Pumili ng mga setting ng komento

Puwede mong baguhin ang iyong mga setting ng komento sa YouTube Studio o mula sa page sa panonood sa YouTube app. Alamin ang tungkol sa iba't ibang setting ng komento.

YouTube Comments: Replying, Filtering and Moderating

Hindi mo mababago ang mga setting ng komento kapag:

Baguhin ang iyong mga default na setting ng komento

Naa-apply ang iyong default na setting ng komento sa mga bagong video at post sa Komunidad. Hindi maaapektuhan ang mga dati nang video at post sa Komunidad.

Para baguhin ang mga setting ng komento sa YouTube Studio:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Mga Setting.
  3. Piliin ang Komunidad at pagkatapos ay Mga Default.
  4. Piliin ang iyong mga default na setting sa ilalim ng "Mga komento sa iyong channel."
  5. Piliin ang I-save.

Baguhin ang mga setting ng komento sa video

Puwede mong baguhin ang mga setting ng komento para sa indibidwal na video sa iyong page na Content. Puwede mo ring baguhin ang mga setting ng komento para sa mahigit sa isang video nang sabay-sabay gamit ang maramihang pag-edit.

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Mag-click ng thumbnail ng video.
  4. Mag-scroll at pagkatapos ay i-click MAGPAKITA PA.
  5. Sa ilalim ng “Mga komento at rating," piliin ang iyong mga setting ng komento.
  6. I-click ang I-save.

Magagawa mo ring:

  1. Mag-sign in sa YouTube app sa iyong mobile device.
  2. Pumunta sa isa sa iyong mga video.
  3. I-tap ang Mga Komento sa ilalim ng video o sa kanan ng iyong YouTube Short.
  4. I-tap ang Mga Setting .
  5. I-tap ang Mga Komento sa ilalim ng Para sa video na ito para baguhin ang mga setting.
Matuto pa tungkol sa paano baguhin ang mga setting ng komento sa iyong mga post sa Komunidad.

Baguhin ang default na view ng komento

Puwede mong baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga komento sa page sa panonood ng iyong video. Puwede mong pagsunud-sunurin ang mga komento ayon sa mga nangungunang komento o petsa kung kailan idinagdag ang mga ito.

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Mag-click ng thumbnail ng video.
  4. Mag-scroll at pagkatapos ay i-click ang MAGPAKITA PA.
  5. Sa ilalim ng “Mga komento at rating,” piliin ang Pag-bukud-bukurin ayon sa.
  6. Pumili sa pagitan ng Nangunguna at Pinakabago.
  7. I-click ang I-save.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11825894090145861207
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false