang audience mo para sa iyong video at may na-detect ang YouTube na error o pang-aabuso, pero hindi ka sang-ayon dito, puwede mong gamitin ang button na “Magpadala ng Feedback.”

Ano ang mangyayari kapag itinakdang para sa bata ang iyong content

Kapag itinakdang "para sa bata" ang iyong content, lilimitahan namin ang data na kinokolekta namin sa content na para sa bata para sumunod sa batas. Nangangahulugan ito na idi-disable namin ang ilang feature gaya ng mga komento, notification, at iba pa.

Pinakamahalaga, hindi kami maghahatid ng mga naka-personalize na ad sa content na para sa bata, gaya ng iniaatas ng Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at/o ng iba pang naaangkop na batas. Posibleng magresulta sa pagbaba ng kita ang hindi paghahatid ng mga naka-personalize na ad sa content na para sa bata para sa ilang creator na magmamarka ng kanilang content bilang para sa bata. Alam naming hindi ito magiging madali para sa ilang creator, pero mahahalagang hakbang ito na dapat gawin para matiyak ang pagsunod sa COPPA at iba pang naaangkop na batas. 

Basahin sa ibaba ang isang listahan ng mga apektadong feature:

Kung itinakda mo ang isang video o live stream bilang para sa bata​

Kapag itinakda mo ang iyong audience bilang “para sa bata,” paghihigpitan namin ang ilang partikular na feature para sumunod sa Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at iba pang naaangkop na batas. Kapag nangyari ito, hindi magiging available ang mga sumusunod na feature sa mga indibidwal na video o live stream: 
  • Personal na pag-advertise
  • Mga Komento
  • Watermark ng branding ng channel
  • Button na Mag-donate 
  • Mga card o end screen
  • Live chat o mga donasyon sa live chat
  • Notification bell
  • Pag-playback sa Miniplayer
  • Super Chat o Super Stickers
  • I-save sa playlist 

Tandaan: Hindi na magiging available ang button na "sumali" at ang shelf ng merch ng mga channel membership sa content na itatakda bilang para sa bata.

Kung itakda mo ang iyong channel bilang para sa bata

Kung ang iyong channel ay para sa bata, hindi magkakaroon ang mga video o live stream mo ng anuman sa mga feature sa itaas. Hindi rin magkakaroon ang iyong channel ng mga sumusunod: 
  • Stories
  • Tab na Komunidad sa page ng Channel
  • Notification bell
  • Mga Channel Membership 
Hindi rin magagawa ng iyong mga manonood ang “I-save sa Panoorin sa ibang pagkakataon” o “I-save sa playlist.”

Mga Madalas Itanong (FAQ)

Ano ang mangyayari kung maitakda ko nang mali ang audience ng aking video?

Kinakailangan ang mga pagbabagong ito bilang bahagi ng pakikipagkasundo sa US Federal Trade Commission (FTC) at NY Attorney General, at makakatulong ang mga ito sa iyong sumunod sa Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at/o iba pang naaangkop na batas. Saanman ang iyong lokasyon, kinakailangan mong sabihin sa amin kung para sa bata o hindi ang iyong mga video. Kung hindi mo maitatakda nang tumpak ang iyong content, posible kang maharap sa mga isyu sa pagsunod sa FTC o iba pang awtoridad, at posible kaming magsagawa ng pagkilos sa YouTube account mo. Matuto pa tungkol sa pagpapatupad ng FTC sa COPPA.
Tandaan: Gagamit din kami ng machine learning para makatulong sa aming matukoy ang mga video na malinaw na nakadirekta sa mga batang audience. Naniniwala kaming itatakda ng Mga Creator ang kanilang content nang tumpak, pero puwede naming i-override ang iyong piniling setting ng audience kung sakaling may error o pang-aabuso. Gayunpaman, huwag umasa sa aming mga system na magtakda ng content para sa iyo. Puwedeng hindi matukoy ng aming mga system ang content na itinuturing na para sa bata ng FTC o ng iba pang awtoridad. Kung kailangan mo ng tulong sa pagtukoy kung para sa bata ang iyong content o hindi, tingnan ang artikulong ito sa Help Center o kumonsulta sa legal na tagapayo.

Paano ko malalaman kung naitakda ko nang tama ang audience ng aking video?

Sa kasamaang palad, hindi kami makapagbibigay ng gabay kung naitakda mo nang tumpak ang iyong content bilang para sa bata, pero nagbigay ang FTC ng ilang gabay sa kung ano ang ibig sabihin ng nakadirekta sa bata (o kaya, “para sa bata”). Kasalukuyang pinag-iisipan ng FTC ang iba't ibang update sa COPPA, at puwedeng kasama rito ang pagbibigay ng higit pang gabay sa isyung ito.
Gagamit din kami ng mga machine learning system para matulungan kaming maghanap ng content na malinaw na para sa bata. Pero huwag umasa sa aming mga system para magtakda ng content para sa iyo -- gaya ng lahat ng naka-automate na system, hindi ito perpekto. Puwedeng kailanganin naming i-override ang iyong piniling setting ng audience kung sakaling may ma-detect kaming error o pang-aabuso. Pero kadalasan, aasa kami sa iyong setting ng audience para matukoy kung para sa bata ang isang video. 
Kung hindi mo itakda ang iyong content bilang para sa bata, at sa tingin ng FTC o ng iba pang awtoridad na para sa bata ito, posibleng may kaharapin kang mga legal na kahihinatnan. Kaya tingnan ang artikulong ito sa Help Center o maghanap ng legal na tagapayo kung hindi ka pa rin sigurado kung dapat bang itakda bilang para sa bata ang iyong content o hindi.
Ano ang gagawin ko kung sabihin ng YouTube na para sa bata ang aking video, pero hindi ako sang-ayon dito?
Kung hindi mo pa naitatakda ang audience ng iyong video, posibleng itakda ito ng YouTube para sa iyo. Ito ay para matulungan kang makasunod sa COPPA at/o sa iba pang naaangkop na batas. Kung hindi ka sumasang-ayon sa kung paano itinalaga ng YouTube ang iyong content, gayunpaman, puwede mo pa ring baguhin ang setting ng audience ng video sa karamihan ng kaso. Narito kung paano: 
  1. Pumunta sa studio.youtube.com.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Pumunta sa video na gusto mong i-edit at i-click ang thumbnail.
  4. Sa ilalim ng Audience, piliin ang “Hindi, hindi ito para sa bata”.

 

Kung naitakda mo na ang iyong audience para sa video mo at may na-detect na error o pang-aabuso ang YouTube, may makikita kang marka sa iyong video na “Para sa bata - Itinakda ng YouTube". Hindi mo na mababago ang iyong setting ng audience. Kung hindi ka sumasang-ayon, puwede mong gamitin ang button na "Magpadala ng Feedback."

  1. Sa isang computer, pumunta sa studio.youtube.com.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. I-click ang video na gusto mong padalhan ng feedback.
  4. I-click ang Magpadala ng feedback.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12068639658162573913
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false