Kung wala ka sa isa sa mga bansa/rehiyon sa itaas, walang pagbabago sa Partner Program ng YouTube para sa iyo. Puwede mong basahin ang artikulong ito para sa pangkalahatang-ideya ng YPP, pagiging kwalipikado, at mga tagubilin sa aplikasyong naaangkop sa iyo.
Tingnan kung kwalipikado ka para sa pinalawak na Partner Program ng YouTube. Kung hindi ka pa kwalipikado, piliin ang Maabisuhan sa bahaging Kumita ng YouTube Studio. Papadalhan ka namin ng email kapag nailunsad na namin sa iyo ang pinalawak na programa ng YPP at naabot mo na ang mga threshold ng pagiging kwalipikado.
Kung ikaw ay nasa Partner Program ng YouTube (YouTube Partner Program o YPP), puwede kang kumita sa pamamagitan ng mga feature ng pag-monetize na ito kung matutugunan mo ang mga threshold at requirement sa pagiging kwalipikado:
Mga Threshold ng Channel | Mga feature ng Pag-monetize |
|
|
|
|
May iba't ibang requirement sa pagiging kwalipikado ang bawat feature ng pag-monetize. Nakasaad sa artikulong ito kung paano i-on ang bawat isa sa mga feature na ito kung kwalipikado ka.
I-access ang mga paraan para kumita
Kapag nasa YPP na, makakapili na ang mga partner mula sa mga module ng kontrata na kwalipikado sila para mag-unlock ng mga pagkakataong kumita. Nagbibigay rin ang pamamaraang ito ng mas pinaigting na transparency at focus sa mga creator para makapagpasya sila kung aling mga pagkakataon sa pag-monetize ang naaangkop para sa kanilang channel.
- Mag-sign in sa YouTube Studio
- Sa kaliwang menu, piliin ang Kumita.
- I-click ang Magsimula para sa bawat opsyonal na Module para suriin at tanggapin ang mga tuntunin.
Mga Ad sa Page sa Panonood
Puwede kang kumita sa mga ad na lumalabas bago ang, sa panahon ng, kasunod ng, at sa paligid ng mga video mo sa Page sa Panonood. Puwede ka ring kumita kapag may subscriber ng YouTube Premium na nanood ng iyong content sa Page sa Panonood.
Kumakatawan ang Page sa Panonood sa mga page sa YouTube, YouTube Music, at YouTube Kids na nakalaan sa paglalarawan at pag-playback ng iyong mga long-form o live streaming na video. Para kumita sa ad at YouTube Premium sa mga long-form o live streaming na video na pinanood sa Page sa Panonood, o kapag naka-embed sa iba pang site sa Video Player ng YouTube, dapat mong tanggapin ang Module ng Pag-monetize sa Page ng Panonood.
Mga Ad sa Feed ng Shorts
Sa pamamagitan ng pagtanggap sa Module ng Pag-monetize sa Shorts, mabibigyang-daan ang iyong channel na mag-share ng kita mula sa mga ad na pinanood sa pagitan ng mga video sa Feed ng Shorts. Magsisimulang maipon ang pag-share ng kita sa mga ad ng Shorts sa petsa kung kailan mo tatanggapin ang Module na ito. Para sa higit pang detalye sa kung paano gumagana ang pag-share ng kita sa mga ad para sa Shorts, basahin ang aming mga patakaran sa pag-monetize ng YouTube Shorts.
Module para sa Commerce Product
Ang Module para sa Commerce Product (at dating available na Addendum sa Pangkomersyong Produkto) ay magbibigay-daan sa iyong kumita mula sa mga feature ng support fund mula sa fans habang kumokonekta ka sa mga fan mo. Kabilang sa mga feature ng support fund mula sa fans ang mga channel membership, Super Chat, Super Stickers, at Super Thanks. Para kumita mula sa mga feature ng support fund mula sa fans, dapat mong tanggapin ang Module para sa Commerce Product (Commerce Product Module o CPM) at i-on ang mga indibidwal na feature. Ang mga creator na lumagda sa Addendum sa Pangkomersyong Produkto (Commerce Product Addendum o CPA) ay hindi na kailangang lumagda sa bagong Module para sa Commerce Product. Para sa higit pang impormasyon sa mga feature ng support fund mula sa fans at mga nalalapat na patakaran, basahin ang aming mga patakaran sa pag-monetize ng Mga Commerce Product ng YouTube.
I-on ang mga ad sa Page sa Panonood
Kung natutugunan ng iyong video ang aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser, puwede mong i-on ang mga ad. Kung hindi ka siguradong kwalipikado ang iyong video, suriin ang gabay sa self-certification at mga halimbawa sa page na iyon. Kapag pinili mong i-on ang mga ad, hindi ito nangangahulugang awtomatikong magbubukas sa isang video ang mga ad. Bago lumabas ang anumang ad, dadaan ang video sa karaniwang proseso kung saan kasama ang mga naka-automate na pagsusuri o mga pagsusuri ng tao para ma-verify kung natutugunan nito ang aming mga alituntunin.
