Tingnan ang mga notification ng subscriber

Madalas na iniisip ng mga creator kung paano nakakaapekto ang mga notification sa mga panonood ng kanilang video. Puwede mong gamitin ang card na "Mga bell notification ng subscriber" at “Mga naipadalang bell notification” sa YouTube Studio para matuto tungkol sa epekto ng mga notification. Awtomatikong lalabas ang mga card na ito kapag may sapat ka nang naaabot na mga subscriber. Matuto pa tungkol sa mga opsyon sa notification sa YouTube.

Naipadala ba ang Mga Notification sa Aking Mga Subscriber?

Tingnan ang mga sukatan ng bell notification ng subscriber

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Analytics .
  3. Piliin ang Audience.
  4. Hanapin ang card na “Mga bell notification ng subscriber.”

Matuto tungkol sa mga sukatan ng bell notification ng subscriber

Binibigyan ka ng card na “Mga bell notification ng subscriber” ng ideya kung ilang porsyento ng mga subscriber mo ang nakakatanggap ng mga notification mula sa iyong channel, kabilang ang: mga bagong pag-upload ng video, premiere, at live stream.

Mga subscriber na nag-on ng “Lahat ng notification” para sa iyong channel

Ipinapakita ng sukatang “Mga subscriber na nag-on ng “Lahat ng notification” para sa iyong channel” ang porsyento ng mga subscriber mo na piniling makuha ang lahat ng notification.

Mga subscriber na nag-on ng “Lahat ng notification” para sa iyong channel at nag-enable ng mga notification sa YouTube

Isinasaad sa iyo ng sukatang Mga Subscriber na nag-on ng “Lahat ng notification” para sa channel mo at nag-enable ng mga notification sa YouTube kung ilang porsyento ng mga subscriber ang nag-on ng lahat ng notification para sa iyong channel. Naka-enable din sa mga subscriber na ito ang mga notification para sa kanilang Google account at device.

Kung ipapa-ring ng mga subscriber ang bell, pero io-off nila ang mga notification sa YouTube para sa kanilang account o mobile app, hindi ito masasali sa sukatang ito. Naka-sign in ang mga subscriber na “nag-enable ng mga notification sa YouTube” at puwede silang makatanggap ng mga notification sa kahit isang device lang. Matuto pa tungkol sa pamamahala sa mga notification sa YouTube.

Tingnan ang mga sukatan ng mga naipadalang bell notification

Awtomatikong makikita ang card na “Mga naipadalang bell notification” sa tab na Abot ng YouTube Analytics kapag may sapat kang mga subscriber. Available ang card para sa mga indibidwal na video.

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. I-click ang pamagat o thumbnail ng video.
  4. Sa kaliwang menu, piliin ang Analytics at pagkatapos ay Abot.
  5. Hanapin ang card na “Mga naipadalang bell notification.”

Matuto tungkol sa mga sukatan ng mga naipadalang bell notification

  • Mga naipadalang bell notification: Ang bilang ng mga bell notification na naipadala sa mga subscriber na nakakatanggap ng lahat ng notification mula sa iyong channel, at nag-on ng mga notification sa YouTube para sa kanilang account at device.
  • CTR (click-through rate) ng mga notification: Ang porsyento ng mga manonood na nag-click sa bell notification na nakuha nila tungkol sa iyong video.
  • Mga panonood mula sa mga bell notification: Mga panonood na nakuha mo mula sa mga manonood na nag-click ng bell notification at agad na nanood ng iyong video. Hindi kasama sa bilang na ito ang mga manonood na nakakita sa iyong bell notification at pinanood ang video mo sa ibang pagkakataon. Makakakuha ka ng breakdown ng mga panonood mula sa mga notification sa app kumpara sa mga update sa email sa iyong Ulat sa abot.

Mga FAQ tungkol sa bell notification ng subscriber

Ano ang ibig sabihin ng ”na-on ang “Lahat ng notification” para sa iyong channel”?

