Bumili ng Super Chat o Super Sticker

Tandaan: Ang ilang bagong pagbili sa Super Chat, Super Stickers, o Super Thanks na ginawa sa YouTube Android app ay sisingilin sa pamamagitan ng Google Play. Ang lugar lang kung saan siningil ang pagbili ang maaapektuhan ng pagbabagong ito, hindi ang pagpepresyo o gastos. Puwede kang pumunta sa pay.google.com para tingnan ang mga bagong singil at suriin kung paano ka sinisingil.

Gawing kapansin-pansin ang mga mensahe sa live chat gamit ang Super Chat o Super Stickers. Kapag bumili at nagpadala ka ng Super Chat, puwede mong i-highlight ang iyong mensahe sa feed ng live chat. Sa pamamagitan ng Super Stickers, makakakita ka ng digital o animated na mensahe na nagpa-pop up sa feed ng live chat. Matuto pa tungkol sa availability at mga kinakailangan sa system. Natatanggap ng mga creator ang karamihan ng kita sa Super Chat at Super Stickers.

Bumili ng Super Chat o Super Sticker

Sundin ang mga tagubiling ito para bumili ng Super Chat o Super Sticker sa iyong computer:
  1. I-click ang simbolo ng dolyar sa live chat. Dapat ay nakikita ang live chat.
  2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:​
    1. Super Sticker at pagkatapos ay maghanap ng sticker pack na gusto mo at pagkatapos ay pumili ng indibidwal na sticker na bibilhin.
    2. Super Chat at pagkatapos ay para pumili ng halaga, i-drag ang slider o i-type ang gusto mong halaga at pagkatapos ay magdagdag ng opsyonal na mensahe.
      • Nagbabago ang kulay at haba ng oras na naka-pin sa itaas ng feed ng chat, depende kung magkano ang gagastusin mo.
  3. I-click ang Bilhin at ipadala.
  4. Para tapusin ang iyong pagbili, sundin ang mga tagubilin.

Kapag nakabili ka na ng Super Chat o Super Sticker:

  • Depende sa halaga ng pagbili, posibleng i-pin namin ang iyong Super Chat o Super Sticker sa itaas na bahagi ng feed ng live chat. Ipapakita ng isang ticker ng countdown kung gaano pa katagal na ipi-pin ang iyong Super Chat o Super Sticker. Posibleng tapusin ng creator ang live chat o live stream bago matapos ang iyong oras sa ticker. Hindi naililipat ang Super Stickers at Mga Super Chat sa pagitan ng mga video.
  • Bilang bahagi ng iyong pagbili ng Super Chat o Super Sticker, posibleng ianunsyo namin sa publiko ang isang milestone sa pagbili, tulad ng una, pangatlo, panlima, pangsampu, at pandalawampung beses na pagbili mo ng Super Chat, para maipagdiwang ng iba ang iyong milestone. Bago ka bumili, makakakuha ka ng preview ng anunsyo para sa pagdiriwang ng milestone. Ang mga milestone mo ay nakabatay sa iyong history ng pagbili, na makikita sa Aking Aktibidad.
  • Puwedeng makipag-interact ang creator o iba pang manonood sa iyong Super Chat sa feed ng live chat, sa pamamagitan ng “Pag-heart”, “Pag-like”, o “Pagsagot” dito. Kung ila-like ng user ang mensahe sa Super Chat, lalabas ang "like" sa live stream, pero hindi ito ise-save o papanatilihin pagkatapos, hal., hindi ito lalabas sa myactivity.google.com o sa replay ng live stream. Makikita mo ang iyong mga sagot sa Super Chat sa myactivity.google.com sa ilalim ng iyong account. Kung may replay ang livestream na may naka-enable na chat, makikita mo ang mga sagot sa Super Chat habang pinapanood ang replay.
Mga Paalala:
  • Nakikita ng publiko ang iyong Super Chat o Super Sticker, pangalan ng channel, larawan sa profile, at halaga ng nabili.
  • Tulad ng lahat ng bagay sa YouTube, dapat sumunod sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad ang mga ipapadala mong Super Chat at Super Stickers.
  • Itatala ng YouTube ang bilang ng iyong mga pagbili, para puwede kang makilala ng publiko para sa mga milestone mo sa pagbili. Kung ayaw mong lumahok sa mga milestone sa pagbili, pumunta sa Aking Aktibidad para alisin ang iyong data sa history ng pagbili.

