Puwede kang mag-blur ng mga bahagi ng iyong video sa computer sa YouTube Studio.
Tandaan: Para sa hindi na-edit na video na may mahigit 100,000 panonood, posibleng hindi ka makapag-save ng mga pagbabago rito, maliban sa pag-blur ng mga mukha. Hindi naa-apply ang paghihigpit na ito sa mga channel na nasa Partner Program ng YouTube.
Buksan ang video editor
Buksan ang video editor para mag-blur ng seksyon ng iyong video.
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
- I-click ang pamagat o thumbnail ng video na gusto mong i-edit.
- Sa kaliwang menu, piliin ang Editor.
Magdagdag ng pag-blur ng mukha
- Piliin ang Mag-blur , pagkatapos ay piliin ang Pag-blur ng Mukha.
- Kapag kumpleto na ang pagpoproseso, piliin ang mga mukhang gusto mong i-blur, pagkatapos ay i-click ang ILAPAT.
- I-click at i-drag ang kahon para isaayos ang blur.
- I-click ang I-SAVE.
Magdagdag ng custom na pag-blur
- Piliin ang Mag-blur , pagkatapos ay piliin ang Custom na Pag-blur.
- I-click at i-drag ang kahon para isaayos ang blur.
- I-click ang I-SAVE.
Higit pang opsyon
- Ilipat ang naka-blur na kahon sa ibang lugar: Mag-click at mag-drag sa loob ng kahon.
- Baguhin ang hugis ng blur: Piliin ang Parihaba o Oval bilang hugis ng iyong blur.
- I-resize ang naka-blur na bahagi: I-click at i-drag ang anumang sulok ng kahon para mag-blur ng mas malaki o mas maliit na bahagi.
- Baguhin kung kailan mangyayari ang pag-blur: I-click at i-drag ang mga dulo ng timeline para itakda kung kailan magsisimula at matatapos ang pag-blur.
- Payagang gumalaw ang naka-blur na bahagi: Piliin ang I-track ang bagay para matiyak na nakakagalaw ang naka-blur na bahagi.
- Pigilang gumalaw ang naka-blur na bahagi: Piliin ang Itakda ang posisyon ng blur para matiyak na palaging nasa iisang lugar lang ang naka-blur na bahagi.
- Mag-blur ng ilang bahagi: Mag-click at mag-drag ng mga bagong box sa mga bahaging gusto mong i-blur.
- Puwede mong i-download ang iyong na-edit na video at i-upload ulit ito para ma-publish ang mga pagbabagong ginawa mo.