Mga FAQ: tinanggihan ang channel ko sa pag-monetize

Bakit ako tinanggihan sa pag-monetize?

Kung tinanggihan ang iyong aplikasyon para sa Partner Program ng YouTube (YouTube Partner Program o YPP), nangangahulugan itong naniniwala ang aming mga taong tagasuri na hindi natutugunan ng malaking bahagi ng iyong channel ang aming mga patakaran at alituntunin. Para matuto pa tungkol sa mga susunod na hakbang, tingnan ang iba pang tanong sa artikulong ito.

Puwede ba akong mag-apply ulit?

Oo. Kung ito ang unang beses na tinanggihan ka, puwede kang mag-apply ulit sa Partner Program ng YouTube 30 araw pagkatapos mong matanggap ang email na nagsasabing ikaw ay tinanggihan. Kung hindi ito ang unang beses na tinanggihan ka, o nag-apply ka na ulit dati, puwede kang mag-apply 90 araw pagkatapos mong matanggap ang email ng pagtanggi. Mainam kung susuriin mo ang iyong channel para sa mga paglabag sa patakaran bago ka mag-apply ulit.

Kung naniniwala kang hindi tamang tinanggihan ang iyong channel sa Partner Program ng YouTube (YouTube Partner Program o YPP), may opsyon kang umapela sa loob ng 21 araw, ilang beses mo mang tinangkang magsumite ng aplikasyon. 

Ano ang magagawa ko para mapatibay ang aking aplikasyon?

Hindi namin maipapangakong makakapag-monetize ka na pagkatapos maayos ang iyong channel. Gayunpaman, may ilang pangkalahatang alituntunin kami para matulungan kang gawing kwalipikado ang iyong channel para sa programa.

  1. Basahin ang email ng hindi pagtanggap sa iyo. Nakasaad dito ang mga partikular na patakarang nilabag ng iyong channel.
  2. Pagkatapos, suriin ang iyong content (mga video, pamagat, paglalarawan, thumbnail, at tag) batay sa aming mga patakaran sa pag-monetize ng channel sa YouTube at sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad.
  3. Ang susunod na hakbang ay ang mag-edit o mag-delete ng anumang video na lumalabag sa aming mga patakaran

Kung mag-a-apply ka ulit, maingat na titingnan ulit ng aming team ng pagsusuri ang iyong content. Papadalhan ka namin ng email para maabisuhan ka kapag tapos na ang proseso (umaabot ito nang humigit-kumulang isang buwan). Puwede mo ring tingnan ang status ng aplikasyon mo sa seksyong Kumita sa YouTube Studio.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
15907254053257874986
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true