Itakda ang audience ng iyong channel o video

Saan man ang lokasyon mo, legal na kinakailangan mong sumunod sa Children’s Online Privacy Protection Act at/o iba pang batas. Kinakailangan mong sabihin sa amin na para sa bata ang iyong mga video kung gumagawa ka ng content na para sa bata.

Bilang isang YouTube creator, kinakailangan mong itakda ang mga video sa hinaharap at sa kasalukuyan bilang para sa bata o hindi. Kailangan ng mga creator na itakda ang kanilang audience, kahit na hindi sila gumagawa ng content para sa mga bata. Makakatulong itong matiyak na naiaalok namin ang mga naaangkop na feature sa iyong content.

Important Update for All Creators: Complying with COPPA

Para makatulong sa iyong sumunod, may mga setting ng audience na para sa bata sa YouTube Studio. Puwede mong itakda ang iyong audience:

  • Sa antas ng channel, na magtatakda sa lahat ng iyong content sa hinaharap at sa kasalukuyan bilang para sa bata o hindi.
  • O kaya, sa antas ng video. Kung pipiliin mo ang opsyong ito, kakailanganin mong itakda ang bawat kasalukuyang video o video sa hinaharap bilang para sa bata o hindi.

Tandaan:

  • Gagawin naming available ang tool sa pagpili ng audience sa mga third-party na application at sa Mga Serbisyo ng YouTube API sa nalalapit na hinaharap. Sa ngayon, pakigamit ang YouTube Studio para mag-upload ng mga content na para sa bata.

Mahalaga: Bakit dapat itakda ng bawat creator ang kanilang audience

Kinakailangan ang mga pagbabagong ito bilang bahagi ng pakikipagkasundo sa US Federal Trade Commission (FTC) at NY Attorney General, at makakatulong ang mga ito sa iyong sumunod sa Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at/o iba pang naaangkop na batas. Saanman ang iyong lokasyon, kinakailangan mong sabihin sa amin kung para sa bata o hindi ang iyong mga video. Kung hindi mo maitatakda nang tumpak ang iyong audience, posible kang maharap sa mga isyu sa pagsunod sa FTC o iba pang awtoridad, at posible kaming magsagawa ng pagkilos sa YouTube account mo. Matuto pa tungkol sa pagpapatupad ng FTC sa COPPA.

Ilang paalala:
  • Gumagamit kami ng machine learning para makatulong sa aming tukuyin ang mga video na malinaw na nakadirekta sa mga mas batang audience. Nagtitiwala kaming tumpak mong itatakda ang iyong audience, pero posibleng i-override namin ang pinili mong setting ng audience kapag nagkaproblema o kapag may pang-aabuso.
  • Huwag umasa sa aming mga system para maitakda ang audience mo para sa iyo dahil posibleng hindi matukoy ng aming mga system ang content na itinuturing na para sa bata ng FTC o iba pang awtoridad.
  • Kung kailangan mo ng tulong sa pagtukoy kung para sa bata ang iyong content o hindi, tingnan ang artikulong ito sa Help Center o kumonsulta sa legal na tagapayo.
  • Mas malamang na mairekomenda ang mga video na itinakda mo bilang “para sa bata” kasama ng iba pang pambatang video.
  • Kung naitakda mo na ang iyong audience para sa video mo at may na-detect na error o pang-aabuso ang YouTube, posibleng makita mong nakatakda ang iyong video bilang “Itinakdang Para sa Bata." Hindi mo mababago ang setting ng iyong audience. Kung sa tingin mo ay nagkamali kami, puwede kang umapela.

