Makipag-ugnayan sa mga manonood sa mga post sa Komunidad

Kapag nakapagdagdag ka na ng mga post sa tab na Komunidad sa iyong channel, puwedeng magkomento ang mga manonood para sumagot. Alamin kung paano makakasagot ang mga manonood sa iyong mga post.

Tandaan: Puwedeng magbago ang access sa post sa Komunidad batay sa iyong tungkulin sa channel. Matuto pa tungkol sa mga pahintulot ng channel.

Hanapin ang iyong Mga post sa komunidad

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. I-tap ang tab na Mga Post.

Tandaan: Makikita mo ang anumang nag-expire nang post sa iyong archive. Mag-navigate sa iyong tab na Komunidad at pagkatapos ay piliin ang seksyong “Naka-archive.”

Sumagot sa mga komento sa iyong mga post

Sumagot sa mga komento sa iyong mga post para makausap ang audience mo.

  1. Mag-hover sa post at i-click ang Mga Komento . Makikita mo ang page na Mga Komento sa Post.
  2. Piliin ang Sumagot sa ibaba ng anumang komento.

Makakakuha ka paminsan-minsan ng mga notification tungkol sa mga komento sa iyong mga post sa Komunidad maliban na lang kung mag-o-opt out ka. Matutunan kung paano pamahalaan ang iyong mga notification.

Tip: Para sumagot sa mga pinakabagong komento, i-click ang  Pagbukud-bukurin ayon sa at pagkatapos ay Pinakabago muna.

Baguhin ang mga setting ng komento sa post sa Komunidad

Kung gusto mong baguhin ang mga setting ng komento para sa partikular na post:

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Pumili ng Mga Post.
  4. Hanapin ang post na gusto mong i-update, pagkatapos ay piliin ang Mga Detalye .
  5. Piliin ang iyong setting ng komento.
  6. Piliin ang I-SAVE.

Matuto pa tungkol sa mga setting ng komento, kasama ang iyong mga opsyon para sa pag-moderate ng komento kapag naka-on ang mga komento.

Tandaan: Kasalukuyang hindi available ang opsyong “I-pause” para sa mga post sa Komunidad.

Mag-pin ng komento sa iyong mga post

Puwede kang pumili ng komento (iyong sariling komento o komento ng manonood) na papanatilihing nasa itaas ng feed sa pamamagitan ng pag-pin dito. Kapag nag-pin ka ng komento, mas makikita ito ng iyong audience.

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Piliin ang tab na Mga Post.
  4. Mag-hover sa post at i-click ang Mga Komento .
  5. Mag-hover sa komentong gusto mong i-pin.
  6. I-click ang Higit pa I-pin. Kung nag-pin ka na ng komento, ito ang papalit dito.
    Tandaan: Puwede kang Mag-unpin ng komento anumang oras at maibabalik ang komento sa orihinal nitong posisyon.

Mag-moderate ng mga komento sa mga post sa Komunidad

Puwede kang mag-hold ng mga komento sa iyong mga post sa Komunidad para masuri mo ang mga ito. Matuto pa tungkol sa pag-moderate ng mga komento.

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Mga Setting.
  3. Piliin ang Komunidad at pagkatapos ay Mga Default.
  4. Sa ilalim ng "Mga komento sa iyong channel," piliin ang setting mo.
  5. Piliin ang I-save.

Maglagay ng mga puso sa mga komento sa mga post

Puwede kang gumamit ng puso para ipakitang pinapahalagahan mo ang mga komento ng manonood sa iyong mga post sa tab na Komunidad. Hanapin ang puso sa tabi ng thumbs up at thumbs down.

Makikita ng mga manonood ang iyong larawan at makakakita sila ng maliit na pulang puso sa kaliwang sulok sa ibaba ng kanilang komento. Depende sa kanilang mga setting, puwede rin silang makatanggap ng notification na nagustuhan ng may-ari ng channel ang kanilang komento.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14963712927299665588
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false