Sukatin ang mahahalagang sandali para sa pagpapanatili ng audience

Ipinapaliwanag ng ulat sa mahahalagang sandali para sa pagpapanatili ng audience kung gaano kahusay napanatili ng iba't ibang sandali ng iyong video ang atensyon ng mga manonood. Nagbibigay ang ulat na ito ng insight sa mga epektibong bahagi ng iyong video at pagkakataon para sa pagpapahusay. Tandaang karaniwang umaabot nang 1–2 araw bago maiproseso ang data ng pagpapanatili ng audience.

Tandaan: Available lang ang ulat sa pagpapanatili ng audience sa level ng video ng YouTube Analytics.

Tumingin ng mahahalagang sandali para sa pagpapanatili ng audience

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, piliin ang Content .
  3. Sa video na gusto mong tingnan, piliin ang Analytics .
  4. Piliin ang tab na Pangkalahatang-ideya o Engagement at hanapin ang ulat sa Pagpapanatili ng audience. Puwede mong i-click ang TUMINGIN PA para makita ang kaibahan ng iyong video sa lahat ng video sa YouTube na kasinghaba nito.
  5. Sa ilalim ng “Mga Segment," pumili ng isa sa iba't ibang grupo ng manonood sa drop-down para makita ang uri ng segment na iyon.

Unawain ang mahahalagang sandali para sa pagpapanatili ng audience

May 4 na uri ng mga sandali na posibleng i-highlight sa iyong ulat sa mahahalagang sandali para sa pagpapanatili ng audience. Puwede ka ring gumamit ng karaniwang pagpapanatili para ihambing ang iyong 10 pinakabagong video na kasinghaba nito.

Kapag flat ang linya sa chart, nangangahulugan itong pinapanood ng mga manonood ang bahaging iyon ng iyong video mula simula hanggang katapusan.
Ang mga dahan-dahang pagbaba ay nangangahulugang nawawalan ng interes ang mga manonood sa paglipas ng panahon. Karaniwang dahan-dahang bumababa ang bilang ng mga manonood sa mga video sa YouTube habang patapos ang pag-playback.
Lumalabas ang mga spike kapag mas maraming manonood ang nanonood, nanonood ulit, o nagshe-share ng mga bahaging iyon ng iyong video.
Nangangahulugan ang mga dip na umaalis o lumalaktaw ang mga manonood sa partikular na bahagi na iyon ng iyong video.

Mga Intro

Ipinapaalam sa iyo ng intro kung anong porsyento ng audience mo ang nanood pa rin ng iyong video pagkatapos ng unang 30 segundo.

Puwedeng mangahulugan ang mataas na porsyento ng intro na:

  • Tumugma ang content sa unang 30 segundo sa inaasahan ng manonood mula sa thumbnail at pamagat ng video.
  • Napanatili ng content na interesado ang audience.

Mga rekomendasyon para mapahusay ang porsyento ng iyong intro:

  • Pag-isipang baguhin ang thumbnail at pamagat ng iyong video para mas mahusay na maipakita ang content ng video mo.
  • Baguhin ang unang 30 segundo ng iyong video at pag-eksperimentuhan ang iba't ibang istilo para makakita ng istilong mapapanatiling nakatuon ang audience mo.

Pinakamagagandang sandali

Ang pinakamagagandang sandali ay mga sandali sa iyong video kung saan halos walang huminto sa panonood.
Mga rekomendasyon para pahusayin ang mga nangungunang sandali:
  • Kung nagaganap ang mga nangungunang sandali sa huling bahagi ng video, pag-isipang ilagay ang nakakaengganyong content sa unang bahagi ng video—karaniwang nababawasan ang mga laki ng audience sa kahabaan ng video.
  • Pag-isipang gumawa ng mas bagong content sa pamamagitan ng pagpapalawak sa content mula sa mga nangungunang sandali.

Mga Spike

Ang mga spike ay mga sandali sa iyong video na pinanood ulit o na-share.
Puwedeng mangahulugan ang mga spike na:
  • Higit na pinanood ng iyong audience ang segment na iyon kumpara sa mga nakaraang segment.
  • Hindi malinaw ang iyong content at kinailangan ng audience mo na panoorin ulit ang isang seksyon.

Puwede mong suriin ang iyong mga biglaang pagtaas para mas maunawaan ang mga dahilan ng pagtaas sa pagpapanatili.

Mga Biglaang Pagbaba

Hina-highlight ng mga biglaang pagbaba ang mga sandali sa iyong video na nilaktawan o mga sandali kung saan tuluyang huminto ang mga manonood sa panonood ng video mo.
Puwede itong mangahulugang hindi gaanong pinanood ng iyong audience ang segment na iyon kumpara sa mga nakaraang segment. Iminumungkahi naming suriin mo ang iyong mga biglaang pagbaba para mas maunawaan kung bakit nawalan ng interes ang mga audience sa isang partikular na segment.
Tandaan: Posibleng hindi magkaroon ang iyong video ng lahat ng sandaling ito; hina-highlight lang ang mga ito kung na-detect ang mga ito sa isang video. Ang iyong video ay dapat na hindi bababa sa 60 segundo ang haba at may hindi bababa sa 100 panonood.

