Itakda ang audience ng iyong channel o video

Bilang creator sa YouTube, nire-require kang itakda ang mga video sa hinaharap at sa kasalukuyan bilang para sa bata o hindi. Kailangan ng mga creator na itakda ang kanilang audience, kahit na hindi sila gumagawa ng content para sa mga bata. Makakatulong itong matiyak na naiaalok namin ang mga naaangkop na feature sa iyong content.

Para makatulong sa iyong sumunod, may mga setting ng audience na para sa bata sa YouTube Studio. Puwede mong itakda ang iyong audience:

  • Sa antas ng channel, na magtatakda sa lahat ng iyong content sa hinaharap at sa kasalukuyan bilang para sa bata o hindi.
  • O kaya, sa antas ng video. Kung pipiliin mo ang opsyong ito, kakailanganin mong itakda ang bawat kasalukuyang video o video sa hinaharap bilang para sa bata o hindi.

Tandaan:

  • Gagawin naming available ang tool sa pagpili ng audience sa mga third-party na application at sa Mga Serbisyo ng YouTube API sa nalalapit na hinaharap. Sa ngayon, pakigamit ang YouTube Studio para mag-upload ng mga content na para sa bata.

Mahalaga: Bakit dapat itakda ng bawat creator ang kanilang audience

Kinakailangan ang mga pagbabagong ito bilang bahagi ng pakikipagkasundo sa US Federal Trade Commission (FTC) at NY Attorney General, at makakatulong ang mga ito sa iyong sumunod sa Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at/o iba pang naaangkop na batas. Saanman ang iyong lokasyon, kinakailangan mong sabihin sa amin kung para sa bata o hindi ang iyong mga video. Kung hindi mo maitatakda nang tumpak ang iyong audience, posible kang maharap sa mga isyu sa pagsunod sa FTC o iba pang awtoridad, at posible kaming magsagawa ng pagkilos sa YouTube account mo. Matuto pa tungkol sa pagpapatupad ng FTC sa COPPA.

Ilang paalala:
  • Gumagamit kami ng machine learning para makatulong sa aming tukuyin ang mga video na malinaw na nakadirekta sa mga mas batang audience. Nagtitiwala kaming tumpak mong itatakda ang iyong audience, pero posibleng i-override namin ang pinili mong setting ng audience kapag nagkaproblema o kapag may pang-aabuso.
  • Huwag umasa sa aming mga system para maitakda ang audience mo para sa iyo dahil posibleng hindi matukoy ng aming mga system ang content na itinuturing na para sa bata ng FTC o iba pang awtoridad.
  • Kung kailangan mo ng tulong sa pagtukoy kung para sa bata ang iyong content o hindi, tingnan itong artikulo sa Help Center o kumonsulta sa legal na tagapayo.
  • Mas malamang na mairekomenda ang mga video na itinakda mo bilang “para sa bata” kasama ng iba pang pambatang video.
  • Kung naitakda mo na ang iyong audience para sa video mo at may na-detect na error o pang-aabuso ang YouTube, posibleng makita mong nakatakda ang iyong video bilang “Itinakdang Para sa Bata." Hindi mo mababago ang setting ng iyong audience. Kung sa tingin mo ay nagkamali kami, puwede kang umapela.
Computer AndroidiPhone at iPad

Itakda ang audience ng iyong channel

Pasimplehin ang iyong workflow sa pamamagitan ng pagpili ng setting ng channel. Maaapektuhan ng setting na ito ang mga kasalukuyang video at mga video sa hinaharap. Kung hindi ka pipili ng setting ng channel, kakailanganin mong tukuyin ang bawat video sa iyong channel na para sa bata. Io-override ng mga setting para sa mga indibidwal na video ang setting ng channel.
Paghihigpitan din nito ang ilang feature sa iyong channel. Kung hindi ka sigurado kung para sa bata ang iyong mga video o hindi, tingnan ang artikulong ito sa Help Center.
  1. Mag-sign in sa studio.youtube.com (Studio sa web lang).
  2. Sa kaliwang menu, i-click ang Mga Setting .
  3. I-click ang Channel.
  4. I-click ang tab na Mga Advanced na Setting.
  5. Sa ilalim ng Audience, piliin ang:
    1. “Oo, itakda ang channel na ito bilang para sa bata. Madalas akong nag-a-upload ng content na para sa bata.”
    2. “Hindi, itakda ang channel na ito bilang hindi para sa bata. Bihira akong nag-a-upload ng content na para sa bata.”
    3. “Gusto kong suriin ang setting na ito para sa bawat video.”
  6. I-click ang I-SAVE.

Ano ang mangyayari kapag itinakdang para sa bata ang iyong content

Nililimitahan namin ang pangongolekta at paggamit ng data sa content na para sa bata para sumunod sa batas. Nangangahulugan itong kailangan naming paghigpitan o i-disable ang ilang partikular na feature gaya ng mga komento, notification, at iba pa.

Pinakamahalaga, hindi kami naghahatid ng mga naka-personalize na ad sa content na para sa bata, gaya ng iniaatas ng Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at/o ng iba pang naaangkop na batas. Posibleng magresulta sa pagbaba ng kita ang hindi paghahatid ng mga naka-personalize na ad sa content na para sa bata para sa ilang creator na magmamarka ng kanilang content bilang para sa bata. Alam naming hindi ito magiging madali para sa ilang creator, pero mahahalagang hakbang ito na dapat gawin para matiyak ang pagsunod sa COPPA at iba pang naaangkop na batas.

Basahin sa ibaba ang isang listahan ng mga apektadong feature:

Mga Madalas Itanong (FAQ)

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

4782056526964953189
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu