Bilang isang YouTube creator, kinakailangan mong itakda ang mga video sa hinaharap at sa kasalukuyan bilang para sa bata o hindi. Kailangan ng mga creator na itakda ang kanilang audience, kahit na hindi sila gumagawa ng content para sa mga bata. Makakatulong itong matiyak na naiaalok namin ang mga naaangkop na feature sa iyong content.
Para makatulong sa iyong makasunod, ipinapakilala namin ang isang bagong setting ng audience sa YouTube Studio. Puwede mong itakda ang iyong audience:
- Sa antas ng channel, na magtatakda sa lahat ng iyong content sa hinaharap at sa kasalukuyan bilang para sa bata o hindi.
- O kaya, sa antas ng video. Kung pipiliin mo ang opsyong ito, kakailanganin mong itakda ang bawat kasalukuyang video o video sa hinaharap bilang para sa bata o hindi.
Mahalaga: Bakit dapat itakda ng bawat creator ang kanilang audience
Kinakailangan ang mga pagbabagong ito bilang bahagi ng pakikipagkasundo sa US Federal Trade Commission (FTC) at NY Attorney General, at makakatulong ang mga ito sa iyong sumunod sa Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at/o iba pang naaangkop na batas. Saanman ang iyong lokasyon, kinakailangan mong sabihin sa amin kung para sa bata o hindi ang iyong mga video. Kung hindi mo maitatakda nang tumpak ang iyong audience, posible kang maharap sa mga isyu sa pagsunod sa FTC o iba pang awtoridad, at posible kaming magsagawa ng pagkilos sa YouTube account mo. Matuto pa tungkol sa pagpapatupad ng FTC sa COPPA.
Tandaan: Gagamit din kami ng machine learning para makatulong sa aming matukoy ang mga video na malinaw na nakadirekta sa mga batang audience. Naniniwala kaming itatakda ng mga creator ang kanilang content nang tumpak, pero puwede naming i-override ang iyong piniling setting ng audience kung sakaling may error o pang-aabuso. Gayunpaman, huwag umasa sa aming mga system na magtakda ng content para sa iyo. Puwedeng hindi matukoy ng aming mga system ang content na itinuturing na para sa bata ng FTC o ng iba pang awtoridad. Kung kailangan mo ng tulong sa pagtukoy kung para sa bata ang iyong content o hindi, tingnan ang artikulong ito sa Help Center o kumonsulta sa legal na tagapayo.
Magtakda ng art track bilang para sa bata o hindi para sa bata
Para itakda ang mga art track bilang para sa bata, gamitin ang isa mga genre na nakalista sa ibaba. Puwedeng magkaroon ng maraming genre ang Mga Art Track. Kung may kahit isang genre sa art track na nasa listahang para sa bata sa ibaba, mamarkahan bilang para sa bata ang art track video. Para isaad na hindi para sa bata ang Art Track, gamitin ang genre na “Hindi para sa Bata.” Mamarkahan din bilang hindi para sa bata ang mga art track na hindi nagsama ng genre na para sa bata mula sa listahan sa ibaba. Hindi puwedeng magkaroon ng parehong genre na “Hindi para sa Bata” at para sa bata ang isang art track.
Mamarkahan din bilang hindi para sa bata ang mga art track na minarkahan bilang "tahasan."
Genre na Hindi para sa Bata
- Hindi para sa Bata
Mga Genre na Para sa Bata
Baby/Maliliit na Bata | Mga Batang Hindi |
Mga Batang Bengali | Pambatang Pansambang Kanta na Indian |
Mga Bata | Bata |
Pambatang Musika | Naaangkop para sa Bata |
Pambatang Kanta | Musika para sa Bata |
Pambata | Kanta para sa Bata |
Mga Pambatang Classic | Musika ng Bata |
Pambatang Folk | Kanta ng Bata |
Pambatang Musika | Pambata |
Pambatang Pop | Pambata at Pampamilya |
Pambatang Rock | Musika para sa Mga Bata |
Pambatang Kanta | Kanta para sa Mga Bata |
Mga Pambatang Songwriter | Pambata/Pampamilya |
Pambata | Pambatang Musikang Korean |
Pambatang Musika | Mga Lullaby |
Pambatang Kanta | Musica Per Bambini |
Pambata: Pampamilya | Nursery Rhyme |
Mga Fairy Tale | Mga Nursery Rhyme |
Pampamilya | Pambatang Musikang Portuguese |
Karaniwang Pambatang Musika | Pambatang Musikang Spanish |
Kung naitakda mo na ang audience mo para sa iyong video at may na-detect ang YouTube na error o pang-aabuso, pero hindi ka sang-ayon dito, puwede mong gamitin ang button na “Magpadala ng Feedback.”
Ano ang mangyayari kapag itinakdang para sa bata ang iyong content
Kapag itinakdang "para sa bata" ang iyong content, lilimitahan namin ang data na kinokolekta namin sa content na para sa bata para sumunod sa batas. Nangangahulugan ito na idi-disable namin ang ilang feature gaya ng mga komento, notification, at iba pa.
Pinakamahalaga, hindi kami maghahatid ng mga naka-personalize na ad sa content na para sa bata, gaya ng iniaatas ng Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at/o ng iba pang naaangkop na batas. Posibleng magresulta sa pagbaba ng kita ang hindi paghahatid ng mga naka-personalize na ad sa content na para sa bata para sa ilang creator na magmamarka ng kanilang content bilang para sa bata. Alam naming hindi ito magiging madali para sa ilang creator, pero mahahalagang hakbang ito na dapat gawin para matiyak ang pagsunod sa COPPA at iba pang naaangkop na batas.
Basahin sa ibaba ang isang listahan ng mga apektadong feature:
Kung itinakda mo ang isang video o live stream bilang para sa bata
- Personal na pag-advertise
- Mga Komento
- Watermark ng branding ng channel
- Button na Mag-donate
- Mga card o end screen
- Live chat o mga donasyon sa live chat
- Notification bell
- Pag-playback sa Miniplayer
- Super Chat o Super Stickers
- I-save sa playlist
Tandaan: Hindi na magiging available ang button na "sumali" at ang shelf ng merch ng mga channel membership sa content na itatakda bilang para sa bata.
Mga Madalas Itanong (FAQ)
Ano ang mangyayari kung maitakda ko nang mali ang audience ng aking video?
Paano ko malalaman kung naitakda ko nang tama ang audience ng aking video?