Itakda ang audience ng iyong channel

Pasimplehin ang iyong workflow sa pamamagitan ng pagpili ng setting ng channel. Maaapektuhan ng setting na ito ang mga kasalukuyang video at mga video sa hinaharap. Kung hindi ka pipili ng setting ng channel, kakailanganin mong tukuyin ang bawat video sa iyong channel na para sa bata. Io-override ng mga setting para sa mga indibidwal na video ang setting ng channel.
Paghihigpitan din nito ang ilang feature sa iyong channel. Kung hindi ka sigurado kung para sa bata ang iyong mga video o hindi, tingnan ang artikulong ito sa Help Center.
  1. Mag-sign in sa studio.youtube.com (Studio sa web lang).
  2. Sa kaliwang menu, i-click ang Mga Setting.
  3. I-click ang Channel.
  4. I-click ang tab na Mga Advanced na Setting
  5. Sa ilalim ng Audience, piliin ang:
    1. “Oo, itakda ang channel na ito bilang para sa bata. Palagi akong nag-a-upload ng content na para sa bata.” 
    2. “Hindi, itakda ang channel na ito bilang hindi para sa bata. Hinding-hindi ako nag-a-upload ng content na para sa bata.”
    3. “Gusto kong suriin ang setting na ito para sa bawat video.” 
  6. I-click ang I-save.
Itakda ang audience ng iyong video
Puwede kang magtakda ng mga indibidwal na video bilang para sa bata. Magandang opsyon ito kung ilan lang sa iyong mga video ang para sa bata. Kung hindi ka sigurado kung para sa bata ang iyong content o hindi, tingnan ang artikulong ito sa Help Center

Itakda ang iyong audience sa panahon ng pag-upload

  1. Pumunta sa studio.youtube.com. Tandaan: para itakda ang iyong audience bilang para sa bata, kakailanganin mong gamitin ang YouTube Studio. Hindi mo ito magagawa sa Creator Studio Classic. 
  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-click ang icon na i-upload. 
  3. I-click ang Mag-upload ng video (beta). Kung hindi mo ito nakikita, i-click ang Mag-upload ng video. 
  4. Sa tab na Pangunahing impormasyon, mag-scroll sa Audience
  5. Pumili:
    • “Oo, para sa bata ito".
    • “Hindi ito para sa bata"
  6. I-click ang Susunod para magpatuloy sa pag-upload ng iyong content. 

Kapag na-upload mo na ang iyong video, magkakaroon ito ng label na “Para sa bata - itinakda mo” sa iyong Listahan ng mga upload

I-update ang setting ng audience sa mga kasalukuyang video

Posibleng mapansin mong itinakda na ng YouTube ang ilang video bilang “para sa bata”. Dahil hindi ka pa nagkaroon ng pagkakataong itakda ang iyong mga video o channel bilang para sa bata o hindi, magagawa mo na ito ngayon:

  1. Mag-sign in sa studio.youtube.com.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Lagyan ng check ang mga kahon sa tabi ng mga video na gusto mong i-edit. Tandaan: Puwede mong piliin ang lahat ng iyong video sa pamamagitan ng paglalagay ng check sa kahon sa tabi ng “Video” sa itaas ng listahan ng upload mo. 
  4. Piliin ang I-edit at pagkatapos ay Audience at pagkatapos ay “Oo, para sa bata ito.”
  5. Piliin ang I-UPDATE ANG MGA VIDEO.
Ilang paalala: 
  • Gumagamit kami ng machine learning para makatulong sa aming tukuyin ang mga video na malinaw na nakadirekta sa mga mas batang audience. Nagtitiwala kaming tumpak mong itatakda ang iyong audience, pero posibleng i-override namin ang pinili mong setting ng audience kapag nagka-error o kapag may pang-aabuso. 
  • Huwag umasa sa aming mga system para itakda ang audience mo para sa iyo dahil posibleng hindi matukoy ng aming mga system ang content na itinuturing ng FTC o iba pang awtoridad na para sa bata. 
  • Kung kailangan mo ng tulong sa pagtukoy kung para sa bata ang iyong content o hindi, tingnan ang artikulong ito sa Help Center o kumonsulta sa legal na tagapayo.
  • Mas malamang na mairekomenda ang mga video na itinakda mo bilang “para sa bata” kasama ng iba pang pambatang video. 
  • Kung naitakda mo na ang iyong audience para sa video mo at may na-detect na error o pang-aabuso ang YouTube, posibleng makita mong nakatakda ang iyong video bilang “Itinakdang Para sa Bata." Hindi mo mababago ang setting ng iyong audience. Kung sa tingin mo ay nagkamali kami, puwede kang umapela.

