Tingnan ang iyong mga impression at click-through rate

Puwede mong gamitin ang tab na Content (o tab na Abot sa level ng video) sa YouTube Analytics para maunawaan ang trapiko ng iyong video. Alamin kung ilang beses ipinakita ang mga thumbnail ng iyong video sa YouTube, at kung paano humantong sa mga panonood at haba ng panonood ang mga impression ng thumbnail na iyon. Matuto pa ng mga tip para sa paggamit ng data ng mga impression at click-through-rate.

Tingnan ang data ng mga impression at click-through-rate

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang Menu, piliin ang Analytics.
  3. Sa Menu sa itaas, piliin ang Content.

Mga impression at kung paano humantong ang mga ito sa haba ng panonood

Sa ilalim ng tab na Lahat, puwede mong tingnan ang ulat na “Mga impression at kung paano humantong ang mga ito sa haba ng panonood” na nagbibigay sa iyo ng visual ng mga impression ng thumbnail mo na humantong sa mga panonood at haba ng panonood. Makikita mo rin kung anong porsyento ng iyong mga impression ang nagmula sa pagrerekomenda ng YouTube ng mga video mo sa mga manonood.

Tandaan: Posible kang makakita ng pagkakaiba sa mga sukatan sa pagitan ng card ng mga pangunahing sukatan at ng ulat sa “Mga impression at kung paano humantong ang mga ito sa haba ng panonod.” Ang pagkakaibang ito ay dahil mas madalas i-update ang data sa card ng mga pangunahing sukatan.

Sa ilalim ng mga tab na Mga Video, Shorts, Live, at Mga Post, nagbibigay sa iyo ang card ng mga pangunahing sukatan ng pangkalahatang-ideya ng mga impression mo. Nagbibigay rin sa iyo ang card na ito ng impormasyon tungkol sa mga panonood, click-through-rate, average na tagal ng panonood, mga subscriber (Shorts), mga like (Shorts), mga pagbabahagi (Shorts). Nagiging available ang data na ito ilang oras pagkatapos mong i-publish ang iyong content.

Saan binibilang ang mga impression?

Binibilang ang mga impression kung ipinakita ang thumbnail nang mahigit 1 segundo at hindi bababa sa 50% ng thumbnail ang nakikita sa screen. Tingnan sa ibaba ang mga detalye kung saan binibilang ang mga impression.

Binibilang ang mga impression sa:

Hindi binibilang ang mga impression sa:

  • YouTube sa mga computer, TV, game console, Android, iPhone, at iPad
  • YouTube Search
  • Homepage ng YouTube (kabilang ang auto-play)
  • Mga feed ng YouTube (mga subscription, trending, history, Panoorin sa Ibang Pagkakataon)
  • Mga rekomendasyon sa "Susunod" sa kanang bahagi ng video player (kasama ang autoplay)
  • Mga Playlist
  • Mga external na website at app (halimbawa, mga link at pag-embed sa labas ng website ng YouTube)
  • YouTube mobile website
  • YouTube Kids app
  • YouTube Music app
  • Content na nasa video player (halimbawa, sa mga card o end screen)
  • Email o mga notification
  • Mga video na nagpe-play sa tab sa background (walang nakikitang impression)
  • Mga video na may mga thumbnail na wala pang 50% ang nakikita o nakikita sa loob ng wala pang 1 segundo
  • Mga TrueView video discovery na ad

Mga sukatang dapat malaman

Mga Impression Kung gaano karaming beses ipinakita ang iyong mga thumbnail sa mga manonood sa YouTube sa pamamagitan ng mga nakarehistrong impression.
Click-through-rate ng mga impression Kung gaano kadalas nanood ng video ang mga manonood pagkatapos nilang makakita ng thumbnail.
Mga natatanging manonood Ang tinatantyang bilang ng mga manood ng iyong content sa napiling hanay ng petsa.
Mga Panonood Ang bilang ng mga lehitimong panonood para sa iyong mga channel o video.
Mga panonood mula sa mga impression Ang mga panonood na nagmula sa mga impression para sa napiling hanay ng petsa.
Haba ng panonood (oras) Ang tagal ng oras na pinanood ng mga manonood ang iyong video.
Haba ng panonood mula sa mga impression Ang haba ng panonood na nagmula sa mga impression para sa napiling hanay ng petsa.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6046501717586041497
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false