Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube

Kapag ginagamit mo ang YouTube, kasali ka sa isang komunidad ng mga tao mula sa buong mundo. Nakakatulong ang mga alituntunin sa ibaba na mapanatiling masaya at nae-enjoy ang YouTube para sa lahat.

Kung may makikita kang content na sa tingin mo ay lumalabag sa mga alituntuning ito, iulat ito.

Kung minsan, posibleng manatili sa YouTube ang content na lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad kapag mayroon itong kontekstong Pang-edukasyon, Pandokumentaryo, Pang-agham, o Pansining (Educational, Documentary, Scientific, or Artistic o EDSA). Sa mga ganitong sitwasyon, magkakaroon ang content ng pagbubukod sa EDSA.

Nalalapat ang mga patakarang ito sa lahat ng uri ng content sa aming platform, kabilang ang, halimbawa, mga hindi nakalista at pribadong content, komento, link, Post sa komunidad, at thumbnail. Hindi kumpleto ang listahang ito.

Paggawa gamit ang Karaniwang Panuntunan: Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Spam at mga mapanlinlang na kagawian

Mahalaga ang pagtitiwala sa Komunidad ng YouTube. Hindi pinapayagan sa YouTube ang content na naglalayong mang-scam, manlinlang, mang-spam, o manloko ng iba pang user.

Sensitibong content 

Umaasa kaming maprotektahan ang mga manonood, creator, at lalo na ang mga menor de edad. Iyon ang dahilan kung bakit mayroon kaming mga panuntunan na nagpapanatiling ligtas sa mga bata, laban sa pagtatalik at kahubaran, at pamiminsala sa sarili. Alamin kung ano ang pinapayagan sa YouTube at kung ano ang dapat gawin kung makakita ka ng content na hindi sumusunod sa mga patakarang ito.

Marahas o mapanganib na content

Hindi pinapayagan sa YouTube ang mapoot na salita, mapanamantalang gawi, graphic na karahasan, mga mapaminsalang pag-atake, at content na nagpo-promote ng mapaminsala o mapanganib na pagkilos.

Mga kontroladong produkto

Hindi puwedeng ibenta sa YouTube ang ilang partikular na produkto. Alamin kung ano ang pinapayagan—at kung ano ang hindi.

Maling impormasyon

Hindi pinapayagan sa YouTube ang ilang partikular na uri ng mapanlinlang o mapanlokong content na may matinding panganib na magdulot ng matinding kapahamakan. Kasama rito ang ilang partikular na uri ng maling impormasyong puwedeng magdulot ng pinsala sa totoong buhay, gaya ng pag-promote ng mga mapaminsalang remedyo o panggagamot, ilang partikular na uri ng content na teknikal na minanipula, at content na nakakagambala sa mga demokratikong proseso.

 

Content na Pang-edukasyon, Pandokumentaryo, Pang-agham, at Pansining (Educational, Documentary, Scientific, and Artistic o EDSA)

Nilalayon ng aming Mga Alituntunin ng Komunidad na gawing mas ligtas na komunidad ang YouTube. Kung minsan, posibleng manatili sa YouTube ang content na lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad kapag mayroon itong kontekstong Pang-edukasyon, Pandokumentaryo, Pang-agham, o Pansining (EDSA). Sa mga ganitong sitwasyon, magkakaroon ang content ng pagbubukod sa EDSA. 

Makakuha ng mga tip para sa creator para sa mga patakaran at alituntunin ng YouTube.

Pakiseryoso ang mga panuntunang ito. Kung dahil sa gawi ng isang creator sa YouTube sa loob at labas ng platform ay mapipinsala ang aming mga user, komunidad, mga empleyado, o ecosystem, puwede kaming tumugon batay sa ilang salik kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, bigat ng kanilang ginawa at kung may pattern ng mapaminsalang gawi. Kabilang sa mga maaari naming gawin ang pagsususpinde ng mga pribilehiyo ng creator hanggang sa pagwawakas ng account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6847850216795752498
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false