Itakda ang audience ng iyong live stream

Itakda ang iyong audience kapag gumagawa ng live stream

Kung hindi ka sigurado kung para sa bata ang iyong content o hindi, tingnan ang artikulong ito sa Help Center

  1. Pumunta sa studio.youtube.com.
  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-click ang icon na i-upload.
  3. I-click ang Mag-live. Tandaan: Kapag na-click ito, dadalhin ka nito sa Live Control Room. Hindi mo maitatakda ang audience ng iyong live stream gamit ang aming mga tool sa Classic na live streaming, kaya kakailanganin mo itong gawin gamit ang Live Control Room.
  4. Pagkatapos mong punan ang pangunahing impormasyon at makapili ng setting ng privacy, mag-scroll sa Audience
  5. Pumili:
    • “Oo, para sa bata ito”.
    • “Hindi ito para sa bata”.
  6. I-click ang Susunod para magpatuloy sa pag-set up ng iyong live stream.

I-update ang setting ng audience sa mga naka-archive na live stream

Posibleng mapansin mong itinakda na ng YouTube ang ilang na-archive na live stream bilang “para sa bata”. Dahil hindi ka pa nagkaroon ng pagkakataong itakda ang iyong mga na-archive na live stream bilang para sa bata o hindi, magagawa mo na ito ngayon:

  1. Mag-sign in sa studio.youtube.com.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. I-click ang tab na Live.
  4. Lagyan ng check ang mga kahon sa tabi ng mga video na gusto mong i-edit. Tandaan: Puwede mong piliin ang lahat ng iyong video sa pamamagitan ng paglalagay ng check sa kahon sa tabi ng “Live stream” sa itaas ng listahan. 
  5. Piliin ang I-edit at pagkatapos ay Audience at pagkatapos ay “Oo, para sa bata ito" kung pambatang content ito. O kaya, piliin ang “Hindi ito para sa bata” kung hindi ito pambatang content.
  6. Piliin ang I-UPDATE ANG MGA VIDEO.
Ilang paalala
  • Gumagamit kami ng machine learning para makatulong sa aming tukuyin ang mga video na malinaw na nakadirekta sa mga mas batang audience. Nagtitiwala kaming tumpak mong itatakda ang iyong audience, pero posibleng i-override namin ang pinili mong setting ng audience kapag nagka-error o kapag may pang-aabuso. 
  • Huwag umasa sa aming mga system para itakda ang audience mo para sa iyo dahil posibleng hindi matukoy ng aming mga system ang content na itinuturing ng FTC o iba pang awtoridad na para sa bata. 
  • Kung kailangan mo ng tulong sa pagtukoy kung para sa bata ang iyong content o hindi, tingnan ang artikulong ito sa Help Center o kumonsulta sa legal na tagapayo.
  • Mas malamang na mairekomenda ang mga video na itinakda mo bilang “para sa bata” kasama ng iba pang pambatang video.
  • Kung naitakda mo na ang iyong audience para sa video mo at may na-detect na error o pang-aabuso ang YouTube, posibleng makita mong nakatakda ang iyong video bilang “Itinakdang Para sa Bata." Hindi mo mababago ang setting ng iyong audience. Kung sa tingin mo ay nagkamali kami, puwede kang umapela.

Ano ang mangyayari kapag itinakdang para sa bata ang iyong content

Nililimitahan namin ang pangongolekta at paggamit ng data sa content na para sa bata para sumunod sa batas. Nangangahulugan itong kailangan naming paghigpitan o i-disable ang ilang partikular na feature gaya ng mga komento, notification, at iba pa.