Mga limitasyon sa pagbili

Hindi lalabas sa ticker ang mga pagbiling wala pang $5 USD (o iyong lokal na katumbas).

Depende sa iyong bansa o rehiyon, mag-iiba-iba ang pang-araw-araw at lingguhang limitasyon sa pagbili. Sa pangkalahatan, puwede kang gumastos nang hanggang $500 USD kada araw, o $2,000 USD kada linggo (o ang katumbas sa iyong lokal na currency) sa:

  • Mga Super Chat
  • Mga Super Sticker
  • Super Thanks
  • Lahat ng 3 na pinagsama

Pag-moderate ng chat

Puwedeng i-moderate ng mga creator at ng YouTube ang lahat ng mensahe sa chat, kabilang ang mga text at graphics. Magagawa mo at/o ng iba pang tao na alisin sa view ang mga na-moderate na chat anumang oras, para sa anumang dahilan, at nang walang abiso.

Puwede mo ring alisin ang iyong Super Chat o Super Sticker na binili at ipinadala mo. I-click ang Higit pa at pagkatapos ay Alisin.

Hindi mare-refund ang na-moderate o naalis na Mga Super Chat at Super Stickers. Kung may mga alalahanin ka, puwede kang makipag-ugnayan sa team ng suporta ng YouTube o puwede mong tingnan ang aming patakaran sa refund.

Mga patakaran sa Super Chat at Super Sticker

Tulad ng lahat ng bagay sa YouTube, dapat sumunod sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad ang mga ipapadala mong Super Chat at Super Stickers.

Dapat ka ring patuloy na sumunod sa lahat ng naaangkop na batas gaya ng iniaatas ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng YouTube. Posibleng pangasiwaan sa ibang paraan ang perang gagastusin mo sa Mga Super Chat at Super Stickers batay sa mga batas na naaangkop sa iyo at sa mga aktibidad mo. Pakitandaang hindi mga tool sa crowdfunding o donasyon ang Super Chat at Super Stickers. Responsibilidad mo ang pag-unawa at ganap na pagsunod sa lahat ng naaangkop na batas—pati na kung puwede o hindi ka puwedeng bumili ng Mga Super Chat o Super Stickers.

Magsumite ng reklamo sa copyright para sa Super Stickers

Kung sa palagay mo ay may Super Sticker na lumalabag sa iyong copyright, puwede kang maghain ng notification ng paglabag sa copyright. Magsisimula ito ng legal na proseso. Para isumite ang reklamo, kakailanganin mong ibigay ang URL ng Super Sticker na sa palagay mo ay lumalabag sa iyong copyright.

Para isumite ang reklamo, kakailanganin mong i-email ang sumusunod na impormasyon sa copyright@youtube.com:

  1. Iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan
    Kakailanganin mong magbigay ng impormasyong magbibigay-daan sa amin at sa (mga) uploader ng anumang Super Sticker na aalisin mo na makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa reklamo mo, tulad ng email address, aktwal na address, o numero ng telepono.

  2. Paglalarawan ng iyong gawa na pinaniniwalaan mong nilabag
    Sa iyong reklamo, tiyaking malinaw at kumpletong ilalarawan ang naka-copyright na content na gusto mong protektahan. Kung maraming naka-copyright na gawa ang saklaw sa iyong reklamo, pinapayagan ng batas ang isang kumakatawang listahan ng mga naturang gawa.

