Kung makakatanggap ang iyong video ng “limitadong pag-monetize” o isang “dilaw na icon,” puwede kang humiling ng pagsusuri ng tao. Kapag humiling ka ng pagsusuri, isang espesyalista sa patakaran ang magsusuri ng iyong video at gagawa ng pasya sa pag-monetize. Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung ano ang nangyayari sa isang pagsusuri.
Ano ang ina-assess ng mga reviewer sa isang pagsusuri
Susuriin ng aming mga espesyalista ang lahat ng content na nauugnay sa video. Maingat nilang pinapanood at ina-assess ang bawat isang content, kasama ang:
- Content ng video
- Pamagat
- Thumbnail
- Paglalarawan
- Mga Tag
Paano ina-assess ng mga tagasuri ang content
Sinusuri ng aming mga reviewer ang video at nauugnay na content sa kabuuan. Depende ang kaangkupan sa ad ng bawat video sa konteksto nito.
Sa kanilang pagsusuri, ginagamit ng mga espesyalista ang mga alituntunin para sa advertiser kasama ang mga sumusunod na prinsipyo:
- Konteksto
- Focus
- Tone
- Pagiging Makatotohanan
- Pagka-graphic
Ang pinakamahalagang prinsipyo ay konteksto. Ano ang intensyon sa likod ng iyong video — gusto ba nitong magbigay ng impormasyon at kaalaman, o manindak at magpasimula ng karahasan? Halimbawa, kung gusto nitong magbigay ng impormasyon at kaalaman, dapat kang magsama ng konteksto sa iyong pamagat, mga thumbnail, paglalarawan, at mga tag. Nakakatulong ang kontekstong ito sa mga tagasuring magpasya nang tama kaugnay ng pag-monetize. Kapag walang konteksto, posibleng hindi tumpak na masuri ng mga tagasuri ang iyong content.
Halimbawa, posibleng may video na may ilang pagmumura na nagkakaroon ng mga ad. Gayundin, ang ibang video na walang pagmumura pero maraming marahas na content ay posibleng hindi magkaroon ng mga ad.
Ano ang mangyayari pagkatapos ng pagsusuri
Kapag natapos na ang isang pagsusuri, makakatanggap ka ng email na naglalaman ng pasya sa pag-monetize. Hindi na mababago ang pasya ng tagasuri, at hindi na magbabago ang status ng pag-monetize ng video.
Bakit mahalaga ang mga pagsusuri ng tao
Ang aming mga system ay pinapagana ng learning technology at milyon-milyong manual na pagsusuri mula sa mga apela. Kapag pinagsama, nagtutulungan ang mga ito sa pagsasanay at pagpapahusay ng system para tama ang mga maging pasya nito sa pag-monetize para sa bawat video. Pinagkukumpara ng teknolohiya ang mga pasya ng taong tagasuri at ang mga automated na pasya, at ginagamit nito ang nabanggit na impormasyon para pahusayin ang katumpakan ng system.