Puwede mong i-off ang mga tunog at pag-vibrate para matiyak na silent na ipapadala ang mga notification sa iyong telepono para sa partikular na period araw-araw.
Bilang default, ino-off ang lahat ng tunog at pag-vibrate sa pagitan ng 10 PM at 8 AM, pero puwede mo itong i-customize. Available ang feature na ito sa bersyon 13.16+ ng YouTube app sa mga mobile phone.
Available lang ang feature na ito sa mga mobile phone, hindi sa mga tablet.
- I-tap ang iyong larawan sa profile .
- I-tap ang Mga Setting .
- I-tap ang Mga Notification.
- I-on o i-off ang I-disable ang mga tunog at pag-vibrate.
- I-tap ang I-disable ang mga tunog at pag-vibrate para itakda ang gusto mong Oras ng pagsisimula at Oras ng pagtatapos.
Tandaan: Matatanggap mo pa rin ang lahat ng notification sa YouTube kahit na naka-off ang mga tunog at pag-vibrate. Bilang default, silent na ipinapadala ang lahat ng notification sa upload na video.