Pinakamahalaga, hindi kami naghahatid ng mga naka-personalize na ad sa content na para sa bata, gaya ng iniaatas ng Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at/o ng iba pang naaangkop na batas. Posibleng magresulta sa pagbaba ng kita ang hindi paghahatid ng mga naka-personalize na ad sa content na para sa bata para sa ilang creator na magmamarka ng kanilang content bilang para sa bata. Alam naming hindi ito magiging madali para sa ilang creator, pero mahahalagang hakbang ito na dapat gawin para matiyak ang pagsunod sa COPPA at iba pang naaangkop na batas.

Basahin sa ibaba ang isang listahan ng mga apektadong feature:

Kung itatakda mo ang isang video o live stream bilang para sa bata

Kapag itinakda mo ang iyong audience bilang “para sa bata,” paghihigpitan namin ang ilang partikular na feature para sumunod sa Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at iba pang naaangkop na batas. Kapag nangyari ito, hindi magiging available ang mga sumusunod na feature sa mga indibidwal na video o live stream:

  • I-autoplay sa home
  • Mga card o end screen
  • Mga watermark ng video
  • Mga Channel Membership
  • Mga Komento
  • Donate button
  • Mga like at dislike sa YouTube Music
  • Live chat o mga donasyon sa live chat
  • Merchandise at pagbebenta ng ticket
  • Notification bell
  • Naka-personalize na pag-advertise
  • Pag-playback sa Miniplayer
  • Super Chat o Super Stickers
  • I-save sa playlist at I-save sa panoorin sa ibang pagkakataon
Kung itatakda mo ang iyong channel bilang para sa bata

Kung ang iyong channel ay para sa bata, hindi magkakaroon ang mga video o live stream mo ng anuman sa mga feature sa itaas. Hindi rin magkakaroon ang iyong channel ng mga sumusunod: 

  • Mga Channel Membership
  • Notification bell
  • Mga Post

Mga Madalas Itanong (FAQ)

Bakit naka-off ang mga notification, komento, at iba pang feature sa content na itinakda bilang para sa bata?

Para sumunod sa Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at iba pang naaangkop na batas, nililimitahan namin ang pangongolekta ng data sa content na itinalagang para sa bata. Bilang resulta, posibleng paghigpitan o i-off ang ilang partikular na feature sa content na ito, kasama ang mga notification at komento.

Ano ang mangyayari kung maitakda ko nang mali ang audience ng aking video?

Kinakailangan ang mga pagbabagong ito bilang bahagi ng pakikipagkasundo sa US Federal Trade Commission (FTC) at NY Attorney General, at makakatulong ang mga ito sa iyong sumunod sa Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA) at/o iba pang naaangkop na batas. Saanman ang iyong lokasyon, kinakailangan mong sabihin sa amin kung para sa bata o hindi ang iyong mga video. Kung hindi mo maitatakda nang tumpak ang iyong audience, posible kang maharap sa mga isyu sa pagsunod sa FTC o iba pang awtoridad, at posible kaming magsagawa ng pagkilos sa YouTube account mo. Matuto pa tungkol sa pagpapatupad ng FTC sa COPPA.

Tandaan: Gagamit din kami ng machine learning para matulungan kaming matukoy ang mga video na malinaw na nakadirekta sa mga batang audience. Nagtitiwala kaming tumpak mong itatakda ang iyong audience, pero posibleng i-override namin ang pinili mong setting ng audience kapag nagkaproblema o kapag may pang-aabuso. Gayunpaman, huwag umasa sa aming mga system para maitakda ang iyong audience para sa iyo dahil posibleng hindi matukoy ng aming mga system ang content na itinuturing na para sa bata ng FTC o iba pang awtoridad. Kung hindi mo itatakda nang tumpak ang iyong audience bilang para sa bata, posibleng may kaharapin kang legal na kahihinatnan o mga kahihinatnan sa YouTube. Kung kailangan mo ng tulong sa pagtukoy kung para sa bata ang iyong content o hindi, tingnan ang artikulong ito sa Help Center o kumonsulta sa legal na tagapayo.

Paano ko malalaman kung naitakda ko nang tama ang audience ng aking video?