Malalaman mo sa hugis ng graph ng pagpapanatili ng audience kung aling mga bahagi ng iyong video ang pinakainteresante at pinakahindi interesante para sa mga manonood.

Tingnan ang pagpapanatili ng audience ayon sa uri ng segment

Tandaan: Posibleng kailanganin mong i-enable ang Advanced Mode para ma-access ang ilang partikular na data. Alamin kung paano i-unlock ang mga advanced na feature.

Sa pamamagitan ng ulat sa pagpapanatili ng audience sa mga segment, makikita mo kung gaano kadalas nag-e-engage ang iba't ibang bahagi ng iyong audience sa mga video mo. Puwede mong ikumpara ang mga bagong manonood sa mga bumalik na manonood, ang mga subscriber sa mga non-subscriber, at kung naghahatid ka ng mga ad, puwede mong paghiwalayin ang mga manonood mula sa organic na trapiko at mula sa nabayarang trapiko na nakikipag-interact sa iyong content. Puwede mo ring makita ang trapiko mula sa mga nalalaktawang video ad, at trapiko mula sa mga display ad.Puwede mong i-click ang TUMINGIN PA para tingnan ang mga ulat na ito.

Organic na trapiko at Nabayarang trapiko

Organic na trapiko

Ito ang mga panonood na direktang resulta ng layunin ng user. Halimbawa, itinuturing na organic ang trapiko kung magsasagawa ng pagkilos ang isang manonood gaya ng paghahanap ng video, pag-click sa isang iminumungkahing video, o pag-browse ng channel.

Nabayarang trapiko

Ito ang mga panonood na resulta mula sa may bayad na placement.

  • Nalalaktawang video ad: Mga panonood para sa mga ad na awtomatikong pine-play bago ang isang video at puwedeng laktawan ng mga manonood pagkalipas ng limang segundo.
  • Mga display ad: Mga panonood na resulta ng pag-click ng manonood sa isang display ad, kabilang ang mga ad na ipinapakita sa mga resulta ng paghahanap o sa iba pang page sa panonood ng video.

Matuto pa tungkol sa mga format na video ad sa Google Ads para sa video.

Mga Bagong manonood at Bumalik na manonood

Mga bagong manonood

Ang mga bagong manonood ay mga manonood na may pinanood sa iyong channel sa unang pagkakataon sa napiling time period.

Mga bumalik na manonood

Ang mga bumalik na manonood ay mga manonood na dati nang nanood sa iyong channel at bumalik para manood pa.

Matuto pa tungkol sa data ng mga bumalik at bagong manonood.

Subscriber at non-subscriber

Subscriber

Mga manonood na naka-subscribe sa iyong channel. Puwede mong tingnan ang bilang ng iyong subscriber nang real time at tingnan ang paglago mo sa paglipas ng panahon.

Non-subscriber

Mga manonood na nanonood ng iyong mga video, pero hindi sila naka-subscribe sa channel mo.

Matuto pa tungkol sa pangunahing kaalaman sa YouTube Analytics.

Tingnan ang detalyadong aktibidad para sa pagpapanatili ng audience

Ipinapakita ng ulat ng detalyadong aktibidad na available sa pagpapanatili ng audience ang eksaktong bilang ng mga panonood para sa iba't ibang segment ng iyong video. Puwede mo ring gamitin ang ulat na ito para makita kung gaano karaming manonood ang nagsimula at huminto sa panonood ng iyong video sa iba't ibang sandali.

Pag-isipang gamitin ang data tungkol sa kung kailan nagsimula at huminto ang mga manonood sa panonood ng iyong video para mapaganda ang content mo at mapanatili ang interes ng manonood.

Tandaan: Ang eksaktong bilang ng mga panonood para sa isang segment ng video ay inaasahan, kung minsan, na lumampas sa pangkalahatang bilang ng panonood ng iyong video. Ito ay dahil posibleng panoorin ng iisang manonood ang mga bahagi ng iyong content nang maraming beses sa isang panonood.

Mga sukatang dapat malaman

Average na tagal ng panonood

Average na mga minutong pinanood sa mga nanatili para manood.

Para sa Shorts, kinakalkula ito sa mga engaged na panonood at kaugnay na haba ng panonood ng mga ito.

Haba ng panonood (oras) Ang tagal ng oras na pinanood ng mga manonood ang iyong video.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
6489899156865321999
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false
false
false