Pinapadali ng history ng panonood sa YouTube ang paghahanap ng mga video na pinanood mo kamakailan, at, kapag naka-on ito, binibigyang-daan kami nito na magbigay ng mga nauugnay na rekomendasyon sa video. Puwede mong kontrolin ang iyong history ng panonood sa pamamagitan ng pag-delete o pag-off ng history mo. Kung ide-delete mo ang ilan o ang lahat ng iyong history ng panonood, hindi ibabatay ng YouTube sa content na iyon ang mga rekomendasyon sa video sa hinaharap. Hindi lalabas sa iyong history ang anumang video na pinanood mo habang naka-off ang history.
Tingnan ang history ng panonood
- Mag-sign in sa YouTube app.
- I-tap ang iyong larawan sa profile
.
- I-tap ang Mga Setting
Pamahalaan ang lahat ng history.
- Pumili ng isa sa mga sumusunod:
- Maghanap: I-tap ang
para maghanap ng mga partikular na video.
- Kalendaryo: I-tap ang
para tingnan ang iyong history sa partikular na hanay ng petsa.
- Maghanap: I-tap ang
I-delete ang history ng panonood
- Mag-sign in sa YouTube app.
- I-tap ang iyong larawan sa profile
.
- I-tap ang Mga Setting
Pamahalaan ang lahat ng history.
- I-tap ang
sa tabi ng isang video para i-delete ito. Para mag-delete ng higit sa isang video sa iyong history sa bawat pagkakataon, i-click ang I-DELETE.
Tandaan: Sa paggamit ng I-DELETE para ma-delete ang history ng panonood mo, made-delete din ang history ng paghahanap mo sa napiling time frame.
I-pause ang history ng panonood
- Mag-sign in sa YouTube app.
- I-tap ang iyong larawan sa profile
.
- I-tap ang Mga Setting
Pamahalaan ang lahat ng history.
- I-tap ang tab na Mga Kontrol.
- I-unselect ang "Isama ang mga video sa YouTube na pinapanood mo."
I-off o i-delete ang iyong history ng panonood habang naka-sign out
- Pumunta sa YouTube app.
- I-tap ang larawan sa profile
.
- I-tap ang Mga Setting
.
- I-tap ang History at privacy.
- I-tap ang i-clear ang history ng panonood o i-pause ang history ng panonood.
I-pause at i-clear ang history ng panonood sa TV o gaming console
I-pause ang iyong history ng panonood
- Sa kaliwang Menu, pumunta sa Mga Setting
.
- Piliin ang I-pause ang history ng panonood.
- Piliin ang button na I-pause ang history ng panonood.
I-clear ang iyong history ng panonood
- Sa kaliwang Menu, pumunta sa Mga Setting
.
- Piliin ang I-clear ang history ng panonood.
- Piliin ang button na I-clear ang history ng panonood.
Tandaan: Kung kaunti lang ang laman ng iyong history ng panonood, aalisin ang mga feature ng YouTube na nakadepende sa history ng panonood mo para magbigay ng mga rekomendasyon sa video, gaya ng mga rekomendasyon sa homepage ng YouTube. Halimbawa, malalapat ito kung bagong user ka bago ka manood ng anumang video o kung pipiliin mong i-clear at i-off ang iyong history ng panonood.