Sa kasamaang palad, hindi kami makakapagbigay ng gabay kung naitakda mo nang tumpak ang iyong audience bilang para sa bata, pero nagbigay ang FTC ng ilang gabay sa kung ano ang ibig sabihin ng pambata (o, “para sa bata”). Kasalukuyang pinag-iisipan ng FTC ang iba't ibang update sa COPPA, at puwedeng kasama rito ang pagbibigay ng higit pang gabay sa isyung ito.

Gagamit din kami ng mga machine learning system para matulungan kaming maghanap ng content na malinaw na para sa bata. Pero huwag umasa sa aming mga system para magtakda ng content para sa iyo -- gaya ng lahat ng naka-automate na system, hindi ito perpekto. Puwedeng kailanganin naming i-override ang iyong piniling setting ng audience kung sakaling may ma-detect kaming error o pang-aabuso. Pero kadalasan, aasa kami sa iyong setting ng audience para matukoy kung para sa bata ang isang video.

Kung hindi mo itatakda ang iyong audience bilang para sa bata, at sa tingin ng FTC at iba pang awtoridad ay para sa bata ito, posibleng may kaharapin kang mga legal na kahihinatnan. Kaya tingnan ang artikulong ito sa Help Center o maghanap ng legal na tagapayo kung hindi ka pa rin sigurado kung dapat bang itakda bilang para sa bata ang iyong content o hindi.

Ano ang gagawin ko kung sabihin ng YouTube na para sa bata ang aking video, pero hindi ako sang-ayon dito?

Kung hindi mo pa naitatakda ang audience ng iyong video: posibleng itakda ito ng YouTube para sa iyo. Ito ay para matulungan kang makasunod sa COPPA at/o sa iba pang naaangkop na batas. Gayunpaman, kung hindi ka sumasang-ayon sa kung paano itinakda ng YouTube ang iyong content, puwede mo pa ring baguhin ang setting ng audience ng video sa karamihan ng sitwasyon.

Kung naitakda mo na ang iyong audience para sa video mo: at may na-detect na error o pang-aabuso ang YouTube, posibleng makita mong nakatakda ang iyong video bilang “Itinakdang para sa Bata.” Kapag nangyari ito, hindi mo mababago ang setting ng iyong audience.

Gayunpaman, nauunawaan naming kung minsan ay nagkakamali kami. Kung sa tingin mo ay ganito ang sitwasyon, puwede mong iapela ang desisyong ito.

Para magsimula ng apela sa iyong computer:

  1. Sa isang computer, pumunta sa studio.youtube.com.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Pumunta sa video na gusto mong iapela.
  4. Mag-hover sa “Itinakdang para sa bata” at i-click ang Iapela.
  5. Ilagay ang iyong dahilan sa pag-apela at i-click ang Isumite.

Para magsimula ng apela sa iyong telepono:

  1. Buksan YouTube Studio app.
  2. I-tap ang Menu at pagkatapos ay Mga Video.
  3. Sa tab na Mga Upload, i-tap ang video na gusto mong iapela.
  4. Sa ilalim ng Mga Paghihigpit, i-tap ang Itakda na Para sa bata.
  5. I-tap ang Iapela at ilagay ang dahilan ng iyong apela.
  6. I-tap ang Isumite.

Pagkatapos mong magsumite ng apela

Makakatanggap ka ng email mula sa YouTube na nagpapaalam sa iyo ng resulta ng kahilingan mo sa pag-apela. Gagawin ang isa sa mga sumusunod:

  • Kung matagumpay ang iyong apela, aalisin namin ang setting ng audience na para sa bata.
  • Kung hindi matagumpay ang iyong apela, mananatili ang setting ng audience na para sa bata sa content mo. Sa hinaharap, pakisuri ang iyong channel at/o mga setting ng audience ng indibidwal na video. Ang hindi pagtatakda ng iyong audience nang naaangkop ay posibleng magresulta sa mga legal na kahihinatnan sa ilalim ng COPPA at/o iba pang batas o kahihinatnan sa YouTube platform.

Isang beses mo lang puwedeng iapela ang bawat video.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16563654407592429234
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false