May ilang iba't ibang bersyon ng bell para matulungan ang mga manonood na maunawaan ang iba't ibang uri ng mga notification sa YouTube:

  • Lahat: Matatanggap ng mga subscriber ang lahat ng notification mula sa iyong channel, maliban sa mga notification na lumalampas sa pang-araw-araw na limitasyon.
  • Naka-personalize: Makakatanggap ang mga subscriber ng naka-customize na subset ng mga notification mula sa iyong channel.
  • Wala: Makikita ng mga subscriber ang bersyong ito ng bell kung hindi sila nakakatanggap ng mga notification mula sa iyong channel dahil sa mga setting ng kanilang device.

Hindi isinasama sa sukatang “Mga subscriber na nag-on ng “Lahat ng notification para sa iyong channel” ang mga subscriber na pumipiling makatanggap ng naka-personalize na notification o ang mga subscriber na nag-off sa mga notification mula sa iyong channel sa kanilang Manager ng mga subscription o setting ng Channel. Matuto pa tungkol sa mga setting na nakakaapekto sa mga notification.

Paano ko mapapa-subscribe ang aking mga manonood sa lahat ng notification mula sa aking channel?

May ilang manonood na hindi gustong makatanggap ng lahat ng notification mula sa bawat channel kung saan sila naka-subscribe. Para sa ilan, posibleng napakarami masyado ng lahat ng notification, at puwede itong humantong sa pag-off ng manonood sa lahat ng notification.

Hikayatin ang iyong mga subscriber na piliin ang antas ng notification na naaangkop para sa kanila. Kung may mga manonood kang gustong makatanggap ng lahat ng notification, pero nagkakaproblema sa pagtanggap ng mga ito, ipadala sa kanila ang troubleshooter ng mga notification.

Nasa ibaba ako ng hanay na “Karaniwan sa YouTube.” Nakakasama ba iyon?

Mga subscriber na nag-on ng “Lahat ng notification” para sa iyong channel

Maraming channel ang hindi umaabot sa hanay na ito at nagkakaroon pa rin ng magandang performance. Ang mga notification ang isa sa maraming pinagmumulan ng trapiko para sa mga panonood (halimbawa: Susunod, Home, o paghahanap). Makakakita sa iba't ibang channel ng magkakaibang porsyento ng trapiko mula sa magkakaibang pinagmumulan ng trapiko.

Maraming bagay na nakakaimpluwensya kung gusto ng subscriber na makatanggap ng lahat ng notification ng channel sa lahat ng pagkakataon. Puwedeng maimpluwensyahan ang pagpili ng notification ng subscriber ng mga salik na tulad ng dalas ng pag-upload, mga paksa ng video, o iba pang subscription sa channel.

Mga subscriber na nag-on ng “Lahat ng notification” para sa iyong channel at nag-enable ng mga notification sa YouTube

Kung pasok ka sa karaniwang hanay para sa mga subscriber na nag-on ng lahat ng notification para sa iyong channel, pero nasa ibaba ng hanay para sa mga na-enable na notification, isaalang-alang ang paghiling sa mga manonood na gamitin ang troubleshooter ng mga notification. Nagpapakita ng interes ang mga manonood na ito na makatanggap ng lahat ng notification sa pamamagitan ng pagpapa-ring sa bell. Posibleng hindi nila alam na hindi sila nakakatanggap ng mga notification.

Puwede ko bang makita ang aking mga sukatan ng notification ng subscriber para sa mga nakaraang yugto ng panahon?

Mga kasalukuyang sukatan lang ang ipinapakita sa card na Mga bell notification ng subscriber. Hindi available ang mga dating value.

Kung magkakaroon ako ng mga bagong subscriber, agad bang tataas ang aking mga sukatan ng subscriber?

Araw-araw na ina-update ang mga sukatan ng subscriber, pero naaantala ito nang 2 araw. Kung magpo-post ka ng video nang Lunes at magkakaroon ng mga bagong subscriber, makikita ang mga iyon sa mga sukatan mo nang Miyerkules.

FAQ tungkol sa mga naipadalang bell notification

Paano ko dapat gamitin ang card na “Mga naipadalang bell notification?”