  3. Partikular na URL ng bawat Super Sticker na sinasabing lumalabag
    Kasama dapat sa iyong reklamo ang partikular na URL ng Super Sticker na pinaniniwalaan mong lumalabag sa iyong mga karapatan, dahil kung wala iyon, hindi namin mahahanap at maaalis ito. Hindi sapat ang pangkalahatang impormasyon tungkol sa Super Sticker, gaya ng URL ng channel o username.

    • Para makita ang URL: Sa computer, pumunta sa Super Sticker sa feed ng chat o proseso ng pagbili ng Super Sticker at pagkatapos ay i-right click ang Super Sticker at pagkatapos ay Kopyahin ang Address ng Larawan.

  4. Dapat kang sumang-ayon sa at dapat mong isama ang sumusunod na pahayag:
    “Lubos ang paniniwala ko na ang paggamit ng materyal sa paraang inirereklamo ay hindi pinahihintulutan ng may-ari ng copyright, ng ahente nito, o ng batas.”

  5. At sa sumusunod na pahayag:
    "Tumpak ang impormasyon sa notification na ito, at isinasaad ko, sa ilalim ng penalty ng perjury, na ako ang may-ari, o ahenteng pinahintulutang kumilos sa ngalan ng may-ari, ng eksklusibong karapatan na sinasabing nilabag.”

  6. Iyong lagda
    Para makumpleto ang mga reklamo, kinakailangan ang aktwal o electronic na lagda ng may-ari ng copyright o ng kinatawang pinahintulutang kumilos sa ngalan niya. Para matugunan ang kinakailangang ito, puwede mong i-type ang iyong buong legal na pangalan (pangalan at apelyido, hindi pangalan ng kumpanya) para magsilbing lagda mo sa ibaba ng iyong reklamo.

Mga lokasyon kung saan available ang Super Chat at Super Stickers

Available ang Super Chat at Super Stickers sa mga sumusunod na lokasyon:
  • Algeria
  • American Samoa
  • Argentina
  • Aruba
  • Australia
  • Austria
  • Bahrain
  • Belarus
  • Belgium
  • Bermuda
  • Bolivia
  • Bosnia and Herzegovina
  • Brazil
  • Bulgaria
  • Canada
  • Cayman Islands
  • Chile
  • Colombia
  • Costa Rica
  • Croatia
  • Cyprus
  • Czechia
  • Denmark
  • Dominican Republic
  • Ecuador
  • Egypt
  • El Salvador
  • Estonia
  • Finland
  • France
  • French Guiana
  • French Polynesia
  • Germany
  • Greece
  • Guadeloupe
  • Guam
  • Guatemala
  • Honduras
  • Hong Kong
  • Hungary
  • Iceland
  • India
  • Indonesia
  • Ireland
  • Israel
  • Italy
  • Japan
  • Jordan
  • Kenya
  • Kuwait
  • Latvia
  • Lebanon
  • Liechtenstein
  • Lithuania
  • Luxembourg
  • Macedonia
  • Malaysia
  • Malta
  • Mexico
  • Morocco
  • Netherlands
  • New Zealand
  • Nicaragua
  • Nigeria
  • Northern Mariana Islands
  • Norway
  • Oman
  • Panama
  • Papua New Guinea
  • Paraguay
  • Peru
  • Pilipinas
  • Poland
  • Portugal
  • Puerto Rico
  • Qatar
  • Romania
  • Saudi Arabia
  • Senegal
  • Serbia
  • Singapore
  • Slovakia
  • Slovenia
  • South Africa
  • South Korea
  • Spain
  • Sweden
  • Switzerland
  • Taiwan
  • Thailand
  • Turkey
  • Turks and Caicos Islands
  • U.S. Virgin Islands
  • Uganda
  • United Arab Emirates
  • United Kingdom
  • United States
  • Uruguay
  • Vietnam

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2971449862954498147
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false