Sa pamamagitan ng pag-on sa mga ad para sa mga video sa YouTube, kinukumpirma mong nasa iyo ang lahat ng kinakailangang karapatan sa mga visual at audio na element ng mga video na iyon.
I-on ang mga ad para sa mga indibidwal na video
- Mag-sign in sa YouTube.
- Pumunta sa YouTube Studio.
- Sa kaliwang menu, piliin ang Content
.
- Pumili ng video.
- Sa kaliwang menu, piliin ang Pag-monetize
.
- Piliin ang uri ng mga ad na gusto mong ipakita.
- I-click ang I-save.
I-on ang mga ad para sa maraming video
- Mag-sign in sa YouTube.
- Pumunta sa YouTube Studio.
- Sa kaliwang menu, piliin ang Content
.
- Piliin ang gray na box sa kaliwa ng thumbnail ng video para sa anumang video na gusto mong i-monetize.
- I-click ang dropdown na I-edit sa itim na bar sa itaas ng iyong listahan ng video
i-click ang Pag-monetize.
- I-click ang I-on sa dropdown ng pag-monetize.
- Para maramihang magbago ng mga setting ng ad: I-click ang Magdagdag ng pag-edit.
- I-click ang I-update ang mga video
lagyan ng check ang box sa tabi ng “Nauunawaan ko ang mga implikasyon ng pagkilos na ito”
i-click ang I-update ang mga video.
I-on ang mga ad sa Feed ng Shorts
Dapat sumunod ang lahat ng content na nagmo-monetize ng mga ad sa aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser. Sa Shorts, ang mga panonood lang ng content na sumusunod sa aming mga alituntunin para sa advertiser ang magiging kwalipikado para sa pag-share ng kita. Para mag-share ng kita mula sa mga ad na pinanood sa pagitan ng mga video sa Feed ng Shorts, suriin, at tanggapin ang Module ng Pag-monetize sa Shorts sa seksyong Kumita ng YouTube Studio.I-on ang mga channel membership
Binibigyang-daan ng mga channel membership ang mga manonood na sumali sa iyong channel sa pamamagitan ng buwanang pagbabayad at makakuha ng access sa mga iniaalok mong perk na para lang sa mga miyembro, tulad ng mga badge, emoji, at iba pang produkto. Matuto pa tungkol sa pagiging kwalipikado at kung paano i-on ang mga channel membership.
I-on ang Shopping
Binibigyang-daan ng Shopping ang mga creator na ikonekta ang kanilang store sa YouTube at ipakita ang kanilang mga produkto, habang kumikita. Kung kwalipikado ka, puwede ka ring mag-promote ng mga produkto mula sa iba pang brand sa iyong content at kumita. Matuto pa tungkol sa pagiging kwalipikado at kung paano gumagana ang Shopping.
I-on ang Super Chat at Super Stickers
Ang Super Chat at Super Stickers ay mga paraan para ikonekta ang mga fan sa mga creator, habang nasa mga live stream at Premiere. Puwedeng bumili ang mga fan ng Mga Super Chat para ma-highlight ang kanilang mensahe sa live chat o ng Super Stickers para makakuha ng animated na larawan na lalabas sa live chat. Matuto pa tungkol sa pagiging kwalipikado at kung paano i-on ang Super Chat at Super Stickers.
I-on ang Super Thanks
Binibigyang-daan ng Super Thanks ang mga creator na kumita mula sa mga manonood na gustong magpakita ng karagdagang pasasalamat para sa kanilang mga video. Magagawa ng mga fan na bumili ng one-time na animation at mag-post ng natatangi, makulay, at nako-customize na komento sa seksyon ng komento ng video. Matuto pa tungkol sa pagiging kwalipikado at kung paano i-on ang Super Thanks.
I-on ang kita sa YouTube Premium
Kung papanoorin ng manonood na naka-subscribe sa YouTube Premium ang iyong content, makakakuha ka ng bahagi ng halagang ibinabayad niya para sa YouTube Premium. Kwalipikadong kumita sa YouTube Premium ang lahat ng content na ipo-post mo (na nakakatugon sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad). Para kumita sa YouTube Premium para sa:
- Mga long-form video: Tanggapin ang Module ng Pag-monetize sa Page ng Panonood at i-on ang mga ad sa Page sa Panonood
- Mga Short: Tanggapin ang Module ng Pag-monetize sa Feed ng Shorts
Matuto pa tungkol sa YouTube Premium.