Gumagana ang “Mga naipadalang bell notification” kasama ang card na “Mga bell notification ng subscriber:”
  • Ipinapakita ng card na “Mga bell notification ng subscriber” kung gaano kalaking bahagi ng iyong mga subscriber ang nag-click sa bell  para makuha ang lahat ng notification mula sa buong channel mo. Ipinapakita rin nito kung ilan sa mga subscriber na iyon ang kwalipikadong makakuha ng mga notification, batay sa mga setting ng kanilang device at account.
  • Ipinapakita ng card na “Mga naipadalang bell notification” kung ilang manonood ang nakatanggap ng iyong bell notification, nag-click nito, at nanood ng video mo. Ipinapakita rin ng card na ito ang bilang ng mga subscriber na mayroon ka, kapag nagpa-publish ng iyong video, na kwalipikadong makakuha ng bell notification.

Ano ang kaibahan ng aking CTR ng mga notification at ng CTR ng thumbnail ko?

Kinakatawan ng iyong CTR ng mga notification ang dami ng mga manonood na nakakita ng bell notification para sa iyong video at nag-click nito. Kinakatawan ng iyong CTR ng thumbnail ang dami ng mga manonood na nakakita ng thumbnail ng video mo sa YouTube at nag-click nito. Matuto pa tungkol sa iyong mga impression at CTR.

Bakit mas mababa ang CTR ng mga notification ko kaysa sa CTR ng mga impression ko?

Normal lang na mas mababa ang iyong CTR ng mga notification kumpara sa CTR ng mga impression mo.
Buong araw na nakakatanggap ng mga notification ang mga tao, pero hindi sila makapanood ng mga video. Posibleng nasa trabaho sila o nagluluto ng hapunan. Sinusukat ang iyong CTR ng mga impression batay sa aktibidad sa YouTube. Kinakatawan nito ang gawi mula sa mga manonood na aktibong naghahanap ng mapapanood sa YouTube, sa halip na mga manonood na nasa kalagitnaan ng kanilang pang-araw-araw na buhay.
Bakit hindi naipadala ang lahat ng notification ko?
Narito ang mga pinakakaraniwang dahilan kung bakit posibleng wala pang 100% ang iyong “Naipadalang bell notification:”
  • Naipadala na ng iyong channel ang maximum na 3 notification ng video sa loob ng 24 na oras na panahon.
  • Nag-publish ka ng mahigit 3 video sa loob ng maikling panahon.
  • Nagkaroon ng malaking pagbabago sa bilang ng iyong subscriber sa nakalipas na 24 na oras. Matuto pa.
  • Binago mo ang mga setting ng privacy ng iyong video bago maipadala ang lahat ng notification.
  • Nilaktawan mo ang mga notification para sa video na ito.
Paano naaapektuhan ng mga pagbabago sa mga bilang ng subscriber ko ang porsyento ng mga naipadalang bell notification?
Normal lang na magbago nang madalas ang bilang ng iyong subscriber. Sakaling lubos na nagbago ang bilang ng iyong subscriber bago ka mag-publish ng video, posible kang makakita ng mga naipadalang bell notification na wala pang 100%.
Sa mga ganitong sitwasyon, aabisuhan pa rin namin ang lahat ng kwalipikadong subscriber, pero posibleng wala pang 100% ang ipakita ng card dahil sa mga pagkaantala sa pag-uulat.

Nasa ibaba ako ng hanay na “Karaniwan sa YouTube” para sa CTR ng mga notification. Nakakasama ba iyon?

Maraming bagay ang nakakaimpluwensya sa subscriber na mag-click para magbukas ng notification. Posibleng hindi mag-click ang mga manonood sa isang notification depende sa oras, sa ginagawa nila, at iba pa.
Maraming channel ang hindi umaabot sa hanay na ito at nagkakaroon pa rin ng magandang performance. Isa lang ang mga notification sa maraming source ng trapiko para sa mga panonood. Kasama sa iba pang source ang Susunod, Home, paghahanap, mga external na source, at Subscriptions feed. Nakakakuha ang iba't ibang channel ng iba-ibang porsyento ng trapiko mula sa magkakaibang source ng trapiko.

Puwede ko bang tingnan ang card na “Mga naipadalang bell notification” para sa mga nakaraang yugto ng panahon?

Hindi available ang mga dating value para sa card na “Mga naipadalang bell notification.” Kung papalitan mo ang hanay ng petsa sa YouTube Analytics, hindi mababago ang data sa card.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
12258622833039381524
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false
false
false