Maunawaan ang iyong engagement sa YouTube

Ipinapaunawa sa iyo ng tab na Engagement sa YouTube Analytics kung paano nag-i-interact ang mga manonood sa content mo. Nagbibigay ito ng mabilisang snapshot ng mga pangunahing sukatan tulad ng haba ng panonood (oras) at average na tagal ng panonood. Matuto pa tungkol sa kung paano binibilang ang mga sukatan ng engagement.

Makakuha ng mga tip para makabuo ng iyong fanbase para sa mga creator.

Tingnan ang iyong Mga ulat sa engagement

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang Menu, piliin ang Content .
  3. Sa napiling video, piliin ang Analytics .
  4. Sa menu sa itaas, piliin ang Engagement.

Mga ulat sa engagement

Pagpapanatili ng audience

Ipinapakita ng ulat sa mahahalagang sandali para sa pagpapanatili ng audience kung gaano kahusay na napanatili ng iba't ibang sandali ng iyong video ang atensyon ng mga manonood. Puwede ka ring gumamit ng karaniwang pagpapanatili para ihambing ang iyong 10 pinakabagong video na kasinghaba nito.

Mga like vs. mga dislike

Ibinubuod ng ulat sa Mga Like (vs. mga dislike) kung ilang manonood ang nag-like at nag-dislike ng iyong mga video. Puwede mong idagdag ang sukatang Mga Like (vs. mga dislike) sa pinalawak na ulat sa analytics sa level ng channel.

Rate ng pag-click sa elemento ng end screen

Ipinapakita sa iyo ng ulat sa Rate ng pag-click sa elemento ng end screen kung gaano kadalas nag-click ang mga manonood sa bawat elemento ng end screen sa iyong video. Available lang ang ulat na ito pagkatapos mong mag-click sa partikular na video.

Nangungunang na-remix

Ipinapakita ng ulat na ito ang iyong content na na-remix para gumawa ng mga Short. Ipinapakita rin ng ulat kung ilang beses na-remix ang iyong content at ang bilang ng mga panonood ng remix. Para makakuha ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa mga remix, i-click o i-tap ang TUMINGIN PA.

FAQ

Bakit hindi ko makita ang data para sa isang partikular na playlist?

Ipinapakita lang ng YouTube Analytics ang data para sa mga playlist na nakatanggap ng mga panonood sa napiling yugto ng panahon at pampubliko.

Mahalaga ba kung ako ang may-ari ng lahat ng video sa playlist?

Hindi, makikita sa ulat na ito ang data sinuman ang may-ari ng mga video.

Makikita ko ba ang data para sa aking nangungunang playlist kung hindi pa ako nag-a-upload ng video?

Kung hindi ka pa nakakapag-upload ng mga sarili mong video, puwede ka pa ring makakita ng data para sa iyong mga playlist.

Bakit nagbago ang bilang ng like ko?

Posibleng makita mong magbago ang bilang ng like at dislike dahil puwedeng markahan bilang invalid at pana-panahong alisin sa mga bilang ang ilan sa mga ito. Matuto pa tungkol sa aming Patakaran sa Mga Like.

Sa mga bihirang pagkakataon, posibleng mas marami kang makitang like/dislike kaysa sa mga panonood, dahil nababago ng iba't ibang system ng pag-verify ang mga sukatang ito.

Bakit iba ang aking bilang ng mga like sa Analytics kumpara sa bilang sa page sa panonood?

Posibleng iba ang bilang ng mga like/dislike sa YouTube Analytics kumpara sa nakikita mo sa page sa panonood sa ilalim ng video. Isang kilalang isyu ang pangyayaring ito, at nagsisikap ang aming team na ayusin ito. Sa ngayon, sumangguni sa mga bilang sa page sa panonood ng iyong video.

Mga sukatang dapat malaman

Average na tagal ng panonood

Average na mga minutong pinanood sa mga nanatili para manood.

Para sa Shorts, kinakalkula ito sa mga engaged na panonood at kaugnay na haba ng panonood ng mga ito.

Haba ng panonood (oras)

Ang tagal ng oras na pinanood ng mga manonood ang iyong video.

Mga Panonood

Ang bilang ng mga lehitimong panonood para sa iyong mga channel o video.

Binago ng YouTube kung paano binibilang sa Shorts ang mga panonood. Matuto tungkol sa mga pagbabago sa bilang ng panonood sa Shorts.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
5542363697357608460
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false
false
false