Binibigyan ka ng tab na Audience sa YouTube Analytics ng pangkalahatang-ideya sa kung sino ang nanonood ng iyong mga video sa YouTube at mga insight tungkol sa kanilang demograpiko. Nagbibigay ito ng mabilisang snapshot ng mga pangunahing sukatan tulad ng mga bumalik na manonood, natatanging manonood, at subscriber.
Tingnan ang iyong Mga ulat tungkol sa audience
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Sa kaliwang Menu, piliin ang Analytics
.
- Sa top menu, piliin ang Audience.
Mga ulat tungkol sa audience
Kung kailan nasa YouTube ang mga manonood mo
Ipinapakita sa iyo ng ulat na ito kung kailan online sa buong YouTube ang mga manonood mo sa nakalipas na 28 araw. Puwede mo itong gamitin para makatulong sa pagbuo ng iyong komunidad, maunawaan kung kailan mag-iiskedyul ng Premiere, o magplano ng susunod mong live stream.
Uri ng device
Ipinapaalam sa iyo ng ulat na ito kung ilang porsyento ng haba ng panonood mo ang mula sa bawat device (nakaayos mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa). Mga sinusuportahang device: mobile, computer, TV, at tablet. Dagdag pa rito, puwede mong tingnan ang analytics na ito ayon sa uri ng content.
Mga bell notification ng subscriber
Ipinapaalam sa iyo ng ulat na ito kung ilang porsyento ng mga subscriber mo ang nakakatanggap ng mga bell notification mula sa iyong channel. Matuto pa tungkol sa mga notification ng subscriber.
Haba ng panonood mula sa mga subscriber
Ipinapaalam sa iyo ng ulat na ito kung ilang porsyento ng haba ng panonood mo ang nanggagaling sa mga subscriber at manonood na hindi naka-subscribe.
Edad at kasarian
Ipinapakita sa iyo ng ulat na ito kung aling mga sakop na edad ang pinakanagdaragdag sa haba ng panonood mo at ang pagkakabahagi ng kasarian ng iyong audience.
Mga channel na pinapanood ng iyong audience
Ipinapakita sa iyo ng ulat na ito kung ano ang iba pang channel na patuloy na pinapanood ng mga manonood mo sa labas ng iyong channel sa nakalipas na 28 araw. Magagamit mo ito para malaman kung sa anong mga channel interesado ang iyong mga manonood at para sa mga pagkakataon para sa pakikipag-collaborate.
Ano ang pinapanood ng iyong audience
Ipinapakita sa iyo ng ulat na ito ang iba pang video, Short, live stream, at podcast na pinanood ng mga manonood mo sa labas ng iyong channel sa nakalipas na pitong araw. Magagamit mo ito para maghanap ng mga paksa para sa mga bagong video at pamagat. Puwede mo ring gamitin ang impormasyon para sa mga ideya sa thumbnail at pagkakataon para sa pakikipag-collaborate. Kung mayroon kang Opisyal na Channel ng Artist, hindi mo makikita ang mga video kung saan ikaw ang pangunahing artist, kahit na wala sa iyong Opisyal na Channel ng Artist ang video.
Mga format na pinapanood ng iyong mga manonood sa YouTube
Ipinapakita sa iyo ng ulat na ito kung ano ang iba pang uri ng mga format na pinapanood ng mga tao sa nakalipas na 28 araw. Ang mga format ay puwedeng mga video, Short, o live stream. Puwede mo itong gamitin para makita kung anong mga format ang pinakapinapanood ng mga tao para maiakma ang iyong content sa format na iyon.
Mga nangungunang geography
Ipinapakita sa iyo ng ulat na ito kung aling mga geography ang may pinakamahabang panonood para sa channel mo.
Mga nangungunang wika ng subtitle/CC
Ipinapakita ng ulat na ito ang audience ng iyong channel ayon sa wikang naka-subtitle.
Mga sukatang dapat malaman
Mga bumabalik na manonood | Ang bilang ng mga manonood na napanood na ang iyong channel, at bumalik para manood sa napiling yugto ng panahon. |
Mga bagong manonood | Ang bilang ng mga manonood na pinanood ang iyong channel sa unang pagkakataon sa napiling yugto ng panahon. Itinuturing na mga bagong manonood ang mga manonood na nanonood mula sa isang pribadong browser, nag-delete ng kanilang history ng panonood, o hindi napanood ang channel mo nang mahigit sa isang taon. |
Mga natatanging manonood |
Ang tinatantyang bilang ng mga manonood ng iyong content sa napiling hanay ng petsa. Para sa Shorts, kinakalkula ito sa mga engaged na panonood at kaugnay na haba ng panonood ng mga ito. |
Mga Subscriber | Ang bilang ng mga manonood na nag-subscribe sa iyong channel. |
Haba ng panonood (oras) | Ang tagal ng oras na pinanood ng mga manonood ang iyong video. |
Mga Panonood | Ang bilang ng mga lehitimong panonood para sa iyong mga channel o video. |