Sa isang computer, puwede mong putulin ang simula, gitna, o dulo ng iyong video. Hindi mo kailangang mag-reupload ng video para i-trim ito. Hindi mababago ang URL, bilang ng panonood, at mga komento ng video. Available ang feature na ito para sa mga video na wala pang anim na oras.
Paano I-trim at I-cut ang Iyong Mga Video gamit ang Video Editor sa YouTube Studio
Buksan ang video editor para i-trim o alisin ang isang seksyon ng iyong video.
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content .
- I-click ang pamagat o thumbnail ng video na gusto mong i-edit.
- Sa kaliwang menu, piliin ang Editor.
I-trim ang simula o dulo ng iyong video
- Piliin ang I-trim at i-cut . May lalabas na asul na box sa editor.
- I-drag ang mga gilid ng asul na box. Huminto kapag natatakpan na ng box ang bahagi ng video na gusto mong panatilihin. Maaalis sa video ang anumang wala sa box.
- I-click ang I-save.
Mag-alis ng seksyon ng iyong video
- Piliin ang I-trim at i-cut , pagkatapos ay i-click ang BAGONG PAG-CUT. May lalabas na pulang box sa editor.
- I-drag ang mga gilid ng pulang box. Huminto kapag natatakpan na ng pulang box ang bahagi ng video na gusto mong alisin. Mananatili sa video ang anumang wala sa pulang box.
- Para kumpirmahin ang iyong mga pag-edit, piliin ang .
- I-click ang I-save.
Kung gusto mong i-trim o i-cut ang iyong video sa isang partikular na oras, puwede mong ilagay ang oras sa mga naaangkop na box. Para suriin ang iyong mga pag-edit, piliin ang I-preview. Para mag-undo ng pag-cut para sa seksyong iyon, i-click ang I-UNDO. Puwede mong i-click ang I-DISCARD ANG MGA PAGBABAGO anumang oras para kanselahin ang iyong mga pagbabago.
Higit pang opsyon
- Piliin ang Higit pa I-revert sa orihinal para alisin ang anumang hindi na-save na pagbabagong ginawa mo sa iyong draft.
- Puwede mong i-download ang iyong na-edit na video at i-upload ulit ito para ma-publish ang mga pagbabagong